Pelikula nina Alden Richards at Bea Alonzo, magsisimula na ang shooting?

by PEP Troika
Feb 15, 2021
Pagtatambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo ang Filipino remake ng Korean film na A Moment To Remember, na pinagbidahan nina Jung Woo Sung at Son Ye Jin (Crash Landing on You).
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram / Nice Print Photo via @beaalonzo Instagram

GORGY RULA

Wala pang ibinibigay na detalye ang kampo ni Alden Richards, pero ang nasagap naming tsika ay magsisimula na raw ang pelikulang pagsasamahan nila ni Bea Alonzo.

Nitong Pebrero 15, Lunes ng tanghali, wala na si Alden sa Eat Bulaga, ang blocktimer noontime show sa GMA-7.

Kung tuluy-tuloy na ito, malamang na naka-lock in na siya sa shooting ng naturang movie project.

Nang kinulit ko ang ilang taga-GMA-7, wala silang sagot sa akin. Itsika ko na lang daw ang pagsisimula ng I Can See You sa Netflix today.

Sisimulan ito ng episode ni Alden na Love on the Balcony kasama sina Jasmine Curtis, Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez.

Susunod sa Marso 1 ang The Promise nina Paolo Contis, Andrea Torres, Yasmien Kurdi, Benjamin Alves, at Maey Bautista.

Sa Marso 15 ang High-Rise Lovers nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, Teresa Loyzaga, at Kenneth “Tetay” Ocampo.

At sa Marso 29 ang Truly. Madly. Deadly nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Rhian Ramos