Prenup shoot nina Angel Locsin at Neil Arce sa Oslo, Norway di natuloy dahil sa pandemic

by PEP Troika
Jan 15, 2021
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

“Mas naa-appreciate ko ang mapapangasawa ko ngayon, kasi imbes na ako ang maging bridezilla, siya talaga ang groomzilla,” punchline ni Angel Locsin sa panayam namin nitong Enero 15, Biyernes, sa LEVEL UP sa Radyo Katipunan.

Glowing si Angel ngayon, mukhang rested at masayang kausap.

Very open siya sa pinagdaanan niya sa red-tagging at ABS-CBN franchise issues.

Nabanggit ni Angel na all-set na dapat sila ng fiancé niyang si Neil Arce na tumulak sa Oslo, Norway para sa prenup shoot nila pero nagka-COVID.

“Buti na lang at hindi kami natuloy, at baka hanggang ngayon ay nandun pa rin kami,” sambit ni Angel.

Hindi nag-debut at hindi rin nag-prom si Angel...

“He wants to give me a proper wedding. Gusto ko rin na ako ang mag-e-entertain sa guests, yung host ako and I’ll oversee that everyone is having a good time.

"Pero of course iba ngayon, kasi may pandemic nga,” sabi ni Angel.

Continue reading below ↓

Kung noon ay plantsado na ang mga plano, iba ang magplano ng pandemic wedding, ani Angel. Parang back to zero.

"Pero Neil makes it really easier. Kasi, pag prinesent niya sa akin ang mga kailangang desisyunan, na-narrow down na ang choices.

"Yes or No na lang ako. Siya na bahala sa research," lahad ni Angel.

"Dati, kung ano lang ang gusto ng bride, okay. Ngayon, dapat ang safety ng lahat, iko-consider mo."

Inamin ni Angel na ang kasal niya ay magiging isang outdoor wedding at may social distancing.

JERRY OLEA

Inamin ni Angel na bayad na ang lahat para sa prenup shoot sa Oslo, kaso hindi natuloy.

Siyempre, may sacrifices kapag may pamilya na si Angel—lalo na sa career niya.

Kaya hindi na muna siya nag-renew ng contract sa ABS-CBN bago pa man dumating yung usaping about the franchise.

Gusto ni Angel na makagawa pa ng magagandang pelikula, pero hindi sa production company ni Neil. Ayaw niyang pagmulan ng pagtatalo nila ang trabaho.

Continue reading below ↓

Looking forward si Angel sa buhay may-asawa. Excited siyang mag-budget para sa pamilya.

Kung dati ay sanay siyang para sa kanya lang mag-budget, this time ay magpaplano siya para sa kanilang household.

Angel revealed also that she wants to be safe and healthy dahil nasa process siya ng pagpapa-freeze ng eggs.

We wish the best for Angel and Neil! Mabuhay!

GORGY RULA

May fan ngang nagtanong kung pagbibigyan ni Angel ang wish ni Coco Martin na makapag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano bago man siya magpakasal.

Nagsabi kasi si Coco na hindi matatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano hanggang hindi tumutuntong doon si Angel.

“Oo naman, depende naman yun sa plano nila. I’ll consider it, of course.

"Pero matatapos na ba ang Probinsyano? Mukhang hindi pa naman!” bulalas ng aktres.

Kailan kaya iyon?

E, ang seryeng Darna ni Jane de Leon, pagbibigyan kaya ni Angel sakaling may mag-request na mag-guest siya roon?

Continue reading below ↓

Sa totoo lang, panahon na talagang magbigay ng oras si Angel para sa sarili niya. Dapat mag-focus na siya sa magiging pamilya nila ni Neil Arce.

Inaasahan ko nang sa pamilya na siya nakatutok at maisasantabi na ang showbiz kapag Mrs. Arce na siya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results