Baguhang Young Aktres sinugod ni Non-Showbiz BF sa taping dahil sa Guwapong Aktor

by PEP Troika
Jan 10, 2021
Naku, may kumprontasyon na naganap kamakailan sa isang taping dawit ang isang Baguhang Young Aktres, ang Non-Showbiz BF nito, at isang Guwapo at Bortang Aktor.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Totoo kaya itong nakarating sa aming tsika tungkol sa isang Baguhang Young Actress?

Bahagi siya ng isang drama series na patapos na ang lock-in taping.

Marami raw kasi ang nakasaksi nang sinugod si Baguhang Young Actress ng Non-Showbiz BF para kumprontahin sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanya at sa kasama nito sa taping na isang Guwapo at Bortang Aktor.

May nagparating daw kasi kay Non-Showbiz BF na pagkatapos ng taping, tumutuloy si Baguhang Young Actress sa kuwarto ni Guwapo at Bortang Aktor.

Walang nakakaalam kung ano ang ginagawa nila roon, pero naiintriga raw ang ilan kung bakit mas type ni Baguhang Young Actress na ma-lock in sa kuwarto ni Guwapo at Bortang Aktor.

Isang araw, biglang dumating sa set si Non-Showbiz BF at nagkaroon ng kumprontasyon sa kanila ni Baguhang Young Actress.

Ang ending: pinagbabawi raw ni Non-Showbiz BF ang mga ibinigay kay Baguhang Young Actress. Hindi na naidetalye kung anu-ano iyong mga nabawi, pero may gadgets daw at kung anu-ano pa.

Continue reading below ↓

Tulala raw si Baguhang Young Actress na hindi man lang daw naipagtanggol ang sarili sa bintang sa kanya ng Non-Showbiz BF.

Meron pa kayang mga kaganapang nangyayari kapag nasa lock-in taping?

JERRY OLEA

Mapanukso ang mga pa-Tiktok ng Guwapo at Bortang Aktor, kung saan madalas na meron itong pa-Felix Bacat habang kumakanyod o kumakadyot. Sa kanyang ngiti, ang marupok ay nagiging marup*kp*k.

Baka naman nagpapraktis lang ang Baguhang Young Actress at ang Guwapo at Bortang Aktor para mag-collab sa Tiktok.

Nai-imagine ko silang dalawa na humahataw sa hit song ng Sexbomb Girls: "Laban-laban, o bawi-bawi! Laban-laban, o bawi-bawi!"

NOEL FERRER

Magaling at award-winning itong Guwapo at Bortang aktor. Matinik din pala ito para kahumalingan siya ng co-star.

Alam kaya ng co-star na may karelasyon ang Guwapo at Bortang Aktor na ito? Oh well, consenting adults. Alam naman siguro nila ang ginagawa nila.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naku, may kumprontasyon na naganap kamakailan sa isang taping dawit ang isang Baguhang Young Aktres, ang Non-Showbiz BF nito, at isang Guwapo at Bortang Aktor.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results