Claire dela Fuente, nakatutok sa anak na si Gigo de Guzman sa gitna ng Christine Dacera case

by PEP Troika
Feb 6, 2021
Claire dela Fuente, mother of Gigo de Guzman, on ongoing Christine Dacera case: “Sinasabi ko na hindi ganun ang naaapi. Kami ang naaapi dito. Kasi, kami yung walang kakampi. Kami yung walang boses. Kasi, wala kaming mga padrino na pareho nila,"
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7

GORGY RULA

Nakausap ko sa telepono si Claire dela Fuente noong Pebrero 5, Biyernes ng gabi, para pakiusapang ituloy ang naputol naming interview sa kanya sa aming programa sa DZRH.

Sandali namin siyang nakapanayam sa radio noong Pebrero 4, Huwebes ng gabi, pero naputol ito at hindi na namin siya na-contact uli.

Nang pinakiusapan namin uli si Claire na ituloy ang interview, tumanggi na siya dahil pinagbawalan na raw siya ng kanilang lawyer. Susundin na lang daw muna niya ang bilin ng abogado.

Pero bilang ina ay sobrang nasasaktan daw siya sa pinagdadaanan ng anak niyang si Gigo de Guzman, pati ang mga kaibigan nitong isinasangkot sa kamatayan ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Claire na naaawa na siya sa mga nasasangkot dahil ilang beses na ring lumabas ang resulta na walang krimeng nangyari.

“Paulit-ulit na lang sinasabi nila na foul play daw, na mishandling… na parang lumalabas pa na parang fake yung mga results.

Continue reading below ↓

“Ang sinasabi ko lang, paano mangyari iyan, e, ebidensiya ng mga pulis yun?

“Di ba, kakampi nila ang mga pulis at naririnig natin na mga pulitiko, yung mga chief ng pulis na ano daw... na crime solved. Meron pang sinasabi na may bounty sa ulo nila.

“Sinasabi ko na hindi ganun ang naaapi. Kami ang naaapi dito.

"Kasi, kami yung walang kakampi. Kami yung walang boses.

"Kasi, wala kaming mga padrino na pareho nila," himutok ni Claire nang nakausap namin sa DZRH noong Huwebes ng gabi.

Kaya nandiyan lang daw siya nakatutok sa kanyang anak na si Gigo de Guzman. Hindi niya ito pinababayaan at baka kung ano pa raw ang gawin sa sarili.

“Kung ano po yung nararamdaman niya, iniinda ko rin yun,” pakli ni Claire.

“Unang-una, nakatira iyan dito sa bahay ko, at yun ay binata, 34 years old.

“Siyempre iniintindi ko lagi na baka kung ano na ang ginagawa. Nakakatakot na baka mag-isip ng di maganda. Siyempre, yun ang lagi kong nasa isip.

Continue reading below ↓

“Ang kuwarto niya actually, katabi lang ng kuwarto ko. So, pinupuntahan ko siya doon, tinitingnan ko siya.”

Pero ang inaalala raw ni Gigo ay ang iba nitong mga kaibigan na hindi suportado ng pamilya.

Napaiyak si Claire nang kinuwento niya ang kalagayan ni Valentine Rosales na itinakwil ng ama nito.

“Sabi niya sa akin, ‘Ma, nandito ako, masaya ako kasama ko kayo, pero ang mga kasama ko, mga kaibigan ko, nandoon. Paano yun, Ma, kung wala silang kasama dun, magpakamatay sila?’ sabi niyang ganun.

“I feel sorry for them na I am here, na sila nandoon, 'tapos kasama ko sila,” saad ni Claire.

Kaya lagi raw pinapayuhan ni Claire ang kanyang anak at ang mga kaibigan nitong nasangkot sa kaso na huwag bumitaw sa pagdarasal.

“Ang sabi ko sa kanya, 'Hindi ito biro na parang sinabi sa inyo ni Lord na, kumbaga, Umasa kayo sa Akin dahil Ako lang ang pag-asa ninyo.’

Continue reading below ↓

“Lagi kong sinasabi sa kanila na, 'Ano pa bang mas mabigat na pwedeng mangyari sa inyo na bukod dito?'

“'Gawin niyo,' ‘kako, e, 'magdasal kayo lagi, na ilayo kayo ng Diyos sa ganitong klaseng pagbibintang, sa ganitong klaseng masasakit na pangyayari,' sabi ko sa kanya.

“Ang lagi kong sinasabi kay Gigo na magdasal… sa kanilang lahat, lagi kong sinasabi na magdasal,” dagdag na pahayag ni Claire.

