Shaira-David ng GMA, Charlie-Jameson ng ABS-CBN, Ella-McCoy ng TV5, magtatapatan sa Sabado

by PEP Troika
Feb 10, 2021
David Licauco at Shaira Diaz, isasabuhay sa MPK ang love story ng Kapuso actor na si Richard Yap at asawa nitong si Melody. Jameson Blake at Charlie Dizon, love and adulting ang tema ng pagbibidahang MMK. Ella Cruz at McCoy, kuwento ng couple vlogger ang handog sa Wanted: Ang Serye.
PHOTO/S: Noel Orsal / MMK / Wanted: Ang Serye

JERRY OLEA

Tatlong mukha ng pag-ibig ang Valentine presentations ng mga drama anthology sa Pebrero 13, Sabado, bisperas ng Araw ng mga Puso.

Shaira-David IN MAGPAKAILANMAN

With Mel Tiangco as host, "The Richard Yap Love Story" ang handog ng Magpakailanman sa Sabado ng 8:00 p.m. sa GMA-7.

Istorya ito ng pag-iibigan ng magkaibang lahi at paniniwala. Pagpili sa pagitan ng pamilya at minamahal.

Ipinagbabawal sa tradisyon ng mga Chinese ang mag-asawa ng hindi nila kalahi, lalo na sa anak na lalaki.

Maraming pinagdaanang hirap si Richard Yap at ang asawang si Melody masunod lamang ang ipinipintig ng kanilang puso.

Ang gumanap bilang Richard at Melody ay sina David Licauco at Shaira Diaz.

Ang direktor ay si Don Michael Perez.

David Licauco, Shaira Diaz as Richard Yap and wife Melody in Magpakailanman

Continue reading below ↓

ELLA-MCCOY IN WANTED: ANG SERYE

With Raffy Tulfo as host, “Walang Forever, sa Couple Vlogger” ang hatid ng Wanted: Ang Serye sa Sabado ng 9:00 p.m. sa TV5.

Hanggang saan ang kaya mong sikmurain para makakuha ng maraming likes and views sa social media?

Panoorin ang kuwento sa likod ng reklamo ni Caffey Namindang, o mas kilala bilang Makaganda laban sa kanyang vlogger boyfriend.

Mahahalagang aral tungkol sa responsable at maingat na paggamit ng social media ang mapapanood sa episode na pinangunahan nina Ella Cruz at McCoy de Leon, sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.

Ella Cruz, McCoy de Lean in Wanted: Ang Serye

Continue reading below ↓

CHARLIE-JAMESON IN MAALAALA MO KAYA

With Charo Santos as host, “Love and Adulting” ang tatalakayin ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa Sabado ng 9:00 p.m.

Sa istorya, sabay na binuo nina Gerard at Jobel ang kanilang mga pangarap. But when adulting hits hard, ma-achieve pa kaya nila ang dream to be together forever?

Bida sa episode na ito ang tambalan ni Jameson Blake at ng Metro Manila Film Fest 2020 best actress na si Charlie Dizon. Ang direktor ay si Nuel C. Naval.

Charlie Dizon, Jameson Blake in MMK

Continue reading below ↓

Matutunghayan ang MMK sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC, at A2Z Channel 11.

Siyanga pala, Episode 12 (penultimate episode) na ng mini-series ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ang mapapanood sa darating na Sabado ng 8:00 p.m. sa Net 25.

Bida sa mini-series na ito sina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio, sa direksyon ni Eduardo Roy Jr.

NOEL FERRER

Richard Yap love story for Chinese New Year and Valentine’s Day.

Two birds hit in one stone—Magpakailanman sa GMA-7.

Sa ABS-CBN naman, kita natin na planong i-build up ang tandem nina Charlie Dizon (MMFF 2020 Best Actress for Fan Girl) at Jameson Blake (Cinema One Originals 2016 Best Supporting Actor for 2 Cool 2 Be 4Gotten) na pagkatapos nitong patikim sa MMK ay may teleserye nang Viral, at may iWant TFC project ding The Sunset Girl.

Sa TV5, Wanted: Ang Serye is banking on the popularity of Raffy Tulfo’s public service program.

Continue reading below ↓

Siyempre, they are at the mercy of non-exclusive talents para gumanap sa kanilang docu-drama.

Of course, alam natin na ang labanan ngayon ay hindi na lang sa free TV kundi online, pati worldwide.

Exciting ito sa mga content creators, pero sobrang multitasking at mas maraming effort, di ba?

Ganyan ang entertainment sa panahon ng pandemya!!!

GORGY RULA

So far, magaganda ang ratings ng guest appearances ni Richard Yap sa GMA-7.

Interesting ang kuwento ng mag-asawang mabait pa at marunong makisama.

Tingnan natin kung interesado ang mga televiewers kay Charlie Dizon pagkatapos ng 46th MMFF.

Wala pa siyang napatunayang rater siya.

Samantala, ang latest na nababalitaan ko sa Wanted: Ang Serye ni Idol Raffy, medyo hirap sila sa pagkuha ng mga artistang gaganap at medyo tipid pa ang budget nila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco at Shaira Diaz, isasabuhay sa MPK ang love story ng Kapuso actor na si Richard Yap at asawa nitong si Melody. Jameson Blake at Charlie Dizon, love and adulting ang tema ng pagbibidahang MMK. Ella Cruz at McCoy, kuwento ng couple vlogger ang handog sa Wanted: Ang Serye.
PHOTO/S: Noel Orsal / MMK / Wanted: Ang Serye
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results