LJ Reyes, maingat sa usaping Paulo Avelino at anak nilang si Aki; Charlie Dizon, bakit malapit kay Iza Calzado?

by PEP Troika
Dec 28, 2020
Ang Fan Girl lead stars na sina Paulo Avelino (in suit) at Charlie Dizon (long hair in curls) ay parehong nanalong Best Actor at Best Actress sa MMFF 2020 Awards Night. Si LJ Reyes (white shirt) ay ex ni Paulo, habang si Iza Calzado (off-shoulder outfit) ay close kay Charlie.
PHOTO/S: @lj_reyes Instagram / FM Ganal for PEP.ph / @missizacalzado Instagram

GORGY RULA

Tipid at maingat ang sagot ni LJ Reyes nang hiningan ko siya ng reaksyon sa pag-alay ni Paulo Avelino ng Best Actor award niya sa anak nilang si Aki.

Tinanong ko ang Kapuso actress kung nagkasama ba ang mag-ama nitong nakaraang Pasko.

“Hindi po,” text sa akin ni LJ.

“Baka po kasi pandemic,” dagdag na text sa akin ng aktres.

Hindi lumalabas si Aki magmula noong nagsimula ang quarantine at hanggang ngayon ay maingat pa rin sila, lalo na sa mga bata.

Wala nang dagdag pang pahayag si LJ tungkol kina Paulo at Aki. Obvious na umiiwas na lang ang aktres na magkaisyu pa.

Maaaring okay naman sila at may komunikasyon naman si Paulo sa kanyang anak na si Aki.

NOEL FERRER

Congratulations, Paulo, for the award!

It was truly a daring and brave performance worthy of the honors.

Congratulations din kay Charlie Dizon na itinanghal na Best Actress.

Continue reading below ↓

I knew Charlie since naging co-star siya ng talent kong si Iza Calzado sa Cinemalaya 2019 movie nitong Pandanggo Sa Hukay, and it was Iza who recommended Charlie kina Bianca Balbuena at Direk Tonet Jadaone.

Sabi ng producer na si Bianca kay Iza, “I still have your text. ‘Biancs, magaling siya. Make her audition. You’ll see. She makes solid eye contact.’ Salamat, Iza!!! Maraming salamat!

Kaya naman ang ganda ng ipinost ni Iza after Charlie won the award.

She said, "Tonight, I feel blessed to witness a star shine brighter. I know we were nominated in the same category but I was really rooting for you. I am beyond happy to see you win and thrilled that you mentioned me in your speech.

"It gives me a sense of purpose beyond self and that is a great gift. How amazing that God used me as an instrument to help you in your journey in becoming the Fan Girl. You were destined for this, Charlie, mahal kita Tisay.

Continue reading below ↓

"Feroush Matienzo Bianca Balbuena-Liew, Antoinette Jadaone, Dan Villegas Congratulations sa inyo!!!!"

Tisay was Charlie’s name in the film where Iza and her met and got close. Congratulations, Charlie!!!

Maganda lang na may bago na tayong popular line—Charlie Dizon is Charlie Dizon! Moveover, Anna!!!

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Tweet ni Paulo Avelino matapos tanghaling best actor sa MMFF 2020 nitong Disyembre 27, Linggo ng gabi:

“Maraming salamat! Gusto ko kayong isa isang pasalamatan pero bumabaha ng tweet timeline ko. Kiss ko nalang kayo isa isa pag tapos nitong pandemya.”

Masayang-masaya ako sa resulta ng awards night.

Deserving lahat ng nanalo—maski sa kategoryang best virtual float na natamo ng Magikland.

Continue reading below ↓

Di ba’t nasabi natin dito na Fan Girl ang frontrunner sa awards, at si Charlie Dizon is Charlie Dizon is Charlie Dizon ang “fan girl foretold by the stars”?!

Si Charlie ay 24 anyos na, pero kapani-paniwalang 16 anyos pa lang siya sa pelikulang Fan Girl.

Sakdal husay si Charlie, at swak ang tandem nila ni Paulo Avelino, lalo pa’t sakto ang pagkatimpla ni Direk Antoinette Jadaone.

Napakaganda ng pagkasulat ni Direk Antoinette sa screenplay, na nabigyang-katarungan nina Paulo at Charlie sa kanyang paggabay.

Makabuluhan ang istorya, na kung hihimay-himayin ay napakasustansya, malalim ang tinutumbok sa ating lipunan, kultura at pagpapahalaga.

Saludo tayo sa lupon ng inampalan ng 46th MMFF! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Fan Girl lead stars na sina Paulo Avelino (in suit) at Charlie Dizon (long hair in curls) ay parehong nanalong Best Actor at Best Actress sa MMFF 2020 Awards Night. Si LJ Reyes (white shirt) ay ex ni Paulo, habang si Iza Calzado (off-shoulder outfit) ay close kay Charlie.
PHOTO/S: @lj_reyes Instagram / FM Ganal for PEP.ph / @missizacalzado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results