Rocco Nacino ikinasal kay Melissa Gohing sa isang battleship

by PEP Troika
Jan 22, 2021
Kapuso actor Rocco Nacino and volleyball player Melissa Gohing tied the knot at the BRP Davao del Sur LD602 Battleship, Thursday, January 21.
PHOTO/S: Nice Print Photography

NOEL FERRER

Nauuso yata ang secret weddings at revelations sa social media after!

Sa nakakagulat na post ni Rocco Nacino ngayong Biyernes ng umaga, January 22, ang sabi niya:

“Yes...we... did -- 21-1-21, Meet my wife. Mrs Melissa Gohing-Nacino”

Yes, ikinasal na ang Kapuso actor at ang pro volleyball player kahapon, January 21.

Continue reading below ↓

Si Gideon Hermosa ang nag-ayos ng lugar.

May kinalaman din sina Francis Libiran at Arsi Baltazar sa pagsasaayos ng kanilang mga suot.

At nakakabilib lang na naganap ito nang tahimik, controlled, at classy despite the pandemic.

Nang naka-text ko si Enrico (tawag ko sa kaibigang Rocco), sabi niya, “Nairaos po... The Philippine Navy was kind enough to lend us the BRP Davao del Sur LD602 Battleship to hold our wedding. Kinaya po!

"Pinaka-stress was the weather! It was raining hard on the 20th. 90% chance of rain and thunderstorms kasi ang nakalagay sa weather forecast.

"So matinding prayers talaga. God was good! Pinagbigyan kami!"

Simple at eleganteng seremonya ang nangyari.

Tinanong ko si Rocco kung yun na 'yon o nagpaplano pa sila ng Church wedding.

Ang sabi niya, ngayong tapos na ang wedding, they can now focus on the marriage.

“We are planning a Christian wedding/renewal of vows in a few years, but we are now enjoying our WE-time as husband and wife muna,” sabi ni Enrico.

Continue reading below ↓

Mula sa PEP Troika, ang aming taos-pusong pagbati sa bagong kasal na sina Enrico (Rocco) at Melissa Gohing-Nacino!

JERRY OLEA

Cheers! Mabuhay ang bagong kasal!

Uplifting ang mga balitang kasalan, pangontra sa forbidden affairs na ating nauulinigan.

Nahiwatigan na rin natin ang nalalapit na pag-amin ng isang mahusay na young actor kaugnay sa pag-iibigan nila ng isang young actress.

GORGY RULA

Congratulations kina Rocco at Melissa.

Nakakabilib talaga si Rocco! Lahat na pinaplano niya, nagagawa niya nang maayos.

Mula sa pagsisimula ng career niya, pati sa buhay niya, at ang nakakainggit, nakapagpundar siya mula sa mga pinaghirapan niya.

Hindi maiwasang mainggit sa kanya ang mga nakasabayan niya, pati ang mga artistang nauna sa kanyang sumikat.

Sa mga nakaraang interviews ni Rocco, sinabi talaga nitong gusto niya ng tahimik na seremonya na magugulat na lang daw tayo dahil tapos na pala.

Gusto raw niyang i-enjoy ang moment na yun kasama si Melissa at kanilang mga magulang.

Continue reading below ↓

Nakausap ko ang ilang nakadalo sa kasal at naka-Zoom lang daw sila.

Mahigpit daw talaga ang Philippine Navy kaya ang pamilya lang ang nandoon sa seremonya.

Lahat daw ay naka-Zoom, pati ang nasa entourage. Karamihan ay executives ng GMA-7 ang tumayong ninong at ninang na pinangunahan nina Atty. Felipe Gozon, kasama sina Mr. Jimmy Duavit, Ms. Lilybeth Rasonable, Gigi Santiago-Lara, at Redgie Magno.

Kasama rin ang mga kapwa volleyball players na close kay Melissa, pero hindi na raw nila napansin ang iba dahil sa dami nila sa Zoom.

Sana raw ay okay na tayo next year, na tapos na itong pandemya at baka puwede na raw nilang gawin ang Christian wedding.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Rocco Nacino and volleyball player Melissa Gohing tied the knot at the BRP Davao del Sur LD602 Battleship, Thursday, January 21.
PHOTO/S: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results