Anak ni Ara Mina, excited na sa pagpapakasal ng aktres kay Dave Almarinez

by PEP Troika
Jan 16, 2021
Ara Mina on daughter Amanda: “Nagdu-drawing daw siya nang naka-wedding gown daw ako pero putol. Putol, kasi, hindi umabot dun sa baba. 'Tapos dinrowing niya si Dave, saka ako, saka siya.”
PHOTO/S: Nice Print Photography

GORGY RULA

Excited na ang anak ni Ara Mina na si Amanda sa pagpapakasal ng aktres kay PITC Undersecretary Dave Almarines.

Nasa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano si Ara kaya hindi pa raw niya naaasikaso ang wedding preparations. Pero pagkatapos ng taping ay makikipag-meeting na raw siya sa wedding coordinator.

Definitely, ngayong taon daw ang kasalan, pero hindi pa niya masasabi ang eksaktong date.

Kuwento ni Ara nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Biyernes, January 15, kakausap lang niya sa telepono ang anak niya bago ito matulog. Pero sabi raw ng isa sa mga kasama niya sa bahay, nagdu-drawing raw ang anak niya ng wedding.

“Kanina, kausap ko siya, kasi matutulog na siya. Sabi ni Ate Aida, nagdu-drawing daw si Mandy, kasi mahilig siyang mag-drawing, e, nagpi-painting siya.

“Nagdu-drawing daw siya nang naka-wedding gown daw ako pero putol. Putol, kasi, hindi umabot dun sa baba.

"'Tapos dinrowing niya si Dave, saka ako, saka siya,” natutuwang kuwento ni Ara.

Continue reading below ↓

Iba na raw kasi ang mga bata ngayon. Naiintindihan na raw nila ang nangyayari kaya hindi na raw niya kailangang ipaliwanag pa.

“Ang mga bata ngayon, they are so smart. Hindi mo na kailangang mag-explain, naintindihan na nila.

"Kasi, nagkamalay siya na hiwalay kami ng papa niya, e,” dagdag na pahayag ng aktres.

Si Amanda ay anak ni Ara sa dating karelasyong si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Kaagad daw naintindihan ng bagets na magkahiwalaly ang mga magulang niya at tanggap niyang magkakaroon siya ng dagdag pang daddy na mag-aalaga sa kanya.

“I think she’s about four years old, pag hinahatid ko siya sa bahay ng papa niya, or minsan hinahatid namin si Pat pag may pinupuntahan kaming okasyon, hinahatid namin si Pat sa bahay niya, sasabihin ni Mandy, ‘Okay, that’s Papa’s house, 'tapos uwi na tayo sa bahay natin,’” saad ni Ara.

NOEL FERRER

There’s always a first time and sana nga, ito na ang itinadhana kay Ara Mina para maging ka-partner niya sa buhay, pagkatapos ng kanyang masalimuot at makulay na love life.

Continue reading below ↓

Napakinggan ko ang naging panayam ninyo sa kanya, Tito Gorgy, at ang sabi niya, “Hindi ko naman yata kailangang magpa-fertilize ng egg, kasi kayang kaya ko pa!”

Hangad natin ang ligaya para kay Ara Mina!

JERRY OLEA

Bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano, magiging abala pa muna si Ara sa promo ng pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Dito muna siya magpo-focus bago planuhin ang mga detalye ng kasal nila ni Dave.

Ikinuwento rin ni Ara kagabi na na-X daw ng MTRCB ang movie nila. Balak kasi ng Viva na ipalabas ito sa ilang sinehan ng mga lugar na nasa MGCQ.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on daughter Amanda: “Nagdu-drawing daw siya nang naka-wedding gown daw ako pero putol. Putol, kasi, hindi umabot dun sa baba. 'Tapos dinrowing niya si Dave, saka ako, saka siya.”
PHOTO/S: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results