Ryan Bang, nakitaan ng "burnik" ng kanyang Mommy Vice at Daddy Ion?

by PEP Troika
Feb 3, 2021
Ryan Bang, binisita ang bagong-tayong mansyon ng kanyang It's Showtime co-host at "Mommy" na si Vice Ganda. Panay naman ang biro kay Ryan ng kanyang "Daddy" na si Ion Perez.
PHOTO/S: Vice Ganda YouTube

JERRY OLEA

Lumampas sa 1M views within 20 hours ang YouTube vlog ni Vice Ganda kung saan nag-night swimming sila nina Ion Perez at Ryan Bang.

"Ang Alamat ng Korean Puwet" ang title ng vlog, na tumagal ng 16 minutes at 7 seconds, na in-upload nitong Pebrero 2, Martes ng 9:00 p.m.

Kuha iyon sa bagong-tayong mansyon ni Vice.

"Mommy" at "Daddy" ang tawag ni Ryan sa magkasintahang Vice at Ion.

Dalawang beses nagbuyangyang ng wetpaks si Ryan.

Noong una ay ibinaba lang niya ang kanyang short nang sabihan siya ni Vice na ipakita ang kanyang “wetchai.”

Sa pangalawang pagkakataon, lumangoy si Ryan nang walang saplot bilang parusa sa pagkatalo sa kanilang laro.

"Grabe naman iyan, baby boy. Ang kapal ng burnik mo!" natatawang biro ni Ion kay Ryan.

Ang burnik ay buhok sa area ng anus.

GORGY RULA

Labanan ng vlogs na talaga ngayon. Ang ibang celebrities, ang dami nang ginawa, hindi pa rin nararanasan ang 1M views.

Continue reading below ↓

Si Ivana Alawi, naglaba lang, dinagsa ng milyun-milyong views.

Si Vice Ganda, nag-night swimming lang, wala pang isang araw ay 1M views na agad.

Kung sa vlog iyan ni Ryan Bang, at maglakad siyang hubad sa mundong ibabaw, tingin ko, di naman niya maa-achieve ang ganun kadaming views.

Pero ang nakakatuwa rito, ang saya-saya nila sa bonding na yun sa swimming pool.

Buti na lang, si Ryan Bang yun at di namamalisyahan, di ba?

Si Mama Vice kasi ang ang pamilya ni Ryan dito sa Pilipinas.

Kaya nga kahit di na itinuloy ni Ryan ang pag-uwi niya ng Korea at ibinigay ang pamasahe niya sa isang Koreanong di makakauwi dahil walang pamasahe, feel naman niyang may pamilya siya rito sa katauhan ni Vice Ganda.

Noon lamang December 2020 nakalipat ng bahay si Vice. Una niyang pinasilip ang kanyang house tour noong October 2020.

vice ganda and ryan bang

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Iba rin ang galawang online. Hindi porke sikat ka, e, dagsa na ang views at likes.

Kailangang alam mo ang magki-click sa audience mo.

Kudos sa online team ni Vice dahil masigasig ang mga ito sa paggawa ng interesanteng content.

In the end, kapag hawak mo na ang audience mo, alam mo na rin kung paano iangat ang kabuhayan nila.

May content na nakaka-shock, nakakaaliw, pero nananatili rin ang hamon na sana may matutunan at puwedeng panggalingan ng inspirasyon!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Bang, binisita ang bagong-tayong mansyon ng kanyang It's Showtime co-host at "Mommy" na si Vice Ganda. Panay naman ang biro kay Ryan ng kanyang "Daddy" na si Ion Perez.
PHOTO/S: Vice Ganda YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results