Claudine Barretto, tinawagan si Jodi Sta. Maria tungkol kay Raymart Santiago

by PEP Troika
Jan 25, 2021
Claudine Barretto (left) on relationship of estranged husband Raymart Santiago (center) with Jodi Sta. Maria (right): “In all ano talaga… happiness lang talaga ang ano ko sa kanila. I think everybody deserves to be happy. Kahit hindi kami nagkakasundo ni Raymart. At the end of the day, I want them to be happy. Kasi, at the end of the day, he’s still the father of my children."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nilinaw ni Claudine Barretto ang nakarating sa aming kuwentong tinawagan siya ni Jodi Sta. Maria nang lumabas ang balita tungkol sa relasyon nina Jodi at Raymart Santiago.

Si Claudine ang estranged wife ni Raymart.

Ayon kay Claudine, siya ang tumawag kay Jodi para mapag-usapan nila ito dahil close daw siya sa Kapamilya actress.

Nagkasama sina Claudine at Jodi sa 2007 Kapamilya teleseryeng Walang Kapalit.

Pahayag ni Claudine nang nakapanayam namin sa presscon sa kanya ng Borracho Films ngayong Lunes, Enero 25, “I was very very close to Jodi. That’s why I really felt so bad na hindi niya sinabi.

“Ang ginawa ko, kinuha ko ang number niya kay Raymart, ako ang tumawag sa kanya. Nagkausap kami."

Maayos daw ang naging pag-uusap nila, pero inamin ni Claudine na sumama ang loob niya dahil mayroon daw silang ipinangako na hindi nasunod.

Ani Claudine, “Maayos yung pag-uusap namin. Until meron akong isang hiniling sa kanila na umoo sila.

Continue reading below ↓

“Hindi nila… it was for the kids, e. Hindi sila... they didn’t live up kung ano yung promise nila. 'Yon yung medyo hindi okay.”

Dalawa ang anak nina Claudine at Raymart, sina Sabina at Santino.

Pero hangad pa rin daw ni Claudine ang kaligayahan nina Raymart at Jodi.

“In all ano talaga… happiness lang talaga ang ano ko sa kanila. I think everybody deserves to be happy.

"Kahit hindi kami nagkakasundo ni Raymart. At the end of the day, I want them to be happy.

"Kasi, at the end of the day, he’s still the father of my children."

Pero ipinahiwatig din si Claudine na hindi umano nagagawa ni Raymart ang responsibilidad nito sa kanilang mga anak.

"And ang akin lang, huwag lang niyang kalimutan ang mga responsibilidad niya.

“Kasi, medyo hindi niya nagagawa yung dapat niyang gawin, e. Hindi siya sumusunod, e. Yun lang naman ang akin.

“Kung anong meron sila sa buhay nila, okay, go.

Continue reading below ↓

“Noong una talaga, full support pa ako, e. I was so excited, blended family, ganyan-ganyan.

“Pero just for them honestly, with all sincerity, I want them to be happy. Just don’t forget my children. Yun lang naman ‘yon,” seryosong pahayag ni Claudine.

Sa presscon para kay Claudine pumirma ang aktres ng film contract sa Borracho Films, na magpu-produce ng comeback movie niya na ididirek ni Joel Lamangan at isinulat ni Eric Ramos ang script.

Kasama ni Claudine sa contract signing ang bago niyang manager na si Arnold Vegafria.

Claudine barretto with her new manager arnold vegafria

Continue reading below ↓

Claudine Barretto with Direk Joel Lamangan

NOEL FERRER

Maganda namang gusto ni Claudine na okey sila ni Jodi.

Sana, wala na rin yung naunang naibalitang pagbabanta na idedemanda niya si Jodi dahil sa relasyon nito kay Raymart.

At maganda na imbes na sa press magsalita ay sa korte magkita ang dating mag-asawa dahil yun ang tamang venue ng pagsasalita at hindi sa media habang may pinu-promote na comeback film.

Magaling na aktres si Claudine, walang duda 'yan! Good luck sa comeback film niya.

JERRY OLEA

Nakaka-miss mapanood umarte si Claudine.

2015 pa yung pelikulang Etiquette for Mistresses kung saan marami silang bida. Co-stars niya roon sina Kris Aquino, Iza Calzado, at Kim Chiu.

2010 pa iyong pelikula nila nina Richard Gutierrez at Anne Curtis na In Your Eyes.

Binalak ng Viva Films na magka-reunion movie sila ni Mark Anthony Fernandez. Mukhang malabo na talaga iyon.

Noong 2016 nagbida si Claudine sa TV5 teleseryeng Bakit Manipis Ang Ulap? with Diether Ocampo, Cesar Montano, and Meg Imperial. Manipis ang ratings at commercial load niya.

Continue reading below ↓

Sana, andiyan pa rin ang masusugid na tagasubaybay ni Claudine para tangkilikin ang bagong movie na siya ang bida.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) on relationship of estranged husband Raymart Santiago (center) with Jodi Sta. Maria (right): “In all ano talaga… happiness lang talaga ang ano ko sa kanila. I think everybody deserves to be happy. Kahit hindi kami nagkakasundo ni Raymart. At the end of the day, I want them to be happy. Kasi, at the end of the day, he’s still the father of my children."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results