TV5, excited na sa pagdating ng ASAP; sino ang tunay na talunan sa pagsasara ng SNL?

by PEP Troika
Jan 22, 2021
Ogie Alcasid in a promotional video for the airing of ASAP Natin 'To on TV5 beginning January 24.
PHOTO/S: TV5 Twitter

JERRY OLEA

ENERO 12, Martes, nasabi sa atin ng isang source na humigit-kumulang P500M na ang inilabas ng Brightlight Productions sa mga programa nito sa TV5 sa loob ng tatlong buwan.

Kabilang sa mga iprinodyus ng Brightlight sa TV5 ang Sunday Noontime Live (SNL), Lunch Out Loud (LOL), Sunday Kada, Oh My Dad, Rated Korina, at I Got You.

Ayon sa nasabing source, Sunday Kada lang ang OK ang kita.

Kinontra ito ng isa pa nating source na nagsabing ang Oh My Dad ni Ian Veneracion ang OK.

ENERO 16, Sabado ng gabi, ini-announce ng Brightlight Productions na “season enders” na ng Sunday Noontime Live at Sunday Kada kinabukasan, Enero 17.

Ire-replay rin ang finale ng I Got You na nagtapos the previous Sunday, January 10.

Tuloy pa rin ang LOL, Rated Korina, at Oh My Dad.

May mga kumontra at nagsabing hindi pa tigok ang SNL at Sunday Kada. May mga naka-schedule pa raw na rehearsal at taping.

Continue reading below ↓

ENERO 19, Martes, inamin ni Johnny Manahan sa Zoom interview ng PEP na sibak na ang SNL, kung saan siya ang direktor.

Humiling umano si Mr. M (taguri kay Johnny Manahan) kay Manny V. Pangilinan (MVP, chairman ng TV) ng isa pang episode ng SNL para mag-goodbye sila.

Kaso, may kapalit na ito—ang ASAP Natin ‘To, na siya ang dating direktor.

Ayon sa isang source ng PEP Troika, P3M ang production cost ng bawat bagong episode ng SNL, kung saan frontliners sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray, Jake Ejercito, at Ricci Rivero (kapalit ni Donny Pangilinan).

ENERO 20, Miyerkules, nabalitaan nating iwe-welcome ng ASAP Natin ‘To si Janine Gutierrez sa Linggo, at magdiriwang ng kaarawan si Sharon Cuneta.

Naka-line up din sa Linggo sa ASAP Natin ‘To sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, cast ng inspirational series na Huwag Kang Mangamba, Jolina Magdangal, Erik Santos, Nina, Jed Madela, at Angeline Quinto.

Continue reading below ↓

Andiyan din sina Jameson Blake, Joao Constancia, Jeremy Glinoga, Lance Carr, Tan Roncal, Darren Espanto, Kyle Echarri, Iñigo Pascual, Loisa Andalio, Charlie Dizon, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Bini, This Band, Elha Nympha, Sheena Belarmino, at Janine Berdin.

ENERO 21, Huwebes, inihayag ng ABS-CBN na simula Enero 24, Linggo, mapapanood na sa TV5 ang ASAP Natin ‘To (12:00 nn-2:00 p.m.) at FPJ: Da King (2:00-4:00 pm).

Ibinahagi rin ng Cignal TV at TV5 ang nasabing official statement.

Tweets ng TV5 para i-promote ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King:

“EXCITED KA NA BA?”

“That SOON is NOW! Mapapanood na ang @ASAPOFFICIAL at ang ‘FPJ: DA KING’ sa TV5! Naging posible ito dahil sa collaboration sa pagitan ng @CignalTV , @brightlightph , @ABSCBN , at ng TV5!”

“Yes. This is happening! Ready na ba kayo mga Kapatid?”

