Premyadong Kapuso star, "done deal" na ang paglipat sa Kapamilya Channel

by PEP Troika
Dec 24, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Pinatay sa Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN, at tuluyan itong naglaho sa free TV.

Naglipatan sa TV5 ang maraming Kapamilya, na eme-emeng Kapamilya pa rin kahit Kapatid na.

Umalis sa ABS-CBN Star Magic si Johnny Manahan aka Mr. M.

Lumisan din sa nasabing kuwadra sina Julia Barretto, Bea Alonzo, McCoy de Leon, at kung sinu-sino pa.

Masuwerte ang mga Kapamilya na naging Kapuso, gaya nina Khalil Ramos, Luis Hontiveros, Richard Yap, at Royce Cabrera.

Nawalan ng kalaban ang GMA Network. Namamayagpag sa ratings at commercial load ang mga programa ng GMA-7, kahit iyong mga replay.

Ang daming bagong shows ng GMA-7 para sa 2021, kasi nga, sobra-sobra ang mga patalastas na pumapasok sa kanila.

Marami ring bagong programa ang GMA News TV dahil ibabato roon ang mga patalastas na hindi na ma-accomodate sa GMA-7.

Araw-araw ay milyon ang lugi ng ABS-CBN. Libu-libong empleyado nito ang na-retrench.

Naiintindihan natin ang paghahanap ng trabaho ng Kapamilya stars sa ibang network... sa GMA man iyan, sa TV5 o sa Net 25.

Continue reading below ↓

“The ship is sinking,” ika nga.

Pero kahit inihahalintulad ang ABS-CBN sa isang palubog na barko, isang magaling na Kapuso ang gustong lumipat dito.

Opo! Ang isang premyadong Kapuso na ipinaglalaban ang kanyang prinsipyo, mag-o-over da bakod para maging Kapamilya.

Amazing!!!

NOEL FERRER

Bilib ako sa kahit na sinong tao ang naninindigan. Bilib ako sa taong ito.

Masaya ako at kinikilala na siya bilang isang ganap na artista.

Ang kaibahan lang, habang ang kanyang mahal sa buhay ay ninais maging Kapuso for security, itong artistang ito ay gustong maging Kapamilya for greater artistic integrity.

Sadyang mapaglaro ang tadhana. Tingnan natin kung saan hahantong ang ganitong pagmamahalan!

Basta, we wish them all the best!!!

GORGY RULA

Ang sa akin naman, sana ay magkaayos pa at hindi matuloy ang paglipat.

Sana, magkaroon pa ng maayos na pag-uusap, kahit sinasabi ng ilang source nating "done deal" na raw ito.

Ang narinig ko kasi, hindi na nag-renew ng kontrata ang Kapuso star sa management group na humahawak ng career niya.

Continue reading below ↓

Nakipag-usap na raw ang mahusay at premyadong artista sa Kapamilya channel at nagkaayos agad.

Pero nandiyan pa rin ako sa paniniwalang madadaan sa usapan at hindi matuloy ang lipatan. Sayang, e!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results