P-pop group na BGYO, malakas ang dating sa Pinoy audience

by PEP Troika
Jan 17, 2021
P-pop group na BGYO, ilulunsad sa pamamagitan ng fancon na "Be The Light: THE BGYO Launch" sa Enero 29, Biyernes, sa KTX.
PHOTO/S: Star Hunt Academy

JERRY OLEA

Ilulunsad ang P-Pop group na BGYO sa fancon na "Be The Light: THE BGYO Launch" sa Enero 29, Biyernes, sa KTX.

Tampok sa online event ang performance ng grupo, mga video na nagpapakita ng kanilang journey mula 2018, pati na ang paglulunsad ng music video ng kanila unang single na “the Light.”

Mabibili na ang tickets sa fan conference sa halagang P499 sa KTX.PH.

Ang BGYO ay binubuo nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Natem na dating kilala bilang SHA Boys.

Nahasa sila sa Star Hunt Academy ng ABS-CBN, na naghahanda sa artists na gustong maging international star.

Unang napanood ang lima sa ASAP Natin ‘To kung saan inawit nila ang “On” ng kilalang K-Pop group na BTS.

Tumabo ng halos 2 million views, 75,000 reactions, at 3,300 comments ang performance nila sa It's Showtime wala pang isang araw mula nang ito ay ipinost sa social media.

Nagpakitang-gilas din sila sa Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas special, pati na sa KTX: Ang Babait Ninyo Christmas Special pre-show, at sa PBB Connect Opening Night.

Continue reading below ↓

Ang BGYO members ay kabilang sa mga bagong dagdag sa Star Magic, kasama ng kanilang sister group na BINI, na hinasa rin ng Star Hunt Academy ng dalawang taon.

Naging parte rin sila ng pamilya ng Star Music noong nakaraang taon.

NOEL FERRER

Wow! Kahit hindi pa gamay ng viewers ang panonood ng mga pelikula online, do you think na mas gagap nila ang panonood ng concert sa ganitong platform?

Continue reading below ↓

Nakakabilib kapag dinagsa ito ng paying audience, ha! That means, may hope para sa mga magba-Valentine concert—na oo, the online shows have a chance in being part of the celebrations!

Mas matrabaho ang pagvi-video ng performances, pero if this is the way to thrive in the new normal... e, di, fight!!!

Gandahan na ang mga online content at output at suportahan nating lahat ang ganitong efforts para makatulong sa industriya nating hard hit ng pandemic!!!

GORGY RULA

Kahit hindi napapanood sa telebisyon, trending at pinag-uusapan linggu-linggo ng netizens ang BGYO (dating SHA Boys).

Hopefully, malagpasan nila ang naabot ng BoybandPH.

Watak na talaga ang nasabing banda, at tila si Joao Constancia lang ang naka-survive sa kanila.

Si Tony Labrusca na ligwak sa grand finals ng Pinoy Boyband Superstar na pinagmulan ng BoybandPH, umaariba pa rin ang career.

Iyong The Light: THE BGYO Launch ang unang fan conference ng BGYO, na magbibigay ng pagkakataon sa fans na makahalubilo ang kanilang idols at sumali sa ilang fun games.

Continue reading below ↓

Maaari nang i-follow ang BGYO sa kanilang official media accounts: bgyo_ph sa Twitter, Facebook, at Instagram samantalang @officialbgyo sa Tiktok at BGYO Official sa YouTube.

Pwede rin i-follow ang bawat BGYO member sa kani-kanyang social media accounts na gumagamit ng official BGYO logo sa kanilang profile pictures at ng “ofcbgyo” sa kanilang usernames.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
P-pop group na BGYO, ilulunsad sa pamamagitan ng fancon na "Be The Light: THE BGYO Launch" sa Enero 29, Biyernes, sa KTX.
PHOTO/S: Star Hunt Academy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results