Royette Padilla, 58, dies of heart attack

by PEP Troika
Jan 9, 2021
R.I.P. Royette Padilla. Ngayong araw, January 9, 2021, nag-post ang kapatid nitong si Rebecca asking for "a silent prayer for his eternal peace."
PHOTO/S: Royette Padilla on Facebook

NOEL FERRER

Bumungad ang balita sa atin na pumanaw na si Royette Padilla, ang panganay na kapatid nina Robin, Rommel, at BB Gandanghari (dating Rustom Padilla).

Mismong ang kapatid nilang si Rebecca ang nag-post nitong Enero 9, 2020, Sabado sa Facebook na, "Pls whisper a prayer for our brother Royette Padilla. A silent prayer for his eternal peace, please."

Ang cause of death: Heart attack.

Matagal na tayong walang nababalitaan tungkol kay Royette, na naging aktor in the 1990s at lumabas sa mga pelikulang Di Na Natuto (Sorry na, puwede ba?), Mistah, at iba pa.

Samantala, kinukuha pa natin ang pahayag ng ibang miyembro ng pamilya. Mula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakikiramay tayo sa sa mga naiwan ng aktor na si Royette Padilla.

JERRY OLEA

Nag-post pa si Royette ng litrato nila ng ina na si Eva Cariño Padilla noong Disyembre 24.

Royette Padilla with mom Eva Carino Padilla

Continue reading below ↓

Ani Royette, “This is my happiest Christmas because the most wonderful mom mama eva in the world has fully recovered from her illness and beautiful again as ever!

"Merry Christmas everyone and to all your loved ones and specially to all my friends here in FB."

Nakikiramay po kami sa mga naulila ni Royette.

GORGY RULA

Isa rin si Royette sa pinakakontrobersiyal na Padilla brothers.

Naalala ko pa noon sa Startalk na madalas ay sa kulungan ko siya nai-interview. Hindi ko na maalala kung anong kasong kinasangkutan niya nang na-detain siya sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan nang matagal-tagal.

Nai-interview ko siya roon at malumanay siyang kausap.

Nakapanayam ko rin siya sa isang police station sa Angeles City kung saan inireklamo siya ng mga kapitbahay dahil umano sa panggugulo.

Kapag kausap mo si Royette, parang hindi ka maniniwala sa mga ibinibintang sa kanya dahil hindi siya barumbado kausap.

Iba ang charm niya kahit hindi siya kasing-guwapo ni Robin at ng iba pang kapatid niya. Kaya siguro ang dami ring mga babaeng nahumaling sa kanya.

Continue reading below ↓

Sinisikap pa rin naming kunan ng pahayag ang pamilya ng dating aktor, pero hindi sila ma-contact.

Hindi pa sumasagot sa text at tawag ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes.

Pero marami na sa mga kaibigan at kamag-anak ni Royette ang nag-iwan ng mensahe sa kanyang Facebook account.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
R.I.P. Royette Padilla. Ngayong araw, January 9, 2021, nag-post ang kapatid nitong si Rebecca asking for "a silent prayer for his eternal peace."
PHOTO/S: Royette Padilla on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results