Alma Moreno, naiiyak sa mga maling balita tungkol sa anak na si Mark Anthony Fernandez

by PEP Troika
Jan 27, 2021
Alma Moreno: “Sobra po akong nasasaktan. Naiiyak actually po ako minsan. Nalulungkot, kasi ayaw nilang tumigil pagdating dun sa anak ko. Lagi nilang sinasabi, nakakaawa si Mark."
PHOTO/S: YouTube / Facebook

GORGY RULA

Ilang beses nang pinagsasabihan si Alma Moreno ng mga anak niyang itigil na muna ang paglalabas at pagharap sa mga kadistrito sa Parañaque.

Tuluy-tuloy kasi ang pagtulong ng actress-politician sa Parañaque kung saan namimigay siya ng ayuda lalo na sa mga nawalan ng trabaho.

“Nag-iingat naman ako, e. Mas magkakasakit ako kung sa loob lang ako ng bahay at walang ginagawa, lalo na’t ang dami pa sa lugar namin na kailangang tulungan,” pakli ni Alma nang nakapanayam namin sa DZRH noong Enero 25, Lunes.

Inamin ni Alma sa aming tatakbo siya uli bilang konsehal sa 2022 elections.

Pero sa ngayon ay naisisingit daw niya ang pagpu-promote ng pelikulang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na mapapanood na sa VIVAMAX sa Enero 29, Biyernes.

Ang isa pang ikinatutuwa ni Alma ay okay raw ang komunikasyon niya sa kanyang mga anak kahit hindi sila nagkakasama ngayong pandemya.

“May kanya-kanya na rin kasi silang buhay.

Continue reading below ↓

"Si Vandolph, abala rin sa Parañaque, at pati ang asawa niyang si Jenny na barangay captain din sa Parañaque.

“Si Winwyn, doon naman siya sa daddy niya nakatira pero okay ang komunikasyon namin,” pahayag ni Alma.

Si Vandolph ay anak ni Alma sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

Si Winwyn ay pangalawa sa tatlong anak ng aktres sa dati nitong asawa na si Joey Marquez.

Gusto namang linawin ni Alma na okay ang kalagayan ni Mark Anthony Fernandez, anak niya sa yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Nasasaktan daw siya sa mga kumakalat na di magagandang kuwento tungkol sa kanyang panganay na anak.

Nakakarating daw sa kanya lahat ang mga ganoong tsismis, na kesyo bumalik uli ito sa dating bisyo at hindi raw okay ang kalagayan nito.

Saad ni Alma, “Okay si Mark. Kung ano man yung intrigang lumalabas, sana tama na.

"Ang dami na kasing lumalabas na iba-iba, e. Pero hindi na ako nagsasalita.

Continue reading below ↓

“Sobra po akong nasasaktan. Naiiyak actually po ako minsan. Nalulungkot, kasi ayaw nilang tumigil pagdating dun sa anak ko. Lagi nilang sinasabi, nakakaawa si Mark.

“Tama na. Okay siya, e, okay ako. Maingat siya… katulad sa pandemic na iyan, sobrang ano, e.

“Sabi ko nga sa anak ko, 'Kapag may naririnig ka, huwag nang intindihin,' sabi ko sa anak ko.”

NOEL FERRER

Nakakatuwang marinig na active ulit si LoveliNESS sa showbiz after her failed bid para maging senador.

Buti na lang, open siyang gumawa ng mga edgy projects tulad ng Pornstar, at sabi niya’y ipinagmamalaki niya ang mga pelikulang kanyang ginagawa.

Hindi lang daw niya nakikitang nire-remake ito ng anak niyang si Winwyn.

JERRY OLEA

Sa Mayo ay 29 anyos na si Winwyn.

Keri pa niyang i-remake ang blockbusters ni Alma gaya ng The Rape of Virginia P., Diary of Cristina Gaston, Bomba Star, at Nympha.

Kaso, ayaw niyang maging mapangahas. Nag-back out siya sa drama series na Pamilya Roces dahil sa sexy scenes doon, kaya pinalitan siya ni Sophie Albert.

Continue reading below ↓

Kabilang si Winwyn sa mga suporta kina Lovi Poe at Benjamin Alves sa forthcoming series ng GMA 7 na Owe My Love.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Moreno: “Sobra po akong nasasaktan. Naiiyak actually po ako minsan. Nalulungkot, kasi ayaw nilang tumigil pagdating dun sa anak ko. Lagi nilang sinasabi, nakakaawa si Mark."
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results