Glaiza de Castro on Angelica Panganiban's love life: "Sobrang good job"

by PEP Troika
Jan 10, 2021
Happy si Glaiza de Castro (R) sa "launch" ng love life ng BFF na si Angelica Panganiban noong New Year's Day. Nakilala na raw ni Glaiza si Gregg Homan at "sobrang bait" nito.
PHOTO/S: @glaizaredux @iamangelicap on Instagram

GORGY RULA

Isa si Glaiza de Castro sa nagulat nang ipinost na ni Angelica Panganiban sa Instagram ang relasyon nito with Gregg Homan, isang yacht designer.

"Hindi po kami nagkausap nun kasi, wala naman siyang sinabi na maglu-launch siya nung New Year. Pero happy ako na talagang natagpuan din siya ng taong magmamahal sa kanya," pakli ni Glaiza nang nakatsikahan namin sa programa namin sa DZRH via Zoom nung Biyernes, January 8, 2020, habang nasa bakasyon pa siya sa Ireland.

Hindi pa raw sila nagkausap ni Angelica, pero na-meet na raw niya noon si Gregg, at tingin niya ay magkakasundo ang dalawa.

"Sobrang bait naman na tao. Masasabi ko na talagang swak naman sila. Compatible sila sa character. In terms sa mga interests nila, feeling ko, magku-compliment naman. So, ayos. Sobrang good job," napapangiting pahayag ni Glaiza.

Isa si Glaiza sa umaasang sana ay ito na ang lalaking para sa kanyang kaibigan.

Continue reading below ↓

"Sa lahat naman na hirap at sakripisyo... Sa lahat na mga iyak, hindi naman lagi ano, e... hindi naman laging ganun iyong kakaharapin niya o ma-experience niya. Siyempre, lahat iyun, may kapalit.

"So natutuwa ako kasi, deserve niya na ma-experience itong love na ito, itong relationship na ito.

"And siguro rin dahil masyadong exposed iyung mga past relationships niya, medyo nagkaroon ng apekto iyon sa kanya.

"Ngayon, feeling ko, makakatulong iyong hindi sila parehong nasa showbiz,” dagdag na pahayag ni Glaiza.

NOEL FERRER

Nakakatuwa lang ang ginamit na term ni Glaiza sa pagpo-post nila sa social media ng kani-kanyang ganap.

Kesyo hindi sila sinabihan ni Angelica na New Year nito ilo-launch ang love life.

Masaya raw ang buong barkada nila sa mga pag-ibig ng kanilang buhay. Excited din ako na nagagamit ni Glaiza ang panahong ito para makapagsulat ng kanta at mag-shoot ng music video habang malayo siya sa bansa, at hinihintay pa ang kanyang pagbabalik para makapag-tape na rin ng kanyang bagong teleserye.

Continue reading below ↓

Dahil sa bagong strain ng coronavirus at mas istriktong travel advisories, sana nga ay maisaayos na ang kanyang pagbabalik-bansa sa lalong madaling panahon.

JERRY OLEA

Siyempre, masaya tayo para kina Glaiza at Angelica sa pamumukadkad ng kani-kanyang love life.

Nitong December 24, 2020, nag-post si Glaiza tungkol sa proposal ng Irish boyfriend niyang si David Rainey.

Nakaka-good vibes!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Happy si Glaiza de Castro (R) sa "launch" ng love life ng BFF na si Angelica Panganiban noong New Year's Day. Nakilala na raw ni Glaiza si Gregg Homan at "sobrang bait" nito.
PHOTO/S: @glaizaredux @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results