Balik-showbiz ang anak ni Sen. Jinggoy na si Jolo Estrada

by PEP Troika
Jan 24, 2021
Jolo Revilla
Matapos na maka-graduate sa pag-aaral at makapagtayo ng sariling business, balik-showbiz ang isa pang anak ni Sen. Jinggoy Estrada na si Jolo Estrada.
PHOTO/S: Jerry Olea | PR photo

JERRY OLEA

Balik-showbiz si Jolo Estrada, ang ikalawa sa apat na mga anak nina Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.

Nakasama si Jolo sa pelikulang Ang Tatay Kong Sexy na pinagbidahan ng kanyang ama. Taong 2016 iyon ipinalabas, pero syinuting noon pang 2013.

Priority ni Jolo ang pag-aaral at pagnenegosyo, kaya naudlot ang kanyang pag-aartista.

Bandang Mayo 2020 ay inalok si Jolo ng talent manager na si Leo V. Dominguez para mag-artista muli.

Si Leo ang manager nina Ogie Alcasid, Lovi Poe, at Paulo Avelino.

“Noong nakita ko si Jolo, sabi ko, ‘Ano ito, leading man ito. May karakter. May potential.’ So, kinontak ko siya,” kuwento ni Leo sa presscon nitong Enero 23, Sabado sa Victorino’s restaurant, Quezon City.

“Tapos, sabi niya, he’s busy with his business, he’s not ready, gano’n-gano’n. So, nag-no siya. Pero hindi pa rin ako tumigil.

“Humanap ako ng ibang paraan para mapa-oo ko siya.”

Nagpatulong si Leo sa mutual friend nila na si Bernard Cloma para maka-dinner si Jolo at inang si Precy. Napapayag finally si Jolo, at nagkapirmahan sila ng managerial contract.

Continue reading below ↓

Jolo Estrada signs contract with LVD Management. In photo are Leo Dominguez (left) and Jolo's mom Precy Ejercito (right).

“Ngayon na hindi na ako ganoon ka-busy, sabi ko, why not try and give it a shot once more, di ba?” matamang lahad ni Jolo.

“Wala namang mawawala. So, I’m just taking this opportunity, and I hope for the best. I’m hoping for the best.

Continue reading below ↓

“I heard so many good stories regarding Tito Leo, so, sana... sana... sumikat naman tayo.”

May talent sa pagkanta si Jolo. Sa presscon ng 27-anyos na binata, ni-request ito ng invited showbiz media para magsampol. Inawit ni Jolo ang "Kung Ako Na Lang Sana."

Namana raw niya ang singing talent sa kanyang ina.

Sino ang gusto niyang maging leading lady?

“Actually, iniisip ko nga po yun, e. Kung leading lady, sana, si Ivana Alawi. Kasi, pantasya iyon ng mga kalalakihan ngayon, di ba?

“Saka feeling ko, bagay naman kami kung magtatambal.”

Inaasam din niyang makatrabaho si Angelica Panganiban.

“Kasi, napakagaling, napakahusay na aktres,” pakli ni Jolo.

Kaso, mas may edad ito sa kanya.

“Yes, she’s much older, but she’s a lot more experienced also than me. I saw her when I was a kid pa, nasa TV na siya, ang dami niyang role na ginanap.

“And all the roles, kayang-kaya niya lahat, e. So, magaling talagang artista. Gusto ko sana, matuto... doon sa mga experience niya.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Siguro, parang ‘changing of guards’ na ito sa pamilya Ejercito-Estrada.

Matagal nang nagretiro sa showbiz ang dating Pangulong Joseph Estrada, at pati na rin sa pulitika. Pero hindi natin maitatangging malaki ang naiambag ng dating Pangulong Erap sa movie industry.

Ang dami-dami niyang natulungan at itong Mowelfund ang malaki niyang kontribusyon.

Ang ama ni Jolo na si dating Senador Jinggoy Estrada ay tuloy pa rin ang pagpu-produce ng pelikula pero nagbibigay-daan siya sa kanyang mga anak.

Nakitaan ng galing sa pag-arte ang pangatlong anak nila ni Precy Ejercito na si Julian pero mas gusto nitong mag-focus sa pagkanta, pagdidirek ng mga music video, at paggawa ng awit.

Kasama si Julian sa MMFF 2020 entry na Coming Home bilang bunsong anak nina Jinggoy at Sylvia Sanchez.

Si Jolo naman ay pinasok din ang pagnenegosyo, at maganda ang mga sinimulan niyang negosyo ka-partner ang ilang kaibigan din sa showbiz.

Pero gusto na rin niyang subukan ang showbiz at wala siyang kiyeme kahit mabigyan siya ng daring role.

Continue reading below ↓

Okey lang daw topless, dahil ang ganda naman ng katawan niya.

Nag-isip sandali si Jolo nang hiniritan ko siya, sakaling kailangang may butt exposure, gagawin kaya niya?

“Tingnan natin, tingnan natin... kung bibigyan ng role na ganun,” matipid niyang sagot.

Kaya tingnan natin kung ano ang aabangan natin sa bagong henerasyon ng mga Estrada.

May K ang magkapatid na Jolo at Julian, ang guwapo nila, pati ang uncle nilang si Jake Ejercito na promising din pagdating sa hosting.

NOEL FERRER

Parang nasa dugo ng mga Estrada ang pag-aartista.

Ngayong nagbabalik-showbiz si Jolo, mas mahihigitan na kaya niya ang Jolo na anak ng kasama ng tatay niya sa Crame noon sa si Senator Bong Revilla?

I guess ang maiiba lang ay ang pag-venture niya sa pagkanta—iyon ang lamang niya sa ibang Estrada na aksyon at pag-arte ang forte!

Good luck, Jolo!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos na maka-graduate sa pag-aaral at makapagtayo ng sariling business, balik-showbiz ang isa pang anak ni Sen. Jinggoy Estrada na si Jolo Estrada.
PHOTO/S: Jerry Olea | PR photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results