Ruru Madrid nag-trending sa Twitter, nagpakilig sa Instagram dahil sa 2 girls

by PEP Troika
Jan 31, 2021
Sa Twitter, nagtrending sina Ruru Madrid at Shaira Diaz dahil sa The Lost Recipe guesting. Sa Instagram naman, kinilig ang fans sa "My-hal" comment ni Ruru for Bianca Umali.
PHOTO/S: @shairadiaz_ @bianxa on Instagram

JERRY OLEA

Magkatambal sana sina Ruru Madrid at Sanya Lopez sa action-adventure series na Lolong ng GMA-7, kaso, napili si Sanya na magbida sa First Yaya bilang kapalit ni Marian Rivera.

Kasali rin si Sanya sa Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla, kaya iniwan ni Sanya ang Lolong, at sinalo ni Shaira Diaz ang kanyang role.

Nabalitaan natin noong Disyembre 2020 na nag-virtual training ang ShaiRu (Shaira & Ruru) para sa mga maaksiyong eksena, at kapagkuwan ay sumabak sila sa face-to-face training.

Nitong Enero 12, 2021 ay in-upload ni Shaira sa kanyang YouTube channel ang training niya for yaw-yan, isang uri ng Pinoy martial art na tinatawag ding Sayaw ng Kamatayan.

Ang pahayag ni Shaira, "By the way, before kami magkaroon ng ganito, nagpa-swab din kami para sigurado na safe ang bawat isa sa amin, para walang virus, kaya okay naman.

"Safe naman basta siyempre wag pa rin tayo magiging kampante sa paligid."

Continue reading below ↓

Last week, nag-announce si Ruru sa kanyang Facebook page, “May crossover na magaganap sa The Lost Recipe! Mahuhulaan niyo ba? Abangan!”

Nag-guest sina Ruru at Shaira sa fantasy-romance series na The Lost Recipe, na palabas mula Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 p.m. sa GMA News TV.

Gumanap sila bilang Jordan at Julienne, isang couple na naghahanap ng caterer para sa kanilang nalalapit na kasal. Siyempre, tuwang-tuwa at kilig na kilig ang fans nina Ruru at Shaira sa mga tamis-tamisang eksena nila.

Post pa ni Ruru sa Facebook, “#ShaiRuOnTLR made it to the top trending topics on Twitter last night. Hindi niyo kami binigo sa kilig crossover namin ni Shaira sa The Lost Recipe. Maraming salamat, Shaira Diaz Forever at syempre sa Rurunatics!”

Kaso, nito ring Enero 29, Biyernes, nag-comment si Ruru ng “My-hal” (karugtong ang crying while laughing emoji,at red heart emoji) sa Instagram post ng rumored girlfriend niyang si Bianca Umali. Siyempre, galak na galak at super-kilig ang fans nina Ruru at Bianca!

Continue reading below ↓

Inaasam nila na pagkatapos gawin ni Bianca ang cultural drama series na Legal Wives ay magtatambal na sila ni Ruru sa isang drama series.

NOEL FERRER

Siyempre, iba pa rin ang tambalang Ruru-Bianca if ever!

While we wish Ruru well, alam kong tuluy-tuloy na ang shooting ni Bianca ng kanyang HBO project na Halfworlds with my talent Iza Calzado under Direk Mik Red.

Mid-February hanggang March tatapusin ito at talagang big scenes ang natitirang kukunan nila. Dito mo makikita ulit ang mentoring na ginagawa ni Iza sa set. Consistent iyan.

Kung naging close sila ni Charlie Dizon sa kanilang Cinemalaya 2019 film na Pandanggo sa Hukay, sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin ay todo suporta siya sa mga batang artistang sina Grae Fernandez at Kira Balinger, na pati acting teacher niya’y shine-share niya sa mga bagets.

Dito sa Halfworlds for HBO, naging close sila ni Bianca at sabi niya’y isang magaling na aktres talaga na sana’y mabigyan pa ng maraming mapanghamong roles.

Continue reading below ↓

Go, Ruru-Bianca!!!

Carve your names as the best actors of your batch! You have our support!!!

GORGY RULA

Hindi pa naman nagkakaaminan sa publiko, pero siyempre, gets na natin iyan. Kampante naman sila sa kani-kanyang love life. Minsan nga, mga fans pa ang mas protective.

Pinapaalahanan pa nila si Shaira na may Edgar Allan Guzman ito na dapat din niyang isipin.

Pero ina-assure ng aktres na nagkakaintindihan sila ni EA pagdating sa kanilang trabaho kaya walang selosan sa kanila.

Pero totoo bang may balak din ang GMA-7 na pagsamahin sina Ruru at Bianca sa isang project?

Isa raw ito sa naka-line up na gagawin nila bago matapos ang 2021. Abangan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Twitter, nagtrending sina Ruru Madrid at Shaira Diaz dahil sa The Lost Recipe guesting. Sa Instagram naman, kinilig ang fans sa "My-hal" comment ni Ruru for Bianca Umali.
PHOTO/S: @shairadiaz_ @bianxa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results