Barbie Forteza, idineklarang siya ang pinakamagandang girlfriend ni Jak Roberto

by PEP Troika
Jan 14, 2021
Game na game na sinagot ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang mga tanong nang mag-guest siya sa TBATS. Dito rin niya idineklarang siya ang pinakamaganda sa lahat ng naging girlfriend ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto.
PHOTO/S: Barbie Forteza Instagram

GORGY RULA

Nag-enjoy ang mga staff ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) nang mag-guest sa kanila si Barbie Forteza para sa promo ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, na magbabalik sa GMA Telebabad simula sa Enero 18, Lunes.

Sa susunod na Linggo, Enero 24, pa mapapanood ang guesting na ito ni Barbie dahil mapi-preempt ang TBATS ng virtual concert ni Alden Richards sa Enero 17.

Pero riot daw ang guesting ni Barbie dahil lahat ng mga tanong ay sinagot niya. Natakot pa raw ang writer nila na itanong, pero G na G si Barbie na sagutin lahat.

Ang isa raw sa nagmarka sa kanila ay ang deklarasyon ni Barbie na siya ang pinakamagandang girlfriend ni Jak Roberto.

Sinu-sino ba ang ex-girlfriends ni Jak?

Natawa na lang si Barbie nang tinanong ko ito sa kanya sa virtual mediacon ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ngayong Enero 14, Huwebes ng gabi.

Continue reading below ↓

Aniya, “Eme eme lang yun, Tito Gorgy. Kilala mo naman ako.

“Saka friends ko naman silang lahat. Feeling ko, pag napanood nila, matatawa lang sila dahil alam nila na wala naman akong sineseryoso talaga.

“Lalo na pag mga ganyan, 'yang mga TBATS... naku! Gustung-gusto nila iyan. Lalo ka na, Tito Gorgy!

“Nakilala mo naman ako, very transparent naman ako. Hangga’t kaya kong maging honest, magiging honest ako.

“At the end of the day, showbiz is showbiz, So, showbizin ko rin sila,” bulalas ni Barbie.

JERRY OLEA

G na G si Barbie sa mga dakilang tanong. Kaya hindi eme-eme ang pagsaludo natin sa kanya.

Premyadong aktres si Barbie Forteza, at kering-keri niyang sagutin nang buong kaismartehan ang mga pilyong kaeklayan, lalo pa’t talap-talap naman talaga ang kanyang boyfriend.

Carry on, Barbie!

NOEL FERRER

OK naman talaga si Barbie Forteza. Authentic at walang kiyeme at alam mong mahusay na aktres.

Sana lang talaga ay mabigyan siya ng mas magagandang oportunidad para lumaki at tumaas pa ang stature niya sa ating industriya!

Proud tayo talaga kay Barbie Forteza!

GORGY RULA

Nilinaw ni Direk Mark Sicat dela Cruz na nakapag-adjust kaagad ang kuwento ng ANWVANB sa sitwasyon ngayong pandemya.

Pero hindi nila pinalabas na panahon ng pandemya ang kabuuan ng kuwento para kahit paano, mapalayo tayo sa totoong pinagdadaanan natin ngayon.

“At that time kasi, yung June, mataas pa yung kaso natin, pero sobrang hype na hype pa yung pandemya, takot pa ang mga tao.

“So, naisip namin na kung ipalalabas 'to ng July o August at mapanood ito ng audience… sawa na ang Pilipino na nakakulong lang sa bahay o naka-mask, pagod na ang Pilipino, ganun pa rin ba ang napapanood nila?

“So, ayaw naming malungkot yung mga manonood namin kahit nakakalungkot yung pinapalabas namin, di ba?” pahayag ni Direk Mark.

Bukod kay Barbie, nasa cast ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sina Kate Valdez, Migo Adecer, Dina Bonnevie, Snooky Serna, at Jay Manalo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Game na game na sinagot ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang mga tanong nang mag-guest siya sa TBATS. Dito rin niya idineklarang siya ang pinakamaganda sa lahat ng naging girlfriend ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto.
PHOTO/S: Barbie Forteza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results