Gameboys star Kyle Velino, di makapaniwalang napapanood na siya sa Netflix

by PEP Troika
Jan 22, 2021
Kyle Velino: “Super blessed ako to be a part of this show. Lalo na when I knew that Gameboys will be shown in Netflix. Until now, I can’t believe that I’m in Netflix haha that’s why I’m thankful to all the fans for supporting us."

JERRY OLEA

Dumami ang fans at supporters ni Kyle Velino dahil sa pagganap niya bilang Terrence sa Pinoy BL series na Gameboys.

Nanalo pa siya ng award bilang supporting actor. At lalong dumami ang nakakakilala at humahanga sa kanya nang mag-streaming ang Gameboys sa Netflix.

“I am very thankful because Gameboys was a success and we get to influence and inspire many people,” sabi ni Kyle nitong Enero 21, Huwebes, via Messenger.

“Super blessed ako to be a part of this show. Lalo na when I knew that Gameboys will be shown in Netflix.

“Until now, I can’t believe that I’m in Netflix haha that’s why I’m thankful to all the fans for supporting us.

“And about the best supporting actor award, bonus na lang iyon and I'm happy na na-recognize nila yung craft ko.”

Nag-start na sila ng shooting ng season 2 ng Gameboys.

“Siyempre, super excited na ako sa season 2. Super excited na ako to show it to you, guys, but wala pang exact date kung kelan lalabas,” saad ni Kyle.

“I guarantee you na mas magugustuhan ninyo and makaka-relate kayo sa kwento. We would like to thank the fans all over the globe!”

hit BL series Gameboys cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasali si Kyle sa seryeng Paano Ang Pangako? ng TV5. Book 2 ito ng Christmaseryeng Paano Ang Pasko?

Sa trailer, may confrontation sila ni Elijah Canlas, na nakatrabaho niya sa Gameboys.

“Siyempre, super thankful din ako na nakasama sa Paano Ang Pangako? dahil nabigyan na naman tayo ng pagkakataon to showcase what we got, and another experience ito,” pahayag ni Kyle.

“Of course, I'm happy dahil makakatrabaho ko na naman si Elijah na alam natin na napakagaling na actor lalo na sa henerasyon natin.

“Ang role ko rito... well, di ko masabi if kontrabida ba haha but ayun, kaagaw ko na naman si Elijah sa maraming bagay haha!

“Kasama rin namin si Miles Ocampo, na love triangle namin.”

Nasa cast din ng Paano Ang Pangako? sina Bing Loyzaga, Ahron Villena, Karel Marquez, Maricel Laxa, Beauty Gonzalez, Ricky Davao, Allan Paule, Ejay Falcon, Matt Evans, Danita Paner, Justine Buenaflor, John “Sweet” Lapus, Devon Seron, Cedrick Juan, at Ace Ismael.

“I'm super excited and nervous coz I’m working with such brilliant and respected actors in the industry and I can't wait to learn from all of them,” lahad ni Kyle.

“Sobrang babait ng mga cast at siyempre, alam naman natin na sila ay mga beterano and batikan sa industriya.

“Nakakatuwa kasi they always help me sa mga eksena lalo na sa mahihirap na eksena. That’s why marami po akong natututunan.

“Isang way of bonding din namin is nagba-badminton kami during rest day kaya lalong nagiging close kami sa isa't isa.

“Super-sarap nilang katrabaho lahat. Marami po tayong dapat abangan and, of course, I would like to thank Direk Perci Intalan, Direk Jun Lana, and the whole IdeaFirst Company for always believing in me.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paano ang Pangako stills

GORGY RULA

Magaling namang umarte si Kyle, e. Malaking tulong itong Paano ang Pangako? dahil mapapanood na siya sa mainstream.

Kahit masasabing nag-hit itong mga BL series sa digital, at nasa Netflix na ang Gameboys, hindi pa rin pala sila ganoon kakilala ng masa.

Meron pa ring nagtatanong sa akin ng “sino ‘yun?” kapag binabanggit ko ang mga pangalan nina Kokoy de Santos, Elijah Canlas, at JC Alcantara (Hello Stranger).

Mabuti na lang at masisipag sila sa social media, lalo na si Kokoy, kaya nakakadagdag pa ng fans.

Dapat siguro, may kasunod pang maghi-hit na project.

Mas lamang kasi sila kung ikukumpara sa iba pang nagsisimula na ring sumikat na artista dahil magagaling talaga silang umarte.

NOEL FERRER

Isa si Kyle sa mga matutuwa na mas marami nang Kapamilya talents ang mapapanood sa TV5.

Given na yung husay niya sa pagganap, at articulate din si Kyle. Sana mabigyan siya ng pagkakataong mag-host sa hinaharap dahil okay siya sa interbyuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teka, natuloy ba ang pag-IdeaFirst Company ni Kyle from ABS-CBN Star Magic?

Ano kaya ang reaksiyon ni Kyle sa mga sinabi ng tatay-tatayan ng mga Star Magic talents na si Mr. M?

Nasuportahan din kaya ng Star Magic si Kyle sa shows niya sa TV5?

Malay mo, ngayong may collabs na ang dalawang networks, may iba pang project silang pagsasamahan dahil pwede nang lumabas ang mga Kapamilya sa Kapatid network!!!

Tingnan natin nung sinu-sino pa ang eeksena sa TV5 soon!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyle Velino: “Super blessed ako to be a part of this show. Lalo na when I knew that Gameboys will be shown in Netflix. Until now, I can’t believe that I’m in Netflix haha that’s why I’m thankful to all the fans for supporting us."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results