Richard Yap, malapit nang mapanood bilang isang Kapuso

by PEP Troika
Jan 5, 2021
Makakasama ni Eugene Domingo ang bagong Kapuso na si Richard Yap sa bagong episode ng Dear Uge sa Enero 10.
PHOTO/S: Eugene Domingo Instagram

JERRY OLEA

Matapos pumirma ng kontrata sa Kapuso Network noong Disyembre 16, mapapanood na si Richard Yap sa “Jing, Ang Bato!” episode ng Dear Uge sa Enero 10, Linggo ng 2:45 P.M., sa GMA 7.

Pinost ni Eugene Domingo sa Instagram ang ilang litrato ng mga eksena nila ni Richard sa unang fresh episode ng Dear Uge anthology ngayong 2021.

Bibisitahin din ni Richard ang The Boobay and Tekla Show, na bahagi ng kanyang planong sumubok ng ibang genre bukod sa heavy drama kung saan siya nakilala.

Ikinakasa rin ang pagbibida ni Richard sa isang Kapuso drama series. Makakatambal kaya uli ni Richard si Ai-Ai delas Alas?

Sa Kapamilya series na My Binondo Girl (Agosto 2011-Enero 2012) ay gumanap sina Ai-Ai at Richard bilang mga magulang ni Kim Chiu. Iyon ang unang teleserye ni Richard.

NOEL FERRER

Bagong tahanan. Bagong kapareha. Bagong proyekto.

Sana, maipalabas ng Kapuso network ang pagiging aktor ni Richard Yap—na in fairness ay mabait na talent at businessman.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang suwerte pa rin ni Richard na nabigyan siya ng pagkakataong makapagtrabaho uli sa TV.

Noong natalo siya sa election, nabanggit niyang nakahanda na siyang mag-focus na sa negosyo sakaling hindi siya makabalik sa pag-aartista. Pero nagkainteres naman ang GMA 7.

Sana, makalimutan na ang mga karakter niyang Papa Chen sa My Binondo Girl, at Ser Chief sa Be Careful With My Heart, at may pasikatin siyang bagong karakter. Good luck!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makakasama ni Eugene Domingo ang bagong Kapuso na si Richard Yap sa bagong episode ng Dear Uge sa Enero 10.
PHOTO/S: Eugene Domingo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results