Sue Ramirez, maling idinawit sa isang blind item; umalma sa kumakalat na fake nude photo nila ni Maris Racal

by PEP Troika
Jan 26, 2021
Ni-repost ni Sue Ramirez (kaliwa) ang bikini photo nila ng kaibigang si Maris Racal upang pabulaanan ang kumakalat na nude photo nila. Sa lumabas na pekeng larawan ay niretoke ang nasa kanan larawan upang palabasing nakahubad ang dalawang aktres.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nakakalukring minsan ang nasasapul at umaaruy sa blind item.

Halimbawa, ang isang sikat na Kapuso actor. Inakala niyang siya ang tinutukoy na nakabuntis sa isang singer-actress. Maling akala!

Masyado bang matulis ang sikat na Kapuso actor at kung sinu-sino ang pinapatos?

Uso ang buntisan na inililihim. Iyong iba, nabalitaan na lang nating nanganak na. Kaya nasabi nating mahiwaga ang bed climate sa panahon ng pandemya.

Aba! Porke nabanggit natin ang weather-weather, naikonek na agad ng mga mema ang isang blind item natin kay Sue Ramirez na nagbida sa pelikulang Cuddle Weather.

Nag-overthink ang iba at pinalutang na nagtataksil si Sue sa kasintahang si Javi Benitez.

Oh, boy! Ingat-ingat po tayo sa mga kuda at hanash, at baka ma-sue (ramirez?) tayo sa husgado.

GORGY RULA

Nahihiya ako kay Sue Ramirez na nadamay siya sa isang blind item natin na ni sa hinagap ay hindi ko naisip na madadamay siya.

Continue reading below ↓

Kasi, kung si Sue nga ang tinutukoy ko sa isang blind item, never ko siyang ide-describe na isang "starlet." Magaling na aktres si Sue.

Hindi ko maisip kung bakit siya ang inili-link sa isang guwapong aktor na hiwalay na umano sa asa, na si Ian Veneracion naman ang hinuhulaan nila.

Nakakahiya! Hindi ko alam kung ano ang galit nila kay Sue na idinadamay nila sa isang isyung wala siyang kinalaman.

Meron bang demolition team na pilit siyang winawasak?

Kasunod kasi nitong maling pagbibintang ay may ikinakalat namang litrato ni Sue kasama si Maris Racal na photoshopped at ginawa na silang hubo’t hubad.

Kaya ni-repost ng magaling na aktres sa kanyang Instagram account ang kuha nila ni Maris na naka-two piece para linawin ang malisyosong pagkakalat ng naturang litrato.

Nasa caption nito: “Repost ko lang ulit tong mga picture na to para hindi kayo NATATANGA sa fake news.

“Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito. Wag ko lang mahanap ang nagkakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na ‘to.

Continue reading below ↓

“Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo. AT WAG TANGA PLS. Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. HINDI KAYO PINALAKING UTO UTO. Pl slang. Sumusobra na kayo.

“Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang PAMBABABOY na ito.”

Continue reading below ↓

Kasunod ng post na ito ni Sue ang naretokeng litrato nila ni Maris.

Galit na galit na si Sue sa sumunod niyang post dahil meron pang nagsi-share ng pekeng litratong ikinakalat.

Aniya, “NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAG-SHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG-EDIT NG KABABABUYAN NA TO. NAKAKATAWA BA TO PARA SA INYO?!!!

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sa inyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.

“THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung saan nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me ge to the bottom of this.

“HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Let it be categorical: Hindi po sina Sue Ramirez at Ian Veneracion ang tinutukoy namin sa blind item na lumabas dito sa PEP Troika. Period.

JERRY OLEA

Narito ang press statement ng ABS-CBN nitong Enero 26, Martes ng gabi kaugnay sa pekeng nude photos nina Sue at Maris:

“Nakarating sa amin ang mga malisyoso at edited na litrato ng aming mga Kapamilyang sina Sue Ramirez at Maris Racal na kumakalat online.

“Kinukundena ng ABS-CBN at Star Magic ang iligal na pagmamanipula ng mga litrato ng mga artista at kahit na sino dahil ito ay isang uri ng gender-based online sexual harassment sa ilalim ng RA 11313 o The Safe Spaces Act.

“Nakikiusap kami sa lahat na itigil na ang pagkakalat ng mga pekeng litratong ito sa social media. Ang kapakanan ng aming talents ang pinakamahalaga sa amin, kaya naman hindi kami magdadalawang isip na gumamit ng ligal na aksyon laban sa mga gumawa nito at sa kahit sinong magpo-post, mamamahagi, o kokopya ng mga litratong ito.

Continue reading below ↓

“Dapat ay tinatrato ang lahat nang may dignidad at respeto, kahit na sa social media.”

abs-cbn official statement on sue ramirez and maris racal fake nude photos

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ni-repost ni Sue Ramirez (kaliwa) ang bikini photo nila ng kaibigang si Maris Racal upang pabulaanan ang kumakalat na nude photo nila. Sa lumabas na pekeng larawan ay niretoke ang nasa kanan larawan upang palabasing nakahubad ang dalawang aktres.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results