Chika BESH at Usapang Real Life ng TV5, nagpaalam na sa ere

by PEP Troika
Jan 12, 2021
Nagpaalam na sa ere ang morning talk show na Chika, BESH (kaliwa) noong January 8; ang Usapang Real Life ni Luchi Cruz-Valdes (kanan, itaas) ay nagpaalam naman noong January 9, at papalitan ito ng Wanted: Ang Serye.
PHOTO/S: TV5

JERRY OLEA

Huling episode na pala ng morning show na Chika BESH noong Enero 8, Biyernes, 7:30-8:30 a.m. sa TV5.

Nitong Enero 11 at 12, Lunes at Martes, nasa timeslot na nito ang Ben 10 (7:30-8:00 a.m.) at Courage The Cowardly Dog (8:00-8:30 a.m.).

Noong Agosto 17, 2020, Lunes, nag-umpisa ang Chika, BESH (Basta Everyday Super Happy), na ang hosts ay sina Pokwang, Ria Atayde, at Pauleen Luna.

Siyanga pala, nag-finale na ang I Got You noong Enero 10, Linggo ng hapon, sa Kapatid Network.

Labintatlong (13) episode ang drama series na pinagbidahan nina Beauty Gonzalez, Jane Oineza, at RK Bagatsing.

Oktubre 18, 2020, Linggo ng 2:00-3:00 p.m., nag-umpisa ang I Got You.

I got you

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Naka-text ko si Pauleen, at sinabi niyang hindi na na-renew ang Chika, BESH.

Tila mahirap pa ring umalagwa ang karamihan ng mga programa sa TV5.

Ang suwerte ng Christmaseryeng Paano ang Pasko?, na-extend at patuloy na pinapanood sa book tow nitong Paano ang Pangako?.

Siguro, ayusin lang ang programming ng TV5, at sana ay magkaroon ng programang kakaiba sa ibang network na diyan lang matututukan.

paano ang pangako cast

Continue reading below ↓

Mag-uumpisa na ang drama anthology ni Raffy Tulfo na Wanted: Ang Serye sa Enero 16, Sabado ng 9:00 p.m.

Kung maayos ang pagkakasulat at pagkakalahad ng mga kuwento sa likod ng mga reklamo, maganda rin itong tutukan. Nandiyan talaga sa programa ni Idol Raffy ang mga totoong drama ng buhay.

Itong Wanted: Ang Serye ang pumalit sa Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes, na nag-last episode noong Enero 9, Sabado ng gabi.

NOEL FERRER

Of course, nabalitaan din natin ang ibang live shows ng TV5 na imbes na four live episodes monthly ay 2 live at 2 replays a month na lang daw para mabawasan ang pagkalugi.

Pero sa likod niyan, may mga niluluto pa ring mga bagong programa ang TV5 tulad ng Born To Be A Star ng Viva, Dear God series with Piolo Pascual, at isang daddy show para sa talent kong si Ryan Agoncillo.

Naibalita na rin natin dito ang John En Ellen sitcom nina John Estrada at Ellen Adarna na mapapanood this month.

Continue reading below ↓

Nag-virtual mediacon today ang reality talent search competition na Born To Be A Star.

Ano kaya ang mangyayari sa Kapatid Network? Paano magkakaroon ng sustainabllity ang shows ng TV5?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpaalam na sa ere ang morning talk show na Chika, BESH (kaliwa) noong January 8; ang Usapang Real Life ni Luchi Cruz-Valdes (kanan, itaas) ay nagpaalam naman noong January 9, at papalitan ito ng Wanted: Ang Serye.
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results