Miko Pasamonte, nahirapan sa nude scenes sa Anak Ng Macho Dancer; Mhack Morales, umaming nagtrabaho sa entertainment bar

by PEP Troika
Jan 6, 2021
Kabilang sina Miko Pasamonte (kaliwa) at Mhack Morales (kanan) sa mapangahas na bida sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer.

JERRY OLEA

“Matatakam talaga kayo!”

Bulalas iyan ng indie actor na si Miko Pasamonte sa virtual mediacon noong Enero 2, Sabado, sa tanong ng vlogger na si Byx Almacen kung matatakam ba ang gay audience sa pinaggagawa niya sa pelikulang Anak ng Macho Dancer, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Tampok din sa pelikula ang mga baguhang sina Sean de Guzman, Ricky Gumera, Charles Nathan, at Mhack Morales; at ang mga beteranong artista na sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Jay Manalo, Rosanna Roces, Jim Pebanco, at Emilio Garcia.

Pagpapatuloy ni Miko, “Di ba, sa mga past na movie ko, balewala sa akin ang pag-frontal-frontal na iyan? Kasi, ang dami kong nagawang pelikula, halos karamihan, puro frontal.

“Pero ito, iba. Iba. Ahh, medyo nahirapan..."

Dagdag pa ni Miko, “Pero ang dami kong frontal dito, sobra! Iyong isang scene nga, naka-11 take dahil sa mga matrona, dahil hindi makuha iyong arte ng mga matrona.

Continue reading below ↓

“So, nadamay ako sa take ng paghubad. Eleven takes iyon, e, ang daming tao.

“Kasi, sa gaybar, habang sumasayaw ako, 'tapos nag-frontal ako doon... iyong mga guest, mga matrona.

“E, nahihiya, medyo hindi nila nakukuha iyong gusto ni Direk Joel, nakailang take. Siyempre, kasama ako sa kamera, nadadamay ako.

“Iyong part na iyon, naghuhubad ako. Kaya 11 times na hubad ako nang hubad.”

Kabilang sa indie movies ni Miko before ang Kape Barako (2011), The Escort (2011), Kumpare (2012), at #LabYu (2014).


Continue reading below ↓

(From left) Miko Pasamonte, Charles Nathan, Sean de Guzman, Ricky Gumera, and Mhack Morales

Inurirat naman ni Albert Bryan si Miko kung sino sa Anak ng Macho Dancers co-stars ang gusto niyang maka-partner sa isang project, halimbawa’y BL series.

“Ako, gusto ko si ano... prangka ako, gusto kong makaganoon, si Ricky Gumera,” matamang pag-amin ni Miko.

“Kasi, imagine mo, ako ang datihang aktor sa kanila, siya pa ang nagturo sa akin na totohanin agad.

“Kasi, kesa mamura kami ni Direk Joel. Di ba, usually, sa mga bed scene ng mga movie, pag halikan, ganyan lang, smack lang minsan,” pagmuwestra ni Miko.

“Pero siya... noong tinorrid ako ni Ricky, na-shock ako, e. Hindi naman ako pwedeng mag-cut. Kasi, hindi ako director, baka ma-P. I. na naman ako ni Direk.

“Nilabanan ko na lang din siya. Nagulat lang ako, naglalabas ng dila. E, di... nakipaglabasan din ako ng dila.

“E, ang kagandahan naman noon, take 1 lang. Pumalakpak pa si Direk Joel.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sa tono ng ganitong publicity, parang bumabalik tayo sa mga panahon ng “If it’s from Joel Lamangan, it must be good.

Pero ganito nga ba ang gustong imahe ni Direk Joel? No filter! Lahat, nakabuyangyang na!

Kakagatin kaya ng tao ang ganitong panoorin ngayong pandemya? Abangan natin ang kalalabasan ng Anak Ng Macho Dancer.

GORGY RULA

Wala pang katiyakan kung kailan at saan mapapanood ang pelikulang ito, pero puspusan na ang promo nila. Dito lalong nakikilala ang tunay na karakter ng mga bagong artistang ito.

Matagal ko nang nakilala si Miko, pero nabibigla ako sa ibang mga kuwento niya.

Mala-pelikula ang kuwento ng co-star nilang si Mhack Morales, na umamin sa aming nagtrabaho siya noon sa entertainment bar na gay bar ang tawag dati.

Hindi raw siya macho dancer kundi miyembro ng dance group na parang nagpo-front act bago isalang ang macho dancers. Nakikipag-table din aw siya sa customers, pero hanggang doon lang.

Continue reading below ↓

Every weekend lang daw siya pumapasok dahil sa weekdays ay nag-aaral siya. Nakapagtapos siya ng pag-aaral dahil sa kita niya sa entertainment bar.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Miko Pasamonte (kaliwa) at Mhack Morales (kanan) sa mapangahas na bida sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results