Frontal nudity ni Paulo Avelino sa Fan Girl, pinagpiyestahan sa social media

by PEP Troika
Dec 25, 2020
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

JERRY OLEA

Madaling-araw pa lang ng Pasko, Disyembre 25, Biyernes, ay nagkalat na sa socmed ang screenshots at video clips ng frontal nudity ni Paulo Avelino sa MMFF 2020 entry na Fan Girl.

“Totoo ba o fake news?” ang tanungan kung totoong ari iyon ng aktor.

Nitong Biyernes ng alas dose ng tanghali, nag-tweet ang producer na Black Sheep:

“We've got BIG SURPRISES in store for you in Fan Girl, and we want you to see them the way they were meant to be seen.

“Report cases of piracy to the Black Sheep social media pages, and see the film NOW via Upstream.ph.”

Kalakip ng tweet ang artcard na may litrato ng pinag-uusapang eksena, kung saan blurred ang private part ni Paulo at naghuhumiyaw ang paalala, “IT LOOKS BETTER IN FULL HD.”

Nakasaad din ang panawagan, “Do yourself a favor and see every little (and big) detail not only in Fan Girl, but for all the films in the Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

“Don’t forget: PIRACY IS A CRIME. You just might end up in jail.”

Sa Facebook page ng Black Sheep, naka-post din ang artcard na may babala:

“MMFF and Upstream are tripling their efforts to catch pirates. DO NOT attempt to record this film, or sell, buy or watch pirated copies. Piracy is a crime. You may end up in jail. We are watching.

“Report cases of piracy to the Black Sheep social media pages, and see the film NOW via Upstream.ph.”

Continue reading below ↓

Mamayang 7:00 p.m. ay may Fan Girl talkback with Paulo Avelino, Charlie Dizon, and Direk Antoinette Jadaone sa Facebook pages na Fan Girl Movie, Black Sheep ABSCBN at Globe Studios PH.

NOEL FERRER

Paulo truly has a good head on top of his being, at mapapanood ninyo iyan sa pelikulang Fan Girl na isa sa top contenders sa MMFF 2020 in terms of awards.

Tatlo ang kalaban ni Paulo sa pagiging best actor—sina John Arcilla (Suarez: The Healing Priest), Adrian Lindayag (The Boy Foretold By The Stars), at Phillip Salvador (Isa Pang Bahaghari).

Ang leading lady ni Paulo na si Charlie Dizon ay nominado ring best actress, katunggali sina Iza Calzado (Tagpuan), Nora Aunor (Isa Pang Bahaghari), Ritz Azul (The Missing), at Sylvia Sanchez (Coming Home).

Sana, mapanood ang Fan Girl at ang iba pang entries nang maayos sa Upstream.

Sana, huwag nang mag-pirate pa dahil napaka-affordable na ng rates na isang ticket sa buong pamilya.

Continue reading below ↓

Magsimula na ng MMFF 2020 viewing marathon!

GORGY RULA

Ewan ko, bakit ang frontal nudity ni Paulo ang dapat pagpiyestahan sa social media.

May ilan nang nag-forward sa akin ng screen shots ng eksenang yun at parang nati-tempt na akong ipadala ang mga iyon sa isang premyadong aktres para ma-confirm kung ganyan nga ba ang kay Paulo.

Pero hindi na siguro kailangan. Mas mabuting pag-usapan na lang ang ganda ng pelikula.

Napakagaling nina Paulo at Charlie, na walang kukuwestiyon kung makuha nila ang acting awards.

Matapang na inilahad ni Direk Antoinette Jadaone ang mensaheng gustong iparating sa mga kababaihang huwag magpaalipin sa kisig at lakas ng kalalakihan.

Tama ang sinasabi nilang mapangahas ang tema ng pelikula at mabuting sa online ito mapanood, dahil hindi natin matitiyak kung mapapanood ito nang buo sa mga sinehan.

Congratulations kay Direk Antoinette lalo na kina Paulo at Charlie, na bagay na bagay ang roles na ginampanan nila. Napakahusay!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results