(UPDATED) Alex Gonzaga, sinakyan ang “maputokan” comment ng parody account ni Mommy Pinty

by PEP Troika
Jan 17, 2021
Alex Gonzaga on husband Mikee Morada: “OK, fine, aminin ko na. Gusto ko na kasi siyang makatabi sa kama! Pero ayaw pa ng mommy at daddy ko. So, sabi ko, ‘Alam n’yo, ikasal na lang!’ So ngayon, OK na!”
PHOTO/S: Alex Gonzaga Twitter

NOEL FERRER

Mrs. Morada na si Alex Gonzaga.

Ikinasal si Alex kay Mikee Morado noon pang Nobyembre 2020.

Ini-reveal ito ni Alex sa vlog niya nitong Enero 17, Linggo, sa kanyang eponymous YouTube channel.

Ipinagdiwang ni Alex ang kanyang ika-33 kaarawan kahapon.

Dahil sa COVID, talagang limitado lang ang mga tao in attendance. Bukod sa pamilya nina Alex at Mikee ay may tigtatlong kaibigan lang na naging witness sa pag-iisang dibdib nila.

Naganap ang kasalan sa bahay mismo nina Alex with Daddy Bonoy at Mommy Pinty sa Taytay, Rizal.

Doon nakapisan ang mag-asawa ngayon, at weekends lang sila nagkikita dahil sa Lipa City naka-base ang work ni Mikee na konsehal doon.

Inaasam ni Alex na magkaroon pa sila ni Mikee ng big wedding this year, kung saan makakapag-celebrate sila kasama ang mga kaibigan at kapamilya.

Masaya tayo para kina Alex at Mikee, at ipagpatuloy sana nila ang saya at pagka-cool ng kanilang buhay mag-asawa!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

“My dear Netizens, we are married!” tweet ni Alex, kalakip ang link ng vlog niya sa YouTube.

Ni-retweet at sinagot naman ni Alex ang komento ng isang parody account ni Mommy Pinty.

Sabi rito: “Congrats to my bunso! Pwede na maputokan.”

Reaksiyon ni Alex, “Anong pwede na? Tapos na!”

Continue reading below ↓

Kilig-kiligang sambit ng Pandemic Bride habang katabi ang mister sa vlog, “Isa na po akong maybahay. Isa na po akong wife. Mrs. Morada na po ako.”

Humingi si Alex ng paumanhin sa netizens dahil hindi niya agad naibahagi ang pag-iisang dibdib nila ni Mikee.

“We want to celebrate together as a family muna and siyempre, alam namin na iyong timing din, saka alam namin na may pandemic,” katwiran ni Alex.

Continue reading below ↓

“So, we just wanted to keep it for ourselves for a little while, to celebrate kaya... miss ko na itong mokong na ‘to! Haha! Ano, masaya?”

“Masaya,” pag-ayon ni Mikee.

Ipinagdiinan ni Alex na happily married sila ng asawa.

“Finally, nakakatabi ko na siyang matulog, yehey! Nakakatulog na siya sa kuwarto ko!” maligayang bulalas ni Alex.

Nagpasalamat si Alex sa kanilang mga kapamilya na napaka-supportive matapos nilang sabihin ni Mikee na gusto na nilang pakasal.

Seryosong hanash ni Alex with matching pagmuwestra-muwestra, “This wedding is really for our parents. Kasi, syempre, iyong nangyayari ngayon, it’s very uncertain.

“Hindi natin alam kung kailan matatapos ang pandemic. So siyempre, gusto namin na... to seal the deal, na nandito kaming lahat, na nandito tayong lahat, nakaka-celebrate...”

Mabilis na kumambiyo si Alex, “OK, fine, aminin ko na. Gusto ko na kasi siyang makatabi sa kama! Pero ayaw pa ng mommy at daddy ko.

“So, sabi ko, ‘Alam n’yo, ikasal na lang!’ So ngayon, OK na!”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Napapansin ko sa halos lahat ng TikTok posts ni Alex Gonzaga ay kasama si Mikee Morada.

Ang saya nila sa surprise birthday na inihanda para kay Alex. Pero ang Mommy Pinty pa rin ni Alex ang aligaga sa handaang iyon.

Isa sa nakisaya sa pa-birthday kay Alex ay ang best friend niyang si Direk Fifth Solomon.

Nasa TikTok account ni Fifth ang ilang kuha sa wedding nina Alex at Mikee.

Napaka-private ng pagtitipong iyon na sinaksihan ng pamilya at close friends.

Congratulations kina Alex at Mikee!

Naniniwala ang magkapatid na Alex at Toni na lahat ay ipinauubaya sa Diyos na Siyang nagpaplano sa kanilang buhay.

Sabi nga ni Toni Gonzaga sa isang talk niya, hindi siya nagmadaling magkaroon ng lalaking iibig sa kanya.

Dumating daw ang tamang panahon para sa kanya, at si Direk Paul Soriano pala ang inilaan ng Diyos para sa kanya.

Kaya naniniwala akong si Mikee rin ang inilaan ng Diyos para kay Alex.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga on husband Mikee Morada: “OK, fine, aminin ko na. Gusto ko na kasi siyang makatabi sa kama! Pero ayaw pa ng mommy at daddy ko. So, sabi ko, ‘Alam n’yo, ikasal na lang!’ So ngayon, OK na!”
PHOTO/S: Alex Gonzaga Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results