Janine Gutierrez, iwe-welcome sa ASAP Natin ‘To; Sharon Cuneta, may mega birthday celebration

by PEP Troika
Jan 20, 2021
New Kapamilya Janine Gutierrez (left) and Megastar Sharon Cuneta (right) will have special production numbers in ASAP Natin 'To this coming Sunday, January 24.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Magpapakitang-gilas si Janine Gutierrez kasama sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano sa ASAP Natin ‘To sa Enero 24, Linggo ng tanghali.

Noong Enero 15, Biyernes, opisyal na naging Kapamilya si Janine.

Noong Enero 6 pa ang ika-55 kaarawan ni Sharon Cuneta, ngunit sa Linggo gaganapin ang kanyang mega-celebration.

May participation kaya rito ang panganay niyang si KC Concepcion

Magpapasiklab ang cast ng inspirational series na Huwag Kang Mangamba, kasama sina Jolina Magdangal, Erik Santos, Nina, Jed Madela, at Angeline Quinto.

Mga bida sa Huwag Kang Mangamba sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz, at Kyle Echarri.

Todo hataw ang ASAP Dance Hotties na sina Jameson Blake, Joao Constancia, Jeremy Glinoga, Lance Carr, at Tan Roncal kasama sina Darren Espanto, Kyle Echarri, at Iñigo Pascual.

Kapana-panabik ang dance number nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Andrea Brillantes, at Francine Diaz, maging ang payanig ng Bini.

Ilan lang iyan sa mga aabangan sa ASAP Natin ‘To sa darating na Sunday noontime!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sa Zoom interview ng PEP.ph kay Johnny Manahan aka Mr. M noong Enero 19, Martes, inilahad nito ang paghingi ng isang Linggo kay Manny V. Pangilinan (chairman ng TV5) para makapag-goodbye ang Sunday Noontime Live kung saan siya ang direktor.

“Sorry, ha. Naibigay na namin sa iba,” sagot daw ni MVP.

Sabi ni Mr. M, “And iyong iba happens to be ASAP!”

Magsasanib-puwersa na ang Kapamilya Channel at TV5 para maipalabas ang ASAP Natin ‘To.

May iba pa kayang Kapamilya shows ang mapapanood sa Kapatid Network?

Sana, magbukas ito ng ibang posibilidad ng pagsasama at ang pagbubuwag ng network divide.

Wishful thinking. Pero maganda kung mangyayari, di ba?

GORGY RULA

Ang rating ng All-Out Sundays noong nakaraang Linggo, January 17, ay 6.2%, ayon sa AGB Nielsen.

Hindi ko na nakuha kung ano ang rating ng huling episode ng Sunday Noontime Live.

Pero ang ASAP Natin ‘To sa A2Z Channel 11 ay hindi man lang sumampa sa 1.5% ang rating.

Continue reading below ↓

Ewan ko lang kung papalo ito nang bonggang-bongga kung mapapanood na ito sa dalawang istasyon.

Kung aariba si Janine Gutierrez sa ASAP Natin ‘To sa Linggo, nasa spotlight naman ang boyfriend niyang si Rayver Cruz sa AOS.

Mala-concert ang level ng performance niya sa “Holy” ni Justin Bieber at “Love Not War” ni Jason Derulo.

Bukod siyempre sa AOS regulars na pinangungunahan nina Alden Richards at Julie Anne San Jose, may bonggang production number ang mga nag-hit sa TIkTok na sina JM ng awiting “Magandang Dilag,” at si Lil Vincey ng “Chinita Girl.”

Siguro, production-wise, lamang ang ASAP Natin ‘To dahil mas marami silang magagaling at mas kilalang artists. Pero nakakasanayan at kinagigiliwan na rin ng mga manonood ang All-Out Sundays, kaya ito ang pinapanood nila tuwing Linggo ng tanghali.

JERRY OLEA

Nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, sandamukal ang hopia at asado na magsasanib-pwersa ang ABS-CBN at TV5-Cignal TV.

Continue reading below ↓

Ngayong Enero 2021, uumpisahan ito sa ASAP Natin ‘To.

Take note na mapapanood sa Cignal Channel 44 ang Jeepney TV, kung saan inire-replay TV ang mga Kapamilya teleserye.

Kabilang dito ang fantaseryeng Bagani nina Liza Soberano at Enrique Gil; ang romantic-drama series na Be My Lady nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga; at ang Kahit Puso’y Masugatan nina Iza Calzado, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Gabby Concepcion.

Mapapanood din ng Cignal viewers ang tinaguriang ‘pambansang game show’ na Game KNB? sa pag-ere nito sa Jeepney TV para sa ikalawang season, bukod sa paglalaro nito sa Pinoy livestreaming app na Kumu (@gknb).

Masusundan ang primetime dramas ng Kapamilya Channel sa Jeepney TV, at pwedeng mag-catch up sa It’s Showtime mula Lunes hanggang Biyernes ng 10:00 p.m., at tuwing Sabado ng 8:00 p.m.

Panoorin ang Bagani weeknights tuwing 7:30 p.m., Be My Lady tuwing 4:35 p.m., Kahit Puso’y Masugatan tuwing 12:30 pm, at Game KNB? season 2 tuwing 12:00 nn sa Jeepney TV na mapapanood sa Cignal channel 44 ng mga nag-avail ng Postpaid Plan 290 and up at Prepaid Load 100 and up.

Continue reading below ↓

Mapapanood din ang Jeepney TV sa SKYcable channel 9, GSAT channel 55, at sa iba pang major provincial cable systems sa bansa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapamilya Janine Gutierrez (left) and Megastar Sharon Cuneta (right) will have special production numbers in ASAP Natin 'To this coming Sunday, January 24.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results