Tisoy at Ingleserong si Keann Johnson, nahirapan sa kanyang role bilang kargador

by PEP Troika
Jan 22, 2021
Keann Johnson (left) stars in his second BL movie after the success of The Boy Foretold By The Stars. He stars opposite JR Versales (right) in Run.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nahirapan si Keann Johnson sa pagganap bilang kargador na si Mark sa BL movie na Run.

Ibang-iba iyon sa role niya na high school student sa MMFF 2020 entry na The Boy Foretold By The Stars.

“I’ve never tried being a kargador,” sambit ni Keann sa press preview ng Run nitong Enero 16, Sabado ng gabi, sa Pandan restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Of course, I grew up na parang... you know, I was raised by my mom. I’m with a school, ganun-ganun-ganun.

“Mark’s back story is completely different from mine, e. There are mannerisms that I had to learn in order to fully portray my character.

“Like for example, may isang scene, kakain ako nang... kamay-kamay. Hindi ako marunong!

“So, Direk [Mel Magno] had to teach me. Parang... ‘So, when you grab it, ganyan-ganyan.’ When I did, ang elegant ko namang kumain.

“I looked so rich. Dapat daw, parang kaing-construction worker!” natatawang lahad ni Keann.

Continue reading below ↓

Sa istorya, tubong-Leyte si Mark. Katorse anyos siya nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa storm surge ng Yolanda.

Edad disisyete siya nang mapunta sa Tondo, Manila, at kapagkuwan ay napadpad sa Arayat, Pampanga.

Sa palengke ng Arayat sila nagtagpo ni Gene (JR Versales), na tatlong araw nang tumatakbo mula sa Mariveles, Bataan.

Lumabas si JR sa pelikulang Seklusyon, na entry sa Metro Manila Film Festival 2016.

Kumusta ang kissing scene nila?

Mabilis na sumagot si JR, “Masarap... sabi ni Gene!”

Tila kinilig si Keann at natawang umayon, “Ha! Ha! Ha! Ha! Masarap!”

Palabas na ang Run sa KTX.

NOEL FERRER

Sa kahit na anong proyekto, when the casting is perfect, a large part of the work is done.

It will really take a lot para magmukhang kargador si Keann.

Ang tanong ko talaga: ano kaya ang nakita ni Direk Mel sa kanya?

Grabeng suspension of disbelief ito kung sakali.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ibang-iba ang karakter na ginagampanan ni Keann sa Run. Ang layo sa The Boy Foretold by the Stars.

Halatang nahirapan siya rito sa Run dahil ang daming pinagawa sa kanyang never pa niya naranasan sa tanang buhay niya.

Halatang nadidiri siya nang pinagbuhat ng bagong katay na baboy. Pero kahit paano, maayos pa rin ang pagganap niya.

Sana, matuloy ang balak ng management group na nagha-handle sa kanya na bibigyan siya ng maganda pang projects at hindi lang BL movie.

Kaya may kilig ang sagot niya sa tanong namin kung sino ang wish niyang leading lady sa mga susunod niyang projects.

Sana, si Kathryn Bernardo raw.

JERRY OLEA

Disyembre 25, 2020 hanggang Enero 7, 2021 ipinalabas sa Upstream ang 10 official entries ng 46th MMFF, kabilang ang The Boy Foretold by the Stars.

Heto at may follow-up project agad si Keann, na streaming naman sa KTX.

'“I wanna thank everyone for giving me this blessing. I also wanna thank God for giving me this blessing,” masayang lahad ni Keann.

Continue reading below ↓

“I can’t do anything but just be grateful, and make all of these achievements I get na... to make all of them count.”

Naramdaman ba niyang marami nang nakakakilala sa kanya dahil sa back-to-back BL movies niya?

“Opo. I’m sure din people want to see new faces, and I’m lucky enough to be one of those new faces,” napangiting tugon ni Keann.

“So, of course, susulitin po natin lahat ng opportunities na dumarating.”

Inaasam ni Keann na mapasama sa isang teleserye.

“Pero I don’t wanna jinx,” pakli ng poging young actor.

Saan niya mas gustong magkaroon ng teleserye, sa Kapamilya o sa Kapuso?

“Ahhh... I can’t answer that question kasi! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” mabilis na sagot ni Keann.

“Freelance lang po ako. Kaya I can’t answer that question.”

Iniintriga ng iba na kesyo may attitude na si Keann, na lumaki ang ulo niya dahil sa success ng The Boy Foretold by the Stars.

Continue reading below ↓

“I’ll always keep my feet on the ground, and I was raised to always keep my feet on the ground,” malumanay na sabi ni Keann.

“I’ve been in this industry for six years na po, and as you can see, hindi pa rin po ako nag-iiba.

“I still have many friends from high and low, and they know na I’ve always been this way since birth.”

Nararamdaman ba niyang magbu-boom at magbu-bloom ang kanyang career this year, kahit andiyan pa ang pandemya?

“Hopefully po. Hopefully. As you can see, I had a good start for this year, and again I won’t miss the opportunity.

“Ipu-push at ipu-push ko ang sarili ko. Of course, who would not want to take this chance?”

Sinong young actress ang pangarap niyang maka-partner o makatrabaho? Napangiti muli si Keann, “Hmmnn... si Kathryn Bernardo. Iyon yung pangarap ko! Ang taas ng pangarap!

Siyempre, ‘no, coz she’s a really good actress, na I really want to learn from her, especially when it comes to love teams.”

Continue reading below ↓

Mas matanda si Kathryn ng ilang taon kesa sa kanya.

“Age doesn’t matter! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Baby-faced si Keann. Baka magmukhang ate niya si Kathryn?

“We’ll see, we’ll see,” sambit pa ni Keann, na walang bahid ng pagiging kargador.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keann Johnson (left) stars in his second BL movie after the success of The Boy Foretold By The Stars. He stars opposite JR Versales (right) in Run.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results