Watch Now

Online piracy, umaariba nang husto ngayong panahon ng pandemya

by PEP Troika
Dec 27, 2020
Ang Hollywood film na Wonder Woman 1984 , na available lamang sa streaming service na HBO Max, ay napirata na.

JERRY OLEA

Sa paglaganap ng mga streaming service gaya ng Netflix, unti-unting nanghina ang bentahan ng pirated DVDs sa bansa.

Level-up na kasi ang pamimirata online. Hindi na kailangang bumili ng DVD. Sine-share sa iba’t ibang platform.

Sa panahon ng pandemya, naghingalo at sisinghap-singhap ang mga negosyo ng pirated DVD kundi man tuluyang natigok at inilibing, samantalang umariba nang bonggang-bongga ang online piracy.

Pinagpiyestahan noong Abril 29, 2020 sa Facebook at YouTube ang pirated version ng pelikulang Fuccbois, kung saan pinagpugayan si Yayo Aguila bilang Laplap Queen.

Pagka-release ng live-action adaptation ng Mulan noong Setyembre 4, 2020 sa Disney+, agad kumalat ang pirated version nito.

Same-same ang nangyari sa He Who Is Without Sin na ipinalabas sa FDCP Channel bilang bahagi ng 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (Nobyembre 20-Disyembre 13, 2020), sa Boyette: Not A Girl Yet na ipinalabas noong Nobyembre 27-Disyembre 10 sa Sky Movies Pay-Per-View (PPV), maging sa Wonder Woman 1984 na nag-streaming sa HBO Max umpisa Disyembre 25 kasabay ang theatrical release sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

$14.99 ang monthly subscription sa HBO Max, at walang dagdag na bayad para mapanood online ang WW4. Kung anim na buwan ang subscription na pinili, may 20% discount.

Pinirata rin agad-agad ang 46th MMFF entries na Fan Girl at Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na kumalat sa Facebook, YouTube, Messenger, Google Drive, at Telegram.

Dati, sa mga sinehan muna pinipirata ang mga pelikula kaya pangit ang kalidad ng tunog, malabo ang kopya, at minsan ay may mga ulo ng tao na nakikita, o kaya ay may moviegoer na tatayo at maglalakad. Later pa lang nagkakaroon ng DVD copy.

Ngayon, HD (high definition) agad ang kumakalat na kopya. Nakakalungkot. Nakakapanlumo. Nakakagalit.

GORGY RULA

Nang kumalat ang Fuccbois noong Abril, masigasig ang mga taga-production sa pagre-report ng mga nag-post sa YouTube at Facebook. Maraming account ang nasuspindi.

Dito sa Fan Girl ng Black Sheep, marami rin ang nagmamalasakit.

Nag-tweet ang Black Sheep nitong Disyembre 27, Linggo ng tanghali: “thank you to everyone who has been reporting cases of piracy to us! it really takes a village.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong U-Turn ni Kim Chiu, nag-streaming noong Oktubre 30-Nobyembre 12 sa Sky Movies PPV. Nasa Netflix na ito noong Disyembre 1.

Ang six-episodes ng Pinoy BL series na Oh, Mando! ay nag-streaming sa iWant TFC. Pinirata rin ito, pero hindi naging malaking isyu dahil siguro napakaraming Pinoy BL series na libreng napapanood sa YouTube.

Kailangang magtulungan ang mga nagmamahal at nagmamalasakit sa pelikulang Pilipino upang maparusahan ang mga namimirata at nagkakalat ng pirated films.

Dapat pag-ibayuhin ang campaign against piracy!

NOEL FERRER

Tulad ng pagpanaw ng mga kasamahan natin sa industriya, heto at pagpatay rin itong piracy na ito ng industriya!!!

Should we continue with the digital platform, dapat mas magkaroon ng pangil ang batas against piracy at ang pagpapatupad nito!

Dito masusukat ang kakayahan ng ating mga namumuno.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Hollywood film na Wonder Woman 1984 , na available lamang sa streaming service na HBO Max, ay napirata na.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results