Jane de Leon, hahantingin muna si Cardo sa Ang Probinsyano bago lumipad bilang Darna

by PEP Troika
Jan 20, 2021
(Top) Jane de Leon plays Police Captain Lia Mante, a member of the Black Ops, who are tasked to hunt down Carlo Dalisay (Coco Martin) in Ang Probinsyano; (bottom) in the Voltes V: Legacy teaser, the character of Steve Armstrong was shown.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

“Ang Gandaaaa!!!! Congratulations direk Mark Reyes”

Sabi iyan ni Sanya Lopez nang i-share niya sa kanyang Facebook page ang bagong teaser ng Voltes V: Legacy na in-upload noong Enero 14, Huwebes ng gabi, sa Facebook, YouTube at Twitter.

Komento ng dating sexy actor na si Justin de Leon na member noon ng Viva Hot Men at Men of Provoq, “Ang galing! Siguradong aabangan iyan ng mga tao!”

Laksa-laksa ang papuri ng fans at netizens sa one-minute trailer ng live-action adaptation ng Japanese animé series na umariba noong late ‘70s.

Tampok sa trailer ang hyper-realistic at mas enhanced computer graphics ng Camp Big Falcon, ang headquarter ng Voltes V. Ipinasilip ang lider ng Voltes V na si Steve Armstrong.

Passion project ni Direk Mark ang Voltes V: Legacy, na pitong taon na niyang dine-develop.

Fan si Direk Mark ng Voltes V, at lumaki siyang pinaniniwalaan ang overall theme ng Voltes V—pamilya, pagmamahal, at pakikipaglaban para sa kabutihan.

Continue reading below ↓

Let’s volt in!

screencap from GMA Volter V teaser

Samantala, ang Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ay nasa freezer muli ng ABS-CBN.

Wala pang kapalit ang direktor nitong si Jerrold Tarog.

Ayon sa source ng PEP Troika ay sa Marso pa ide-develop ng ABS-CBN ang nasabing TV series, dahil ang bida nitong si Jane de Leon ay magpo-focus muna sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Sasabak agad sa aksyon at bakbakan si Jane bilang Police Captain Lia Mante ng grupong Black Ops upang ipatupad ang inihaing “shoot to kill” order ni Presidente Oscar Hidalgo (Rowell Santiago) laban kay Cardo (Coco Martin) at mga kasamahan sa Task Force Aguila.

Kasama rin sa mga bagong karakter ng programa bilang mga miyembro ng Black Ops sina Geoff Eigenmann, Vance Larena, Paolo Paraiso, AJ Raval, at Mark McMahon.

Sa paghaharap ng Black Ops at Task Force Agila, muling malalagay sa panganib ang buhay ni Cardo pagkatapos ng matagal na pagtatago mula sa gobyerno sa teritoryo ni Lito (Richard Gutierrez).

Ang hindi alam ni Cardo, si Lito mismo ang nagbigay ng impormasyon sa Black Ops tungkol sa kanilang hideout upang maipatumba si Cardo at mapasakanya si Alyana (Yassi Pressman). Tuluyan na bang maaagaw ni Lito si Alyana?

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

Continue reading below ↓

I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy rin itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati sa app at website ng iWant TFC app.

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

NOEL FERRER

Kinalakhan natin ang Voltes V noong late ‘70s na panahon ng martial law, at parang magandang leksyon sa atin ‘yan na dapat tayong mag-VOLT IN para manalo ang kabutihan at magapi ang kasamaan sa lipunan.

Continue reading below ↓

Exciting ito, plus may bagong yugto na naman ang FPJ’s Ang Probinsyano sa pag-exit ni Yassi Pressman.

'Tapos, kung napa-ANG GANDA! si Sanya sa gawa ni Mark Reyes sa TV, sana ay ganyan din ang masabi niya sa katatapos lang na WeTV Series na nagawa niya with my talent Iza Calzado and Ian Veneracion which is due on Valentine’s Season—ang The Story of The Battle of Brody And Brandy.

Ang daming bagong content! Sana, suportahan ang mga ito ng mga taong super-sagad na sa quarantine at lockdown!

GORGY RULA

Exciting at kaabang-abang ang mga susunod na seryeng pinaghahandaan ng GMA-7.

Impressive ang teaser ng Voltes V: Legacy na kinarir ni Direk Mark Reyes sa tulong ng Riot Inc. Post Production at GMA Post Video graphics team para sa CGI at live action elements ng series.

Siyempre, ka-partner dito ng GMA Network ang TOEI (orig na produ ng Voltes V) at Telesuccess (may hawak ng rights sa Pilipinas).

Continue reading below ↓

Abangan natin ang paglulunsad ng Voltes V: Legacy, at kung sinu-sino ang gaganap dito bilang Steve, Big Bert, Mark, at Jamie.

Mukhang hindi rin magpapatalo si Direk Rico Gutierrez sa kanyang Agimat ng Agila na pagbabalik-telebisyon ni Senator Bong Revilla Jr.

Nasilip ko ang ilang eksena, at maganda siya.

Bumagay kay Senator Bong ang role at totoo ngang may chemistry sila ni Sanya. Parang bumagets din ang senador sa mga eksena nila ni Sanya.

Ang latest namang narinig ko sa FPJ’s Ang Probinsyano, may ilang malalaking karakter ang mamamatay sa kuwento.

Ito na kaya ang karakter na ginagampanan nina Lorna Tolentino at Rowell Santiago?

May isang malaking artistang papasok daw na matindi rin ang role na gagampanan. Si Angel Locsin na kaya ito?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) Jane de Leon plays Police Captain Lia Mante, a member of the Black Ops, who are tasked to hunt down Carlo Dalisay (Coco Martin) in Ang Probinsyano; (bottom) in the Voltes V: Legacy teaser, the character of Steve Armstrong was shown.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results