JERRY OLEA
Charlie Dizon is Charlie Dizon is Charlie Dizon.
She is the fan girl foretold by the stars.
Solid ang kutob ko na ang title roler sa pelikulang Fan Girl ang tatanghaling best actress sa virtual Gabi ng Parangal ng 46th Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre 27, Linggo ng 7:00 p.m.
Ang best actor... toss coin between Paulo Avelino (Fan Girl) and Adrian Lindayag (The Boy Foretold By The Stars).
Sa best supporting actor, wala akong itulak-kabigin kina Zanjoe Marudo at Michael de Mesa na kapwa nominado para sa Isa Pang Bahaghari.
Sa kategoryang best supporting actress, bet ko si Shaina Magdayao para sa Tagpuan.
Pakiwari ko, ang tunggalian sa best picture, best director, at karamihan sa technical awards ay three-cornered fight ng Fan Girl ni Direk Antoinette Jadaone, Magikland ni Direk Christian Acuña, at The Boy Foretold By The Stars ni Direk Dolly Dulu.
Dehado ang Magikland dahil hindi nominated ang screenplay nito, maging ang apat na batang bida ay ngangey sa acting awards.
Ang frontrunner para sa akin ay Fan Girl.
GORGY RULA
Binanggit ng Chairman ng Board of Jurors na si Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakita nila sa mga nominado sa acting category ang nuances sa kanilang pag-arte.
Yung nakikita mo sa kanila ang totoong pagkatao ng karakter na ginagampanan ng artista. Kaya yung "honest acting" daw ang nakikita nila sa mga nominado.
Nag-react ang isang aktor dahil ngayon lang daw siya nakarinig ng honest na acting. Kaya ipinaliwanag naming baka ang ibig sabihin ni CabSec Nograles ay na-internalize ng isang artista ang karakter na ginagampanan niya. Hindi na siya yung artista ang napapanood mo kundi ang totoong pagkatao ng karakter na ginagampanan niya.
Nilinaw rin ng chairman ng board of jurors na mas sinusunod nila ang judge kung saan ito talaga nalilinya. Kagaya ni Mayor Richard Gomez, na sa acting category nasusunod; si Lualhati Bautista ay sa story at script; si Jay Durias sa music, etc.
Kaya maingat sila sa pagpili ng nominado hanggang sa winners para walang kumuwestiyon sa mga magwawagi.
Naniniwala akong agree ang karamihan sa magiging winners nila. Abangan na lang mamayang gabi.
NOEL FERRER
Naku, as part of the MMFF Committee, hindi na lang ako magbibigay ng specific choices. Pero halos pareho tayo ng saloobin, Tito Jerry at Tito Gorgy.
Basta, abangan natin ang mga magwawagi mamaya at susubaybayan ko ang pagdadala ng trophy nang live sa mga mananalo!
First time yun, if ever. 7:00 ang Gabi Ng Parangal sa Facebook page ng Metro Manila Film Festival with a simple program to be mounted by Viva.
Exciting ito... and mas exciting sana kung magkakaroon ng respeto ang mga tao sa mga manggagawa sa pelikula sa hindi nila pagpa-pirate dito.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika