Paolo Contis, nagpagawa ng playground para sa anak nila ni LJ Reyes

by PEP Troika
Jan 29, 2021
paolo contis mini park
Paolo Contis on making a playground for daughter Summer: "Matagal ko na talagang plan yun before pandemic na gawan siya ng playground. Inabutan lang, pero na-feel ko na mas need niya now, kasi nga, di siya makalabas na… bored na bored na siya! Ha ha ha! So, yun ang naisip namin gawin for her."
PHOTO/S: Screen grab from Paolo Contis YouTube channel

GORGY RULA

Finally, natapos na ni Paolo Contis ang ipinagawa niyang mini park para sa anak nila ni LJ Reyes na si Summer.

Sabi ni Paolo sa kanyang YouTube channel, since hindi pa pwedeng lumabas ang kanyang anak, dalhin na lang ang labas sa loob.

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Paolo ang paglalaro ni Summer na nadadapa at nasusugatan. Kaya naisip nila ni LJ na ayusin ang labas ng bahay nila sa Quezon City at ginawa itong mini park para makapaglaro roon ang bagets.

Dalawang araw nilang hindi pinalabas si Summer para hindi nito makita ang ginagawang mini-park na playground na rin.

“Matagal ko na talagang plan yun before pandemic na gawan siya ng playground.

“Inabutan lang, pero na-feel ko na mas need niya now, kasi nga, di siya makalabas na… bored na bored na siya! Ha ha ha! So, yun ang naisip namin gawin for her,” text niya sa PEP Troika.

Continue reading below ↓

Mabuti at may mga naipon silang mga laruan ni Summer, at nagdagdag na lang sila ng konti para makumpleto na ito.

“Hindi naman kami sobrang nagastos, kasi hindi naman sabay-sabay binili. Yung iba naman, dati na niyang laruan.

“Nung complete na yung laruan, saka ko lang pinagawa yung grass,” dagdag niyang text sa amin.

Kailangan daw malagyan ng grass sa playground para hindi na masugatan si Summer pag nadadapa.

Ito ang maganda sa panahon ng pandemya, dahil may sapat silang oras na natututukan nila ang kanilang anak.

paolo contis with daughter in their backyard playground

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Aba! Bago maglaro, ni-remind ni Summer na kailangan niya ng shoes. Ayaw niya nang barefoot!

Halatang enjoy ang bagets. Tiyak na mas mag-e-enjoy si Summer kung may playmates.

Kaya lang, malaki na ang Kuya Aki ni Summer. Hindi na nito bet ang ganoong playground.

NOEL FERRER

Buti at may ganyang effort ang mga magulang na gumawa ng pagkakaabalahan ng mga bata lalo pa’t on a bigger scale, marami sa kanila ay napirmi sa bahay nila nang halos mag-iisang taon na sa Marso.

Ang hirap nun, di ba? Kaya dobleng effort talaga sa mga parents at mga pamilya iyan!

Paano naman, ranked 79 tayo sa 98 countries sa effectivity ng COVID responses.

In the end, tayo na lang talaga ang gagawa ng effort para mapabuti ang buhay natin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis on making a playground for daughter Summer: "Matagal ko na talagang plan yun before pandemic na gawan siya ng playground. Inabutan lang, pero na-feel ko na mas need niya now, kasi nga, di siya makalabas na… bored na bored na siya! Ha ha ha! So, yun ang naisip namin gawin for her."
PHOTO/S: Screen grab from Paolo Contis YouTube channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results