Bortang singer-actor, nag-send ng topless photo sa tatlong baguhang aktor

by PEP Troika
Jan 11, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nagulat ang isang cute at baguhang aktor sa direct message sa kanya ng bortang singer-actor.

Pinadalhan siya ni bortang singer-actor ng litrato nitong topless, takaw-pansin ang pinkish areolae at sakdal hiwaga ang ngiti.

Hindi nakatiis ang cute at baguhang aktor, inurirat ang bortang singer-actor kung bakit nagpadala ito sa kanya ng ganoong litrato. Ano ang ibig ipahiwatig nito?

Mabilis ang tugon ng bortang singer-actor, “Wala lang...”

Kapagkuwan ay napag-alaman ng cute at baguhang aktor sa dalawang kaibigan niyang mga baguhang aktor din na pinadalhan din ang mga ito ng topless picture ng bortang singer-actor.

NOEL FERRER

Baka nagbabakasakali lang na makadagit ang bortang singer-actor dahil matumal ang raket at booking ngayon.

Hindi na rin ako nagugulat dito dahil isang biologically male friend natin sa production, Tito Gorgy, ang nagpapatunay na naging karelasyon niya ang singer na ito na kahalili ng isa ring singer na bolaret!

Kilalang-kilala mo siya, Tito!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sabi ng ilang taga-production, baka proud lang si bortang singer-actor sa laki ng ipinagbago ng katawan niya, lalo na ang fez niya.

Mahiwaga ang kuwento ni bortang singer-actor pero ang iba ay tahimik na lang, hanggang tsismis-tsismis na lang.

Mabait kasi si bortang singer-actor, magaling makisama at okay siyang kumanta.

Ang inaabangan ko na lang, kung may mapapasikat na siyang kanta.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results