Alden Richards, pangungunahan ang pagsalubong ng Kapuso network sa 2021

by PEP Troika
Dec 30, 2020
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

JERRY OLEA

Pangungunahan ni Alden Richards ang Kapuso Countdown to 2021 bukas, Disyembre 31, Huwebes ng 10:30 p.m. hanggang 12:30 a.m. sa GMA-7 at GMA Pinoy TV.

Ila-live stream ito sa official website ng GMA Network.

Sasalubungin ng mga Kapuso ang bagong taon na may nagkakaisang layunin—upang ipagdiwang ang buhay, upang magpasalamat sa mga natamong biyaya, at upang magpalaganap ng pag-asa.

Kaugnay sa ika-70 anibersaryo ng GMA Network, mag-uumpisa ang programa sa milestones ng network.

Alden will bring to the stage heartwarming songs about the significance of sharing the joys of the season.

In collaboration with GMA Regional TV, Asia’s Multimedia Star will be joined by local performers from various regions across the country.

Magpapakitang-gilas din sa engrandeng selebrasyon sina Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Ken Chan, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Mark Herras, at Rochelle Pangilinan.

Magpapasiklab din sina Janine Teñoso, GForce, DJ Loonyo, Mannex Manhattan, Hannah Precillas, The Clash Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, and Jessica Villarubin, Garrett Bolden, Shayne Sava, Lexi Gonzales, at Kim de Leon.

Continue reading below ↓

Pagsapit ng hatinggabi, may magical drone show sa kalangitan upang i-welcome ang 2021.

Ipapasilip ng GMA Network ang mga bagong handog nila para sa darating na taon.

GORGY RULA

Lubos ang galak ng mga Kapuso dahil mas maningning ang mga palabas ng GMA Network sa 2021.

Bagong taon, bagong hapon ang hatid ng bagong GMA Afternoon Prime line-up na pangungunahan ng pagbabalik ng teledramang Magkaagaw.

Mas iinit ang hidwaan sa pagitan nina Laura (Sunshine Dizon) at Veron (Sheryl Cruz) matapos mahuli ng anak ni Laura na si Clarisse (Klea Pineda) ang relasyon nina Jio (Jeric Gonzales) at Veron.

Samantala, matutuklasan na ni Maggie (Kyline Alcantara) mula sa kanyang inang si Nolie (Mylene Dizon) ang katotohanang anak siya ni Anselmo (Zoren Legaspi) sa fresh episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit.

Magsasama-sama ang malalaking pangalan para sa serye na aantig sa inyong mga puso–Babawiin Ko Ang Lahat.

Ito ang unang lead role ni Pauline Mendoza, kasama sina Carmina Villarroel, Tanya Garcia-Lapid, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Dave Bornea, at John Estrada.

Continue reading below ↓


Friendship over na ba para kina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate) dahil kay Cocoy (Migo)?

Abangan ang pagbabalik nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Snooky Serna, Dina Bonnevie, at Jay Manalo sa Anak Ni Waray vs. Anak Ni Waray sa GMA Telebabad. Pakatutukan ang fresh episodes ng family drama series na ‘Love of My Life’ sa GMA Telebabad.

Continue reading below ↓

Simula noong Disyembre 28, Lunes, ay napapanood na ang mga bida nitong sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Coney Reyes sa recap ng serye.

Kaabang-abang din ang reunion nina Lovi Poe at Benjamin Alves sa rom-com series na Owe My Love.

Makakasama nila sina Ai Ai de las Alas, Ruby Rodriguez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez, Buboy Villar, at Kiray Celis.

Kaabang-abang din ang team up nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion para sa rom-com series na First Yaya sa GMA Telebabad.

Tampok din sa serye sina Pancho Magno, Maxine Medina, Pilar Pilapil, Cassy Legaspi, at JD Domagoso.

Isa sa pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group sa susunod na taon ang cultural drama series na Legal Wives na pagbibidahan ni Dennis Trillo.

Gaganap dito si Dennis na isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).

Continue reading below ↓


May madadagdag na talent sa GMA-7 dahil iwe-welcome na sa All-Out Sundays sa Linggo, Enero 3, ang champion ng season 3 ng The Clash na si Jessica Villarubin.

Makaka-back to back niya ang champion ng season 1 na si Golden Cañedo at ang champion sa season 2 na si Jeremiah Tiangco.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Live airing sa studio without an audience—heto na ang New Normal.

Magandang tanungin kay Rayver Cruz kung kinonsulta siya ni Janine Gutierrez sa paglipat ng aktres sa ABS-CBN.

May nadagdag at may nabawas. Tuloy ang buhay!!!

Happy 2021, mga Ka-Troika!!!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results