JERRY OLEA

Katapusan ng Enero, naghimutok si Claire sa Facebook:

“Naubos ang pera ng mga bata dahil sa pagbibintang. Kinailangang kumuha ng lawyer para ipagtanggol sila sa pinaka-sensational case na hanggang ngayon, mag-iisang buwan na pinagkakaguluhan pa din.

“Mga batang galing sa mahirap na pamilya, mga BREAD WINNERS.

“Nag-offer pa ng bounty ang mga politiko. Nanakot pa ang chief ng PNP na pag di sila sumuko within 72 hours ay kukunin sila BY FORCE.

“Sinusundan sila ng mga tao na di nila kilala. Kinukunan ng video. Napilitang umalis sa kanilang mga tahanan dahil sa takot na baka may kikidnap sa kanila dahil sa BOUNTY ng mga Politiko.

Continue reading below ↓

Namalimos ng tulong sa mga netizens. Nangayayat. Di makatulog. Di makakain. Ayaw lumabas ng bahay. Nilibak ng mga tao.

“Tinawag na MAMAMATAY TAO, RAPIST, DRUG ADDICT. “At ang pinakamabigat NAWALAN NG TRABAHO, NASUSPINDE, TINAKWIL NG AMA, PINALAYAS SA BAHAY NILA, TINANGGALAN NG SASAKYAN, KINAHIYA NG MAGULANG.

“Ano pa po ba ang di nangyari sa kanila? Paano kaya sila mag-uumpisang muli??

“3 x na po na nilabas ng pulis ang kanilang ebidensya: 1. Jan 2 2021 - death certificate CAUSE OF DEATH: RUPTURED AORTIC ANEURYSM 2. Jan 5 2021 - autopsy report CAUSE OF DEATH: RUPTURED AORTIC ANEURYSM 3. Jan 11 2021 - histopathological report CAUSE OF DEATH: RUPTURED AORTIC ANEURYSM

“Di ba kakampi nila ang mga Makati Police?? Di ba kanila lahat ng evidences na yan?? Di ba ang PNP CRIME LAB ang nagsagawa ng report na yan? Bakit sila nagdududa sa gawa ng kakampi nila?

“TINAWAGAN PA NILA SI VP BINAY nung unang gabi na yun PARA MASIGURO LANG NA SUSUNOD SA KANILA ang mga Pulis ng Makati.

Continue reading below ↓

“Nang mag-INQUEST ng Jan. 4, katakutakot na mga Militar at Generals ang nandun para suportahan sila?

“Di ba sila ang nagkwento sa interview kay Boy Abunda na UNANG GABI PA LANG, SINABIHAN SILA NI CORPORAL LOPEZ NG MAKATI PULIS NA ‘NO FOUL PLAY,’ pero pinilit pa rin nila na meron.

“Ginamit nila ang power nila para mapahirapan ang mga bata. Lahat ng politician at militar na kaibigan nila tinawag nila.

“Ilang milyon ba ang nagamit na government funds para lang sa insidenteng ito??

“Kami ang hawak lang namin at kakampi ay ang KATOTOHANAN!!!

“WALANG KRIMEN NA NANGYARI!!”

Pebrero 3, sa Facebook page ng Fund The Truth, nakasaad na, “Peace can only last where human rights are respected, where the people are fed, and where individuals and nations are free.”

Claire shared that post with the message, “Don’ worry God will redeem all of you. You will come out stronger and wiser. THE TRUTH IS ON OUR SIDE!!”

Continue reading below ↓

Enero 1, umpisa ng bagong taon (2021) pumutok ang Christine Dacera case. Hopefully, pagsapit ng Chinese New Year (Pebrero 12, Year of the Metal Ox) ay lubos nang malinaw ang usaping ito.

NOEL FERRER

Dalawang mukha ng nanay na may anak na biktima. Maaantig din talaga ang puso mo sa kinasapitan nila.

Pero umasa tayong magiging patas ang batas, may konek man sa may kapangyarihan o wala.

Sana talaga, hindi ito umabot sa ganitong kalunus-lunos na trial by publicity. Ang depinadong resolution ng korte ang tutuldok dito. Sana, sana.

Sana, ang pagkakasundo ng mga pamilya ng mga namatayan at mga kaibigan ay magandang kahinatnan.

Kung hindi, katulad nga ng titulo ng kanta ni Claire mismo... “Sayang!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claire dela Fuente, mother of Gigo de Guzman, on ongoing Christine Dacera case: “Sinasabi ko na hindi ganun ang naaapi. Kami ang naaapi dito. Kasi, kami yung walang kakampi. Kami yung walang boses. Kasi, wala kaming mga padrino na pareho nila,"
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results