Tambalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, tuluyan na bang bubuwagin?

by PEP Troika
Feb 11, 2021
Pagkatapos nilang magtambal sa Sahaya, bida sa magkaibang proyekto ang magka-love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Si Bianca ay gaganap bilang isa sa mga asawa ni Dennis Trillo sa Legal Wives, habang si Miguel ay gaganap bilang Steve Armstrong sa Voltes V: Legacy.
PHOTO/S: Kyle Shih for PEP.ph

JERRY OLEA

Meron pa bang BiGuel?

Magtatambal ba muli sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix matapos ang primetime drama series na Sahaya (Marso-Setyembre 2019)?

Tampok sina Bianca at Miguel sa dalawang high-profile series ng GMA-7.

Gaganap si Bianca sa cultural drama series na Legal Wives bilang Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ishmael (Dennis Trillo).

Bida si Miguel sa Voltes V: Legacy bilang ace pilot na si Steve Armstrong.

Ka-volt in ni Miguel sina Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Radson Flores (Mark Gordon), Matt Lozano (Robert “Big Bert” Armstrong), at Raphael Landicho (“Little Jon” Armstrong).

Goodbye, BiGuel... hello, MiBel (Miguel + Ysabel) na ba ito?!

Samantala, bida sina Ruru Madrid at Shaira Diaz sa Lolong. Nabalitaan natin noong masigasig sila sa pagsasanay sa fight scenes.

May mga kinikilig sa tambalan nilang ShaiRu kahit may kani-kanya silang mahal sa totoong buhay.

May video na tumatakbo sa ulan sina Ruru at Bianca.

Continue reading below ↓

Nag-post si Ruru ng pucture nila ni Bianca noong Enero 23 sa Instagram with the caption, “Miss you Each day Everyday All the time."

Nag-comment doon ang boyfriend ni Shaira na si Edgar Allan “EA” Guzman, “I miss you too Kyahh @rurumadrid8”

Katambal naman ni Shaira si David Licauco sa “The Richard Yap Love Story” episode ng Magpakailanman sa Pebrero 13, Sabado ng 8:00 p.m., sa Kapuso Network.

Nagtambal sina David at Shaira sa pelikulang Because I Love You (2019), na idinirek ni Joel Lamangan.

GORGY RULA

Nang lumabas ang announcement na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ay bahagi sa Voltes V Legacy, may lumutang na tsismis na nagkakamabutihan na raw ang dalawa.

Pero itinatanggi ito ng ilang taong malapit kina Miguel at Ysabel. Close friends lang daw talaga sila.

May narinig pa kasi kaming tsismis na ang girlfriend daw talaga ni Miguel ay si Kyline Alcantara. Pero wala silang sinasabi tungkol diyan.

Continue reading below ↓

Ang isa pang narinig ko, break na raw sina Miguel at Kyline kamakailan lang.

Minsan ay natanong ko si Kyline tungkol sa kanyang love life. Sinabi nitong mas gusto niyang tahimik lang at hindi na kailangang isapubliko ang ganoong personal na bagay.

Kaya ewan ko lang kung sasagutin ba nina Miguel at Kyline ang isyung ito. Kung magkakaroon ba ng aminan.

Mag-focus na lang tayo sa bagong tambalang MiBel (Miguel at Ysabel) dito sa Voltes V!

NOEL FERRER

Malamang na ipi-freezer na muna ang BiGuel. Kasi, they’re both doing separate projects now.

Let Miguel concentrate on his Voltes V: Legacy and let Bianca work on her HBO Asia’s Halfworlds (Season 3).

In any case, level up ito kay Bianca. Sana, Miguel can keep up.

In terms of relationships ng dalawa, ang tanging masasabi ko lang... “Water will always find its level.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos nilang magtambal sa Sahaya, bida sa magkaibang proyekto ang magka-love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Si Bianca ay gaganap bilang isa sa mga asawa ni Dennis Trillo sa Legal Wives, habang si Miguel ay gaganap bilang Steve Armstrong sa Voltes V: Legacy.
PHOTO/S: Kyle Shih for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results