Voltes V ng GMA-7 at Darna ng ABS-CBN, big projects na aabangan ngayong 2021

by PEP Troika
Jan 15, 2021
Pinag-usapan ng netizens ang paglabas ng teaser ng Voltes V Legacy (kaliwa) ng GMA-7; habang nakakasa na ngayong 2021 ang paglipad ni Jane de Leon (kanan) bilang Darna ng ABS-CBN.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN

JERRY OLEA

Mahigit 3M views na ang bagong teaser ng Voltes V Legacy (1:02 ang running time).

In-upload ito noong Enero 14, Huwebes ng gabi sa Facebook page ng GMA Network.

As of January 15, Friday, 10:00 p.m., naka-1M views na ito sa nasabing FB page.

Ibinalita ang teaser sa 24 Oras. Sa FB page nito, naka-330K views in 23 hours.

Sa FB page ng Voltes V The Documentary, 157K views.

Nitong Biyernes ng tanghali in-upload ang teaser sa FB page ng GMA Regional TV. Sa loob ng walong oras, lumampas agad ito sa 1M views doon.

Sa YouTube channel ng GMA Network, as we write this ay 333K views.

Sa YT channel ng GMA News, naka-210K views.

Pahulaan ang netizens kung sinu-sinong Kapuso stars ang magbo-volt in dito, sa direksyon ni Mark A. Reyes.

Sa mga bagong programang ipinagmalaki ng GMA Network matapos ang New Year Countdown, hindi nabanggit ang Voltes V Legacy.

Continue reading below ↓

Sa Christmas special ng ABS-CBN noong Disyembre 20, Linggo, frontrunner sa mga bago nilang programa ang Mars Ravelo’s Darna: The TV Series starring Jane de Leon.

Nito ring Enero 14, Huwebes ng hapon, ay napag-alaman nating hindi na si Jerrold Tarog ang magdidirek ng Darna series. Sa FPJ’s Ang Probinsyano muna si Jane.

Ayon sa source ng PEP Troika, sa Marso pa ide-develop ang Darna series, at wala pa itong bagong direktor.

NOEL FERRER

What’s interesting sa Darna is not just Darna but the character ng Valentina.

Usap-usapan sa creators ng Darna na excited ang mga ito sa pagka-colorful ng character ni Valentina, pati na ang magpapasa ng kapangyarihan kay Jane de Leon na Darna 2021.

Tingnan na lang natin sa paglipad nito sa takdang panahon.

GORGY RULA

May ilang Kapuso stars na narinig naming kasali dito sa Voltes V: Legacy. Pero tahimik sila dahil may pinirmahan pala silang non-disclosure agreement.

Continue reading below ↓

Magkakaroon ng reveal na nakaplano na sa GMA 7. Ang hindi lang ako sure na kasali ay si Myrtle Sarrosa.

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinag-usapan ng netizens ang paglabas ng teaser ng Voltes V Legacy (kaliwa) ng GMA-7; habang nakakasa na ngayong 2021 ang paglipad ni Jane de Leon (kanan) bilang Darna ng ABS-CBN.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results