GMA-7, tuloy-tuloy ang paandar hanggang 2021

by PEP Troika
Dec 24, 2020
(Clockwise) Shery Cruz and Jeric Gonzales heat up the afternoon drama Magkaagaw; Ruru Madrid and Shaira Diaz will star in Lolong; Coney Reyes, Carla Abellana, and Rhian Ramos give strong performances in Love of My Life; Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado bid goodbye to their characters in Descendants of the Sun.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

JERRY OLEA

Walang kalaban ngayon sa Game of Ratings ang GMA-7 dahil nawalan ng prangkisa ang kanilang pinakamahigpit na kalaban, ang ABS-CBN. Siksik, liglig, at nag-uumapaw ang kanilang mga patalastas kahit sa mga programang replay.

Magwawakas ang Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa Pasko, Disyembre 25, Biyernes ng 9:15 p.m.

dingdong jennylyn dots

Continue reading below ↓

Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado

Mapapanood muli sa GMA Telebabad ang Love of My Life nina Carla Abellana, Mikael Daez, Rhian Ramos, at Coney Reyes umpisa Disyembre 28, Araw ng Niños Inocentes.

Nagtapos na ang lock-in shooting nila sa Tagaytay, at kaytamis ng recent Instagram message ni Coney para kina Carla at Rhian.

Ani Coney, "Happy to be working for the first time in a TV drama with Carla Abellana and Rhian Ramos. These two young actresses exhibit excellent work ethics and display remarkable acting skills. “I would say they are underrated. Through time, I know they will get even better and shine even brighter! Such gems of GMA.”


Continue reading below ↓

Ongoing ang fresh episodes ng Prima Donnas nina Jillian Ward at Althea Ablan. Sabi ni Elijah Alejo na kontrabida sa nasabing teledrama, malamang na ma-extend ang Prima Donnas at makatrabaho nila muli si Sofia Pablo.


Will Ashley, Jillian Ward, Althea Ablan, and Vince Crisostomo

Para sa 2021, ipino-promote na ng Kapuso Network ang tatlong panghapong programa—Bilangin ang Bituin sa Langit nina Nora Aunor, Mylene Dizon, & Kyline Alcantara; Babawiin Ko Ang Lahat nina Carmina Villarroel, John Estrada, & Pauline Mendoza; at Magkaagaw nina Sheryl Cruz, Jeric Gonzales, Sunshine Dizon, at Klea Pineda.

Continue reading below ↓

Intense ang moment nang malaman ni Maggie (Kyline Alcantara) na magkapatid sila ni Jun (Yasser Marta). Iisa ang kanilang ama, si Anselmo (Zoren Legaspi).


Yasser Marta and Kyline Alcantara

Ipinasilip ni Sheryl sa Instagram ang bathtub scene nila ni Jeric. Nagyakapan sila at naghalikan!


Continue reading below ↓

Sheryl Cruz and Jeric Gonzales

Naka-line up na rin ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday nina Barbie Forteza & Kate Valdez, kasama sina Migo Adecer, Dina Bonnevie, & Snooky Serna.


Kate Valdez, Dina Bonnevie, Snooky Serna, and Barbie Forteza

Kaabang-abang ang iba pang mga paandar ng Kapuso Network sa 2021.

Continue reading below ↓

Andiyan ang First Yaya nina Sanya Lopez & Gabby Concepcion; Owe My Love nina Lovi Poe & Benjamin Alves; Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, & Bianca Umali; Agimat ng Agila ni Bong Revilla; at Ang Dalawang Ikaw nina Ken Chan & Rita Daniela.

Sumabak na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz sa face-to-face training para sa action-adventure series ng GMA Public Affairs na Lolong. Sinimulan ng dalawa ang training virtually pero siyempre, iba pa rin kapag face-to-face ang pagsasanay.


Continue reading below ↓

Ruru Madrid & Shaira Diaz

GORGY RULA

Exciting ang mga naka-line up nilang drama series. Sa GMA-7 pa lang ang mga iyan.

Abangan din natin ang mga series sa GMA News TV na ipu-produce ng GMA News and Public Affairs.

Bukod pa riyan, may mga naka-line up ding game shows na kakaiba at sisimulan na raw nila sa susunod na buwan.

Totoo kayang pinag-iisipan na rin ng GMA-7 na gawan ng game show si Senator Bong Revilla? Tinanong ko siya, wala raw siyang alam tungkol diyan.

Nag-enjoy si Senator Bong sa pa-Christmas Giveaway niya na “Amazing Ang Pasko” sa kanyang Facebook page, na ikinatuwa rin ng followers niya, noong December 19 & 20. Kahit nakakapagod, nag-enjoy siya.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

More projects, more work. I think 2021 will be a pro-active year and we know better how to handle COVID.

Sana rin, aside from free TV, GMA strengthens its pivot to the digital world which is the wave of the future!

Exciting ito! All the best!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Shery Cruz and Jeric Gonzales heat up the afternoon drama Magkaagaw; Ruru Madrid and Shaira Diaz will star in Lolong; Coney Reyes, Carla Abellana, and Rhian Ramos give strong performances in Love of My Life; Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado bid goodbye to their characters in Descendants of the Sun.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results