Isyu sa MMFF 2020 Jury Prize kay yumaong direktor na si Peque Gallaga, naliwanagan na

by PEP Troika
Dec 28, 2020
Naglabas ng statement ang misis ni Peque Gallaga upang linawin ang lumabas na pahayag kaugnay ng paggagawad ng 46th Metro Manila Film Festival ng Special Jury sa yumaong direktor.
PHOTO/S: Gio Alvarez Instagram / Brightlight Productions

JERRY OLEA

Pinagkalooban ang namayapang Direk Peque Gallaga ng Special Jury Prize sa MMFF 2020 Gabi ng Parangal nitong Disyembre 27, Linggo.

Nabalitaan natin kapagkuwan na nagalit ang biyuda ni Direk Peque na si Madie Gallaga dahil hindi ito sinabihan ng MMFF na may award ang yumaong asawa nito.

“Madie is so mad... She’s really upset,” ang nakarating sa PEP Troika.

Mabuti at naipaliwanag agad sa kinauukulan na ang Special Jury Prize ay hindi inia-announce bago ang awards night, unlike iyong special award na Manay Ichu Memorial Award na ipinagkaloob kay Gloria Romero.

Nagpugay ang MMFF 2020 at ang lupon ng inampalan kay Direk Peque.

Kinuwestiyon ang citation kay Peque. Diumano, in-insert ni Direk Erik Matti sa citation ang pangalan ng first cousin nitong si Richard Somes bilang produkto ng workshop ni Direk Peque.

Brainchild nina Direk Erik at Dondon Monteverde ang Upstream streaming service, kung saan ipinalabas ang sampung entries ng MMFF 2020.

Continue reading below ↓

Mabuti at naklarong walang kinalaman si Direk Erik sa citation kay Direk Peque, bagkus, ang nagsulat niyon ay ang huradong si Direk Paulo Villaluna na presidente ng Directors Guild of the Philippines, Inc., kung saan kaanib si Direk Peque.

Ang Magikland ay iprinodyus ng Brightlight Productions ni dating Congressman Albee Benitez, at ng Gallaga Reyes Films nina Direk Peque at Direk Lore Reyes.

Ang kasunod na pelikula ng Brightlight ay ang launching movie ni Javi Benitez na Kid Alpha, sa direksiyon ni Richard Somes.

Si Javi ay anak ni Albee, at nag-ekstra ito sa Magikland.

All’s well that ends well, 'ika nga.

Narito ang paglilinaw ni Madie Gallaga kaugnay sa isyu:

“I, Madie Gallaga would like to clarify my stand regarding the MMFF Awarding Ceremony.

"I am grateful to the jurors for awarding Peque the Special Jury Prize. I am humbled by the outpouring of support and the recognition that he is getting by such an august body. I am also thankful to the MMFF for giving us a medium to be able to share Peque’s last work.

Continue reading below ↓

“I am saddened that I was not able to properly give my thanks. Peque would be the first to say that with all of his achievements, he did not do it alone. He was a champion for collaborative work and had he been able to accept that award, he would have been happy to use this opportunity to highlight the work of people, without whom, Magikland would not have been possible.

"I am sincerely sorry that in my distress not to be able to acknowledge the contributions of Peque’s coworkers, that I may have given the impression that I was dissatisfied with the MMFF as a whole.

“Thank you.”

NOEL FERRER

Buti na lang, Tito Jerry at Tito Gorgy, hindi natin pinatulan ang nakaabot na mensahe sa atin kagabi sa PEP Troika na puno ng galit mula sa kampo ng Magikland.

Mula sa natanggap nating mensahe, I just sent a clarification.

Continue reading below ↓

The Jury Award is always special citation. Like the results of the judging, it is not pre-announced (as there are no leaks in the final choices of the jury).

As in the past, even the Jury Prize is only given during the awards ceremonies.

The citation for the Special Jury Prize given to Direk Peque Gallaga was written by a member of the jury, DGPI President Paolo Villaluna, in good faith.

Direk Erik Matti is not in anyway part of the awards. Kaya natuwa ako na sa tulong ng ilang kaibigan, nagpang-abot ang magagandang salita sa pamilya ni Direk Peque at heto’t naglabas ng statement ang pamilya.

Ito ang nais nating sabihin sa kanila:

THANK YOU TITA MADIE for clearing the air. Thank you too kapatid na @jomacasa !!!

Know that we are all well-intentioned and in good faith, we just wanted to honor our dear Direk Peque. All is well. We will always be family!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Mainam talagang pinalipas ang galit o hinayaan munang pahupain ang lahat bago natin kunin ang kanilang mga pahayag.

Maayos ang awarding ng 46th MMFF at sana, maganda na ang kalalabasan nito sa Upstream.ph.

Ang nakarating na kuwento sa amin, hindi pa ganoon kalakas ang karamihan sa mga pelikulang kalahok. Sana, pumalo na ang iba pagkatapos ng awarding.

May ilan ding pelikula na kahit 10,000 lang daw ang mabebentang tickets, masaya na raw sila. Kaya na raw bawiin ang inilabas na puhunan.

Hindi naman umaasa ang iba na kikita sila online. Kaya ang ibang pelikula ay naghahanda na kapag nagbukas na muli ang mga sinehan. Isa na nga rito ang Magikland ng Brightlight Productions.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglabas ng statement ang misis ni Peque Gallaga upang linawin ang lumabas na pahayag kaugnay ng paggagawad ng 46th Metro Manila Film Festival ng Special Jury sa yumaong direktor.
PHOTO/S: Gio Alvarez Instagram / Brightlight Productions
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results