Maui Taylor desididong ipatanggal ang silicone sa dibdib

by PEP Troika
Jan 31, 2021
Desidido si Maui Taylor na ipatanggal ang silicone sa dibdib niya dahil nabibigatan raw siya. Aniya pa, "Uso na ngayon ang flat-chested..."
PHOTO/S: @therealmauitaylor on Instagram

GORGY RULA

Pagkatapos gawin ni Maui Taylor ang digital movie na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, magpapa-schedule na sana siyang magpatanggal ng silicone sa dibdib dahil nahihirapan na raw siya sa laki nito.

Pero tumuluy-tuloy ang trabaho niya dahil naka-schedule na raw siyang ma-lock in sa ilang araw na shooting sa isa pang pelikula under Viva.

Ang laki ng pasasalamat niya sa Viva dahil pagkatapos ng Pakboys: Takusa, nasundan ito agad ng Pornstar, at meron na raw siyang kasunod na pelikula.

Yun nga lang, hindi tuloy siya makakuha ng schedule para ipatanggal ang silicone sa dibdib.

Nahihirapan na raw kasi siya ngayon sa bigat nito.

"Mabigat siya, e. Saka nagmumukha akong malaki. Maliit lang naman ako, e, 'tapos malaki siya. Mabigat po sa likod, e,” pakli ng 37-year-old actress nang nakapanayam siya ng writer na ito sa DZRH noong nakaraang linggo.

“Gusto ko na po talaga... Sunud-sunod po kasi talaga iyong projects.

Continue reading below ↓

“Naka-schedule na ako, nauusog lang nang nauusog,” sabi pa niya.

Ang mabuti ngayon sa bagong henerasyon ng sexy stars, hindi na kailangan ang malalaking boobs. Kaya ang advice niya sa mga nagbabalak, mas mabuting huwag na raw magpa-enhance ng boobs o magparetoke pa sa katawan.

"Ngayon kasi, puwede kang maging sexy kahit flat-chested ka, e. Puwede kang maging sexy kahit wala kang puwet o balakang. Napu-project ng artista iyon .

"Kaya kung ako ang tatanungin nila, huwag na. Kasi uso na ngayon ang flat-chested, e.

"Nung panahon kasi namin, uso talaga iyong malaki ang hinaharap. Pero ngayon parang hindi na, e,” sabi pa ng dating VIVA hot babe.

NOEL FERRER

Hindi naman sa usu-uso nakukuha iyon, Maui. Nasa self-love at body positivity lahat ito.

Ang sexy ay nagsisimula sa paningin natin sa sarili. Yung standard noon ay nabuwag na. Anyone can be sexy. Intelligent and empowered people are sexy!!!

Kailangang hanapan ng oras ni Maui ang pagpapatanggal ng silicone sa kanyang hinahaharap, bago magdulot ito ng higit pang kumplikasyon.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Sa edad ni Maui na 37, hindi na niya kailangan ang nagmumurang boobs na kung minsan ay parang matigas na bao.

Goodbye, silicone, the sooner the better!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Desidido si Maui Taylor na ipatanggal ang silicone sa dibdib niya dahil nabibigatan raw siya. Aniya pa, "Uso na ngayon ang flat-chested..."
PHOTO/S: @therealmauitaylor on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results