Fan Girl at Mang Kepweng, biktima ng piracy sa first day ng MMFF 2020

by PEP Troika
Dec 26, 2020
(Left) Charlie Dizon and Paulo Avelino in Fan Girl; (right) Vhong Navarro and Benjie Paras in Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim.

NOEL FERRER

Any moment ay ihinahanda na ang pagpunta ng mga kinatawan ng mga pelikulang Fan Girl at Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandanang Itim para magsampa ng reklamo sa mga nahuling nagpirata ng kanilang pelikula noong unang araw ng Metro Manila Film Festival 2020.

Susuportahan ito ng UPSTREAM.ph at MMFF Execom kaya inihahanda na nila ang pagpunta sa police station ng Quezon City.

Nakikiusap tayo sa mga taong magkaroon ng kunsiderasyon na huwag nang magpirata yaman din lang at gjnawa nang abot-kaya ang presyo ng MMFF 2020 tickets na isa para sa buong pamilya na.

Sa tingin niyo, bakit itong dalawang pelikulang ito ang naging palasak sa piracy, Tito Jerry at Tito Gorgy?

GORGY RULA

Baka ang mga ito ang malakas na entries online.

Gusto ko lang malaman kung may partisipasyon ba ang Optical Media Board sa MMFF 2020 kahit online ito. Sakop ba nila ang digital?

Dito sila dapat mas masigasig sa pagbabantay dahil madaling ipirata ang mga pelikula sa streaming app.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nakita kong naka-post ang buong pelikulang Fan Girl sa isang pambading na Telegram group, na may link sa Google Drive.

Naglipana sa Twitter at Messenger ang video clips ng Fan Girl kung saan nag-hello ang “ari” at wetpaks ni Paulo Avelino.

Pakiusap ng Black Sheep (producer ng Fan Girl) sa Twitter account at Facebook page nitong Disyembre 26, Sabado ng hapon:

“We’re asking as nicely as possible: please don’t reproduce and distribute the film illegally.

“We are tripling our efforts to catch acts of piracy and the consequences are very, very real. Please report cases of piracy to our social media pages!”

So far, hindi ko pa nakita sa Facebook man o Telegram ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim.

Marapat lang na i-report natin sa kinauukulan ang mga namimirata.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Charlie Dizon and Paulo Avelino in Fan Girl; (right) Vhong Navarro and Benjie Paras in Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results