MMFF 2020 best actress Charlie Dizon, pwede kayang ikunsidera bilang bagong Darna?

by PEP Troika
Dec 29, 2020
charlie dizon instagram
Maraming showbiz personalities and insiders ang sumang-ayon na pwedeng maging bagong Darna ang MMFF 2020 best actress na si Charlie Dizon (nasa larawan). Pero ang tanong: babawiin ba ng ABS-CBN ang much-coveted role kay Jane de Leon?
PHOTO/S: Charlie Dizon Instagram

NOEL FERRER

Now that Charlie Dizon IS Charlie Dizon, can she be considered na maging Darna?

No offense meant to Jane de Leon na siya nang na-announce na bagong Darna sa teleserye...

What if this recent surge of interest on Charlie Dizon—na acclaimed na sa pag-arte ay puros papuri rin ang natatanggap in terms of work ethics at pakikisama—hindi kaya siya pwedeng i-consider maging makabagong Darna?

In my comments section, nag-flood ng pagsang-ayon kasama na ang kilalang personalidad tulad ni Bianca Gonzalez (na pwedeng pagkamalang kapatid ni Charlie, ha), celebrity make-up artist Ting Duque, ace singer composer Ebe Dancel, award-winning actress Adrienne Vergara, journalist Leah Salterio, at maging ang National Artist na si Maestro Ryan Cayabyab.

Sabi ni Mr. C, “Yes to Darna. Ang galing nya. Nakakatuwa siya, napaka-totoo nya sa screen. Galing na galing kami sa kanya (nanood buong bahay).”

Pati ang mga kaibigan nating si Malouh Crisologo, Butch Sison ng Cebu, Atty. Rochelle Ona ng MMDA, at maging ang Hollywood correspondent na si Oliver Carnay ay nagsabi, “Congratulations! I've watched Fan Girl and she's really good in the movie! Yes, tingin ko bagay sa kanya mag-Darna!”

Continue reading below ↓

Morena, may spunk, astig, maayos ang galaw, mabait, walang complex, kahit ano ay game gawin, at walang attitude.

Iyan ang sabi ng mga tao tungkol kay Charlie, na best actress pa ngayon—na pwede ngang fit para lunukin ang mahiwagang bato!

Ano sa tingin ninyo, mga ka-Troika?

After all, CHARLIE DIZON IS CHARLIE DIZON.

JERRY OLEA

NO!!!

Hindi makabubuti kay Charlie Dizon is Charlie Dizon kung “aagawin” niya kay Jane de Leon ang bato ni Darna.

Jane pa naman ang pangalan ng karakter ni Charlie sa Fan Girl.

Maraming pwedeng gawin ang 24-anyos na si Charlie.

Exciting bang pagsamahin sila ni Janine Gutierrez sa isang Kapamilya teleserye?

Maganda ang tandem nila ni Paulo Avelino. Wish ko lang na magtrabaho sila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK), kung saan maiso-showcase nila ang kanilang versatility bilang mga tunay na artista.

Kapana-panabik din kung ang ka-“showdown” niya sa aktingan ay si Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

Siyanga pala, sa senti post ni Direk Dan Villegas (producer ng Fan Girl) nitong Disyembre 28, Lunes, Dia de los Niños Inocentes, mahigit 600 aktres ang nag-audition para maging title role sa Fan Girl bago nila nasumpungan si Charlie.

Inilahad ni Direk Dan ang journey niya bilang producer ng Fan Girl, na nag-umpisa sa pag-pitch ni Direk Antoinette Jadaone ng pelikula tungkol sa isang rabid fan na na-meet ang kanyang idolo.

“...To wondering for the longest time where to show this film; to being screened at the Tokyo International Film Festival for our world premiere and to be in the Main Competition at the PÖFF | Tallinn Black Nights Film Festival; to being accepted at the 2020 MMFF; to my director and actress being rejected by Qatar Airways for Talinn; to fighting piracy (and yes, we are going after you); to jamming promo ideas with Carl Chavez; and to finally last night, losing my voice shouting and proud that my staff and actors won (Thank you MMFF).

Continue reading below ↓

“To everyone who was involved in this film, to everyone who legally watched, a big thank you from this newbie producer. I’ll take this as a sign that I’m doing the right thing.

“I’m excited for our Film Festivals next year for Fan Girl (that we can’t announce yet). Apir and hugs when I see you,” excerpts sa FB post ni Direk Dan.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Wala tayong magagawa kung may pagbabago sa ABS-CBN.

Pero sa pagkakaalam ko, commitment ito ng ABS-CBN at Star Cinema kay Jane, at nakakasa na sa kanya.

Mas naiisip kong pagsamahin sina Charlie at Kathryn Bernardo sa isang project. May pagkahawig sila at pwedeng-pwede silang gumanap na magkapatid.

Maganda kung bibigyan siya ng mahalagang role sa gagawing project nina Daniel at Kahtryn.

Magustuhan kaya ito ng KathNiel fans?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming showbiz personalities and insiders ang sumang-ayon na pwedeng maging bagong Darna ang MMFF 2020 best actress na si Charlie Dizon (nasa larawan). Pero ang tanong: babawiin ba ng ABS-CBN ang much-coveted role kay Jane de Leon?
PHOTO/S: Charlie Dizon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results