“We warmly welcome @ASAPOFFICIAL sa TV5! The concert party begins ngayong January 24, 12 NN on TV5! #ASAPonTV5”

Continue reading below ↓

“Don't miss the awesome performances! Sino sa mga artists ang aabangan n'yo sa ASAP Natin 'to on TV5? January 24, 12NN #ASAPonTV5”

Kinumpirma ng Kapamilya source natin LIVE ang ASAP Natin ‘To sa Sunday noontime, at nakatakda ring mag-perform doon ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid!

NOEL FERRER

It may not be a merger, pero magandang collab pa rin ang magaganap sa Linggo.

Continue reading below ↓

Bagong yugto na naman ito ng parating na 26th anniversary ng ASAP na sinimulan namin noong Pebrero 5, 1995.

Hindi mauubusan ng selebrasyon, kasi may Valentine concerts na kailangang i-promote, may birthdays na pwedeng i celebrate.

Yes, ise-celebrate ng ASAP Natin ‘To ang 55th birthday ng Megastar sa Sunday. Para bang homecoming ito ni Sharon Cuneta sa TV5?

I’m sure, paghahandaan ito ng ASAP Natin ‘To, na sa huli’t huli, wala mang franchise ang ABS-CBN, ASAP as a brand of excellence continues!!!

At sabi nga ng TV5, may telecom at digital tie up pa na magaganap... this is synergy happening in front of us.

Sana, marami pang ganitong collabs na mangyari in the future!

GORGY RULA

Kaabang-abang na ang mga susunod na magaganap this coming weekend.

Marami ang curious kung papalo na ang rating ng ASAP Natin ‘To dahil bukod sa Mega Manila viewers sa A2Z, mapapanood na rin ito sa TV5 na kahit paano ay napapanood sa mga probinsya.

Continue reading below ↓

Ang FPJ: Da King naman ay mas mataas ang rating kung ikumpara sa ASAP, kahit Mega Manila viewers lang ang nakakapanood nito sa A2Z. Kaya pwedeng tumaas pa ito lalo kapag mapapanood na rin sa TV5.

May kasunod pa kayang Kapamilya shows na mapapanood sa TV5? Posible kaya ang It’s Showtime, at manganganib ang Lunch Out Loud?

Sa aming pagtatanung-tanong, okay pa raw ang LOL. Wala pang sinasabi sa kanilang paghahandaan na nila ang posibleng pagtatapos ng kanilang programa. Okay raw kasi ito sa advertisers.

Pero hindi pa natin natitiyak kung ano ang susunod na magaganap.

May ilang naglalabas ng mga hinaing sa biglaang pagtatapos ng Sunday Noontime Live at Sunday Kada.

Hindi natin masisisi ang ilang naghihimutok dahil may mga isinakripisyo sila para sa programang pinili nila.

Pero ganoon talaga. Isipin na lang siguro na kahit paano, may sumalo sa kanila pagkatapos magsara ang ABS-CBN.

Kumita pa rin sila kahit sa tatlong buwan lang na trabaho. Ang ibang artista nga, mas mataas pa ang natatanggap kung ikumpara sa natatanggap nila noon sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Hindi man lang ikinunsidera na nagsisimula pa lang ang Brightlight at hindi kasinlaki ng ABS-CBN ang TV5.

Pero binayaran sila ng Brightlight, walang pagkukulang sa kanila ang naturang produksyon.

Sana, isipin din nilang si dating Congressman Albee Benitez ang talagang natalo rito. Hindi biro ang ipinuhunan niya rito at natalo. Hindi niya ito nabawi.

Kaya wala siyang atraso sa mga taong nawalan uli ng trabaho dahil sa biglaang pagtatapos ng programa nila.

Ang natitiyak lang namin, ayon sa ilan pang nakakausap ng PEP Troika, tuloy pa rin ang Brightlight Productions.

As of now, may tatlo pa silang pinu-produce para sa TV5, at posibleng may bago pa silang ipu-produce.

Pagkatapos ng Magikland ay may dalawa pa silang pelikulang natapos at hinihintay na lang ang tamang playdate.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid in a promotional video for the airing of ASAP Natin 'To on TV5 beginning January 24.
PHOTO/S: TV5 Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results