GMA Artist Center talent, original choice para sa role ni Charlie Dizon sa Fan Girl

by PEP Troika
Jan 4, 2021
Mula sa isang insider, dapat pala ay sa isang GMA Artist Center talent ang role na ginampanan ni Charlie Dizon sa Fan Girl. Pero hindi raw pinayagan ang nasabing talent, kaya napunta ang role kay Charlie na isang Star Magic talent.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

NOEL FERRER

Nabanggit na sa ilang interviews na hindi si Charlie Dizon ang original choice ni Direk Antoinette Jadaone para maging Fan Girl.

But as fate would have it, Charlie was the final choice. And she did so well and was able to clinch the Best Actress award in the recent Metro Manila Film Festival.

This may open a lot more good opportunities kay Charlie na kabi-kanila ang media exposure ngayon, which she truly deserves.

Ang tanong... sino ba ang original choice para sa role at ano ang nangyari at hindi natuloy ito?

Nang makausap ko ang isang taga-production na ayaw magpabanggit ng pangalan, napag-alaman ng PEP Troika na isa siyang taga-GMA Artist Center.

Ang sabi ng nakapanayam namin, “Pity the girl, she really wanted to do it. Hindi lang siya pinayagan ng Artist Center.”

Nang tanungin namin kung sino siya at bakit kaya ipinagkait sa kanya ang oportunidad na gumanap sa isang breakthrough project, ang sabi nakausap ko, sana lang ay may ibang mas magandang plano sa kanya ang kanyang network.

Continue reading below ↓

Itago na lang natin siya sa pangalang Yvette Something... dahil hindi rin matandaan ng ating source ang pangalan ng orihinal na Fan Girl sana.

Oh well, Yvette’s loss is Charlie’s gain. At ang lagi ko ngang sinasabi, Charlie Dizon IS Charlie Dizon , and we wish her all the best!!!

And yes, we also wish Miss Yvette Something to please stand up to be recognized!!!

GORGY RULA

Hindi ko naman nakilala lahat ng talents ng GMA Artist Center. Darating ang araw na magkaapelyido na si Yvette.

Sa ngayon ay naka-focus na muna ang spotlight kay Charlie.

Di ba, original na inalok din daw kay James Reid ang role na napunta kay Paulo Avelino?

Siguro, talagang ang kapalaran na ang nagpasya na para talaga kina Paulo at Charlie ang naturang project.

Ang tanong ko lang, nabawi na kaya ng Black Sheep ang puhunan nila sa kinita nitong Fan Girl sa online? Kung sakaling magbubukas na ang mga sinehan, magiging hit din kaya ito sa takilya?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Bet na bet natin si Charlie. Si Yvette Something, tugma pa lang sa pinakbet.

Nabanggit ng director-producer na si Dan Villegas na mahigit 600 ang nag-audition sa Fan Girl bago hinirang si Charlie Dizon.

Si Yvette Something naman, hinarang?! Harinawang huwag manatiling Da Hu si Miss Yvette Something at kumalabit ang isa pang pagkakataon. Huwag sana siyang manatiling pandemic starlet.

Bukod kay Paulo Avelino, pakiwari ko’y swak din kina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales ang papel ng idolo sa pelikulang Fan Girl.

Teka! Totoo bang mag-i-streaming ang Fan Girl simula Enero 8 sa KTX o Sky Movies Pay-Per-View (PPV) sa halagang P150?

Wish ko lang na ipalabas eventually sa Netflix ang Fan Girl!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa isang insider, dapat pala ay sa isang GMA Artist Center talent ang role na ginampanan ni Charlie Dizon sa Fan Girl. Pero hindi raw pinayagan ang nasabing talent, kaya napunta ang role kay Charlie na isang Star Magic talent.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results