ABS-CBN at GMA-7, nakakakilig ang new lineup of shows

by PEP Troika
Jan 15, 2021
Sequel ng Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara at Count Your Lucky Stars ni Jerry Yan ang ilan sa aabangan sa digital platform ABS-CBN sa Pebrero. Gabbi Garcia at Khalil Ramos, tampok sa Love You Stranger, habang sina Julie Anne San Jose at David Licauco ang bida sa Heartfelt Cafe ng GMA News TV.
PHOTO/S: Hello Stranger / Count Your Lucky Stars / @aeriel @myjaps @davidlicauco Instagram

JERRY OLEA

Hilahod sa ratings at commercial load ang Kapamilya shows sa A2Z Channel 11.

Pero patuloy na lumalakas ang streaming service ng ABS-CBN na iWant TFC, na tinaguriang “home of Filipino stories.”

ENERO 13, Miyerkules, ipinalabas ng iWant TFC ang horror anthology na Horrorscope.

Tampok dito ang mga tambalang Iyah Mina & Paolo Gumabao (“Leo”), Charlie Dizon & Fino Herrera (“Virgo”), at Elisse Joson & Patrick Quiroz (“Libra”).

ENERO 16, Sabado, 6:00 p.m., finale episode ng La Vida Lena sa iWant TFC. Nag-stream ang first episode nito noong Nobyembre 14. Bida rito si Erich Gonzales, at leading men niya sina Carlo Aquino, Kit Thompson, at JC de Vera.

erich gonzales, kit thompson, carlo aquino, jc de vera in La Vide Lena

Continue reading below ↓

ENERO 18, Lunes, libreng masusubaybayan sa iWant TFC ang pagsisimula ng rom-com series na Hoy, Love You, kung saan balik-tambalan sina Roxanne Guinoo-Yap at Joross Gamboa. Mayroon itong anim na episodes na isa-isang ilalabas gabi-gabi tuwing 8:00 p.m. hanggang Enero 24.

ENERO 27, Miyerkules, International Holocaust Remembrance Day, mapapanood ng iWant TFC subscribers ang pelikulang Quezon’s Game. Tungkol ito sa pagsagip ni dating President Manuel L. Quezon (ginampanan ni Raymond Bagatsing) sa 1,300 Jewish survivors mula sa Holocaust.

ENERO 29, Biyernes, hatid ng iWant TFC para sa Pinoy boys’ love fans ang bagong kakikiligang Thai series na A Tale of Thousand Stars tampok sina Earth Pirapat at Mix Sahaphap—Filipino-dubbed version at original Thai version with English subtitles. Simulcast ito sa pag-ere sa Thailand.

thai series a Tale of Thousand Stars

Continue reading below ↓

PEBRERO 10, Miyerkules, umpisa ng original series na Unloving U, kung saan susuungin nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang mga hamon ng bawal na pag-ibig.

PEBRERO 12, Biyernes, Chinese New Year, mapapanood na ang pelikulang Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Sequel ito ng Pinoy BL series na nag-streaming sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep.

Tony Labrusca, JC Alcantara in Hello Strangers

Continue reading below ↓

Abangan din sa iWant TFC ang romantic-comedy fantasy series na Count Your Lucky Stars, kung saan kasama ni Jerry Yan si Shen Yue (na gumanap na San Chai sa Chinese remake ng Meteor Garden).

Jerry Yan, Shen Yue in Count Your Lucky Stars

Available ang iWant TFC bilang app sa iOS at Android. Pwede ring manood ng iWant TFC sa mas malaking screen sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices, at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Gustong palakasin ng GMA Network ang kanilang online presence. Pero sa ngayon ay hindi pa sila magkandaugaga sa mga bagong programang sisimulan nila.

Bukod sa GMA-7, maraming mga bagong programa sa GMA News TV dahil lalo rin nila itong pinapalakas. Bibigyan nila ng magandang launching vehicle ang iba pang Kapuso stars na nagsu-support lang sa big stars nila.

Sisimulan ito ng GMA News TV sa The Lost Recipe (Enero 18, Lunes, 8:00 p.m.) at My Fantastic Pag-ibig (Enero 30, Sabado).

Mikee Quintos, Kelvin Miranda in The Lost Recipe

Continue reading below ↓

Naka-lineup na rin sa GMA News TV ang Heartful Café (Julie Anne San Jose, David Licauco, & Andre Paras), Love You Stranger (Gabbi Garcia & Khalil Ramos), Flex , (Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, JD Domagoso, & Althea Ablan), at Game of the Gens (Andre Paras, Sef Cadayona, & GenDolls).

Masipag din ang karamihang Kapuso stars sa pagba-vlog sa kani-kanyang social media account. May ilang kumikita na sa kanilang YouTube Channel at ang iba naman ay nakakaraket ng endorsement para sa kanilang Facebook at Instagram account. Kaya pasipagan lang ito ngayon para kumita online.

Samantala, itinodo rin ng ABS-CBN ang mga bagong pelikulang mapapanood ngayong buwang ito. Enero 1 hanggang 21 ang streaming ng pelikulang Princess DayaReese nina Maymay Entrata at Edward Barber.

PHP150 ang tiket nito sa SKY Movies Pay-Per-View, distributed by CineXpress. Available din ito sa ibang platform—iWant TFC, KTX.ph, TFC IPTV, Cignal PPV, maging sa mga piling sinehan.

Continue reading below ↓

Simula Enero 22, Biyernes ng 10:00 p.m., mapapanood ang BL movie na Run sa KTX sa halagang PHP199. Bida rito sina JR Versales (Seklusyon) at Keann Johnson (The Boy Foretold by the Stars), sa direksiyon ni Mel Magno.

JR Versales, Keann Johnson in RUN

Sa Enero 30, Sabado, 9:00-11:00 p.m. ang digital premiere ng pelikulang Anak ng Macho Dancer sa KTX. Limited ang screening ng uncut version na launching movie ni Sean de Guzman, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

Prinodyus ito ng Godfather Productions ni Joed Serrano. Worldwide ang streaming nito, na PHP690 ang tiket. Sequel ito ng Macho Dancer (1988) na launching movie noon ni Allan Paule. Nasa cast pa rin ng Anak ng Macho Dancer si Allan, maging si Jaclyn Jose.

Sean de Guzman in Anak ng Macho Dancer

Continue reading below ↓

Ang “sumalo” sa karakter ni William Lorenzo ay si Emilio Garcia. Kasama rin sa Anak ng Macho Dancer sina Jay Manalo, Jim Pebanco, Miko Pasamonte, Elora Españo, Neil Suarez.

Mapapanood din ang mga baguhang sina Ricky Gumera, Charles Nathan, at Mhack Morales.

NOEL FERRER

Given all of these upcoming movies and TV shows, magandang makita rin kung sino ang pinagkakatiwalaan ng advertisers para mag-endorse ng kanilang produkto.

Dito kitang-kita kung sino ang pinakakatiwalaan ng publiko—dahil buo at maayos ang brand nila, may pandemya man o wala.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sequel ng Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara at Count Your Lucky Stars ni Jerry Yan ang ilan sa aabangan sa digital platform ABS-CBN sa Pebrero. Gabbi Garcia at Khalil Ramos, tampok sa Love You Stranger, habang sina Julie Anne San Jose at David Licauco ang bida sa Heartfelt Cafe ng GMA News TV.
PHOTO/S: Hello Stranger / Count Your Lucky Stars / @aeriel @myjaps @davidlicauco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results