Ogie Diaz, may opinyon sa debateng "ang bakla, kapag nalasing, nagiging lalaki rin"

by PEP Troika
Jan 7, 2021
Ogie Diaz on how he fathered five children with his wife: "Una, kahit itanong nyo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing."
PHOTO/S: Ogie Diaz Facebook

JERRY OLEA:

"Nadawit" si Ogie Diaz sa usaping "ang bakla, kapag nalasing, nagiging lalaki rin."

Si Ogie ay isang comedian-talent manager na kilalang gay, pero pamilyadong tao. May lima siyang anak na babae sa misis niyang si Georgette.

Himutok ni Ogie sa Facebook nitong Enero 7, Huwebes: "Bakit ako ang ginagawang sampol sa ‘Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalake din’?

"Una, kahit itanong nyo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing.

"Pero totoo sa akin yung when it comes to intimacy kineso eh para din akong straight barako. Pero after cumming to town, titikwas na naman ang mga daliri ko."

Iba naman daw ang kaso sa pagpanaw ni Christine Dacera.

Mainit na usapin ngayon sa social media ang debate ng netizens kung papatol ba sa babae ang gay kapag nakainom ng alak.

Kaugnay ito ng kontrobersiyal na pagbansag ng Philippine National Police at Makati Police na "rape-slay" ang insidenteng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Continue reading below ↓

Dawit sa insidente ang 11 kalalakihan, na karamihan ay sinasabing gay ang sexual orientation.

Pero lumabas sa resolusyon ng piskalya na walang sapat na ebidensya para sabihing ginahasa at pinatay ang dalaga. Kailangan pa raw ng karagdagang imbestigasyon ukol dito.

Giit naman ni Ogie, responsibilidad ng awtoridad na magsagawa ng maayos na imbestigasyon sa ngalan ng hustisya para sa namatay at pati sa mga hinihinalang dawit sa insidente.

Seryosong paliwanag niya: "Saka sa mga kapulisan natin, husayan na lang po natin ang imbestigasyon.

"Hanapin na lang po natin ang katotohanan at tulungan nyo na lang po ang pamilya ng biktima at mga sangkot na makamit ang hustisya sa maintrigang pagkamatay ng flight attendant.

"Bumabagsak na po ang morale ng mga kapulisan dahil sa maling opinyon at baluktot na katapangan ng ilan.

"Dapat pag pulis ang pinag-uusapan, kasunod nang deskripsyon diyan ay proteksyon at seguridad—hindi takot at pangamba.

"Pwede naman nating iangat ang dignidad at integridad ng kapulisan eh.

Continue reading below ↓

"Pero nagsisimula yan sa kanilang hanay, pupuri lang kami kung may kapuri-puri."

Sabay pabirong hirit ulit ni Ogie, “Teka. Ba’t napunta na sa pulis ang usapan? So yun nga, mahusay din po ako in bed, charot."

May opinyon din ang writer-comedian na si Alex Calleja hinggil sa usapin kung papatol ba sa babae ang isang gay.

Shoutout ni Alex sa Facebook, "Mas marami akong kilalang LALAKE na kapag nakainom, nagiging BAKLA!

"Hindi ako yun ha, sabunutan ko kayo ng walang humpay! Nakainom ako ngayon! Shuta kayo! Vavush!”

At ang shoutout ng aktor na si Ricky Rivero sa FB, “Sa mga hindi pa nakakaalam, ang mga BAKLA, pag nakainom nagiging Viva Hot Babes at Sex Bomb. Para lang alam niyo.”

GORGY RULA

Huwag na sanang iligaw ang usapin.

Ano na ba talaga ang imbestigasyon?

Ruptured aortic aneursym ba o merong naganap na rape-slay?

Mag-ingat na rin sana sa pagbibigay ng pahayag ang mga kapulisan.

Continue reading below ↓

Parang naisip ko tuloy tawagan si Direk Carlo J. Caparas kung balak ba niyang magpaka-active muli sa pagdidirek.

Baka interesado siyang gawin ang kuwento ni Cristina Dacera.

NOEL FERRER

Nasundan ko ang mahuhusay na interviews nina Karen Davila sa Headstart ng ANC at Pinky Webb sa The Source ng CNN.

Ang bagong nasabi kanina ay kulang at walang matibay na ebidensya kaya hindi pa nasasampahan ng kaso ang sinuman, at pinalaya muna ang sinasabing suspects.

Kaya yung naunang nasabi na "case solved" ay hindi raw nakabase sa paunang ebidensiyang nakalap ng prosecutor ng DOJ.

Pati ang pagkakaroon ng semen sa katawan ng biktima ay hindi raw totoo at hindi pa raw napapatunayan.

'Tapos, nakapanayam ang forensic expert na si Dr. Raquel Fortun hinggil sa isyu.

Aniya, after 48 hours at hindi pa nakukuha ang tamang rape test, huli na ang anumang findings na ihahabol dahil maaaring nalinis na at naalis ang ibang marka at pwedeng ebidensya dahil sa pagsasaayos ng bangkay.

Continue reading below ↓

Paano kaya maisasalba ng pulis ang kanilang sarili sa mga naunang pahayag?

Sa dami ng lumalabas na taliwas na impormasyon sa kanilang pinaniniwalaang naratibo, paano nila maa-assure ang publiko na karapat-dapat pa sila ng ating pagtitiwala?

Ang sagot ng marami sa atin... isang malaki at malalim na buntong-hininga!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz on how he fathered five children with his wife: "Una, kahit itanong nyo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing."
PHOTO/S: Ogie Diaz Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results