Nora Aunor at Phillip Salvador, no-show sa MMFF 2020 virtual Parade of Stars

by PEP Troika
Dec 23, 2020
PHOTO/S: MMFF 2020

JERRY OLEA

Mabituin ang virtual Parade of Stars ng MMFF 2020 nitong Disyembre 23, Miyerkules ng hapon.

Nag-live streaming ito sa Facebook page ng Metro Manila Film Festival, with Giselle Sanchez, MC Muah, and Lassy as hosts.

May mga konting aberya sa Zoom, partikular sa audio, lalo na kung maraming kinatawan ang entry, o mahina ang WiFi. Pero maagap namang nagagawan iyon ng paraan ng mga taga-technical.

Absent ang lead stars ng Isa Pang Bahaghari na sina Nora Aunor at Phillip Salvador. Andiyan sina Michael de Mesa, Sanya Lopez, Albie Casiño, at Direk Joel Lamangan.

Hopeful si Direk Joel na mapantayan ng Isa Pang Bahaghari ang tagumpay ng Rainbow’s Sunset na humakot ng labing-isang tropeyo sa MMFF 2018.

Masaya ang biruan at kulitan ng mga bida ng Pakboys: Takusa na sina Andrew E, Janno Gibbs, Dennis Padilla, at Jerald Napoles, kasama sina Angelu de Leon, Ana Roces, Sheree, at Maui Taylor.

Continue reading below ↓

Pinagkaisahan nina Janno, Dennis at Jerald na kesyo si Andrew E ang habulin ng babae sa kanilang apat. Hirit pa ni Janno, iyong babae ay may dalang pamalo at gugulpihin si Andrew E.

Magkakasama sa isang frame/window ang mga bida ng The Boy Foretold By The Stars na sina Keann Johnson at Adrian Lindayag, plus director Dolly Dulu and other co-actors. Nagiging magkamukha na sina Keann at Adrian.

Nasa cast si Joseph Marco ng Isa Pang Bahaghari, pero ang ni-represent niya sa Zoom ay ang horror movie na The Missing kung saan siya ang bidang lalaki. Present din sina Miles Ocampo, Ritz Azul, at Direk Easy Ferrer.

Naka-costume pa bilang pari si John Arcilla, na bida ng Suarez: The Healing Priest. Sabi ng host na si Giselle, ramdam niya sa Zoom ang presence ng namayapang Fr. Fernando Suarez.

In full force ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim. Nakabandanang puti na may red polka dots sina Vhong Navarro, Joross Gamboa, Benjie Paras, Kim Domingo, at Barbie Imperial. Ka-join nila sina Direk Topel Lee at Ryan Bang.

Continue reading below ↓

Paandar ni Joross, mala-Lord of the Rings ang special effects ng kanilang movie. Kesyo nag-aagawan ang Marvel at DC kay Mang Kepweng matapos mapanood ang kanilang trailer.

Pinangunahan nina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez ang pangkat ng Coming Home, kasama sina Edgar Allan Guzman, Martin del Rosario, Vin Abrenica, Shaira Diaz, Jake Ejercito, at Direk Adolf Alix Jr.

Ipinagmalaki ni Jinggoy na family-oriented drama ang Coming Home, na ang istorya nito ay totoong nangyayari sa mga pamilya, kaya makaka-relate dito ang mga manonood.

Nagpalitan ng kuru-kuro sina Direk Mac Alejandre at mga bida ng Tagpuan na sina Alfred Vargas, Iza Calzado, at Shaina Magdayao tungkol sa pag-ibig.

Tinumbok nila ang happy moments sa love, pero sa realidad, maraming challenges. Kailangang magsakripisyo. Ang pagpapaligaya ay hindi dapat pansarili, kundi isaalang-alang kung ano ang magpapaligaya sa mahal mo.

Nagpugay ang mga taga-Magikland na sina Bibeth Orteza, Miggs Cuaderno, Joshua Eugenio, Elijah Alejo, Princess Rabara,at Direk Christian Acuña sa namayapang Direk Peque Gallaga (isa sa apat na executive producers ng movie).

Continue reading below ↓

Sey ni Bibeth, magdudulot ng magic ang Magikland sa Pasko! Mapantayan kaya ng Magikland ang tagumpay ng Magic Temple na topgrosser at humakot ng awards sa MMFF 1996?

Sa Fan Girl, andiyan ang mga bidang Paulo Avelino at Charlie Dizon, plus Direk Antonette Jadaone. Itong Fan Girl ang pinakamapangahas na pelikula sa 46th MMFF. Pwede ba ito sa below 13 years old?

GORGY RULA

Nairaos ng 46th MMFF ang kanilang virtual parade kahit may pasulput-sulpot na technical difficulties.

Mapupuri mo pa rin ang lahat na bumuo nito dahil kahit ang Pilipinas ang isa sa bansang may pinakamahinang internet access, nagagawa pa rin ang online activities kagaya nitong sa MMFF.

Sana suportahan ang lahat ng mga pelikulang kalahok at wala sanang mangyaring kapalpakan sa streaming app na nagdadala ng sampung pelikulang kalahok.

Sa sampung pumarada, kung meron mang Best Float, type ko ang Magikland na may gumagalaw-galaw pang dragon.

Ang ganda rin ng napaka-homey na set up ng Coming Home.

Continue reading below ↓

Pero feel na feel ng mga taga-The Boy Foretold by the Stars ang parade na parang nasa iisang float sila nakasakay, with matching kaway-kaway.

NOEL FERRER

Nasaan sina Ate Guy at Kuya Ipe? Zoom na nga lang, inaasahan sila ng kanilang tagahanga. Kasi, last hurrah na nila iyan sa pagpo-promote lalo na sa international audience na kinalakhan sila.

Mula 2016, noong naging indie fest ang MMFF, binagyo, nasadlak sa putik, at ngayon ay na-COVID, lahat na yata ng hamon ay dumating na pero walang makakapigil dito.

Tuloy na tuloy ang pinakamalawak, pinakapopular at pinakanaunang local film festival anuman ang hinaharap natin bilang isang lipunan.

Bukas (Disyembre 24, Huwebes) ng 10:00 a.m., magkakaroon ng LEVEL UP NOMINEES REVEAL sa MMFF 2020 Live sa MMFF FB Page.

Layon nitong higit pang masuportahan ang mga nominated films na ang mga magwawagi ay ia-announce sa December 27, Linggo, sa virtual Gabi Ng Parangal.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: MMFF 2020
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results