Sagutan nina Alex Gonzaga at pekeng Mommy Pinty sa Twitter, patok sa netizens

by PEP Troika
Jan 17, 2021
Kuwela sa netizens ang palitan ng mensahe ni Alex Gonzaga at ng pekeng Mommy Pinty pagkatapos ianunsiyo ng TV host-comedienne na kasal na sila ni Mikee Morada.
PHOTO/S: Mommy Pinty Twitter

JERRY OLEA

Nakaka-shookt ang tweets ng parody account ni Mommy Pinty matapos ibunyag nina Alex Gonzaga at Mikee Morada nitong Enero 17, Linggo, sa YouTube vlog na noong Nobyembre 2020 pa sila ikinasal.

Mommy Pinty Parody Twitter account

Tweets ng huwad na Mommy Pinty na may 37.2K followers sa Twitter as we write this:

“Congrats to my dearest bunso Catherine Gonzaga-Morada! may asawa kana sana mature kana din, I love you bunso, putokan na!!!”

Continue reading below ↓

“Sa susunod na wala na si Catherine sa bahay, pwede na kami mag 34+35 ni bonoy ng malaya sa bahay.”

May paglilinaw kapagkuwan si Mommy na iyong 34+35 ay sa TikTok. Catherine ang tunay na pangalan ni Alex.

Classic ang sagutan nina Alex at pekeng Mommy Pinty sa Twitter:

Mommy Pinty: Congrats to my bunso! Pwede na maputokan

Alex: Anong pwede na? Tapos na!

Mommy Pinty: Ahh kaya pala pag linis ko ng kwarto amoy zonrox? Best wishes nlng sa inyo

Continue reading below ↓

Kapagkuwan ay nilinaw ni Alex na walang Twitter account ang kanyang ina at asawa.

Payanig ang tweet ng fake Mommy Pinty na, “Sana ol diba happy para sa anak kung ikakasal, diba Mommy Divine? chos lovelovelove”

Ang Mommy Divine na tinutukoy ay ang ina ni Sarah Geronimo.

Kontra si Mommy Divine sa pagpapakasal ni Sarah kay Matteo Guidicelli noong Pebrero 20, 2020.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Noon pa man ay naaaliw ako sa dynamics ng mag-inang Gonzaga!

Kontrapelo, pero nakakaaliw. Masaya pero may respeto at nakikita mo ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Nakakaaliw rin ang parody account ni Mommy Pinty. Ewan ko lang kung ano ang reaksyon niya rito.

Parang hindi ko ma-imagine na sinasabi ni Mommy Pinty ang “potokan”! Hahaha!

Continue reading below ↓

At oo, sa bahay pa nila nakapisan sina Alex at Mikee habang inaaayos pa ang sariling bahay ng bagong kasal sa Batangas.

Ang saya siguro ng buhay mag-asawa nina Alex at Mikee!!!

GORGY RULA

Si Alex kasi ang komedyante sa kanila at bentang-benta sa lahat ang ginagawa niya.

Ang dami rin tuloy ang naaliw sa karakter ni Mommy Pinty kahit tahimik lang siya at di nakikisawsaw sa mga isyu ng mga anak niya.

Kaya dagdag sa hanay ng mga karakter na showbiz mom si Mommy Pinty.

Tahimik na ngayon si Mommy Dorothy Laforteza dahil may sariling pamilya na si Sunshine Dizon.

Kampante na rin si Tita Annabelle Rama sa trono niya bilang palabang nanay ng Gutierrez family.

Abangan na lang natin ang mga bagong batch ng showbiz mommies—si Mommy Pinty, kahanay ang Queen Mother na si Karla Estrada, at ang Mommy Min ni Kathryn Bernardo?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuwela sa netizens ang palitan ng mensahe ni Alex Gonzaga at ng pekeng Mommy Pinty pagkatapos ianunsiyo ng TV host-comedienne na kasal na sila ni Mikee Morada.
PHOTO/S: Mommy Pinty Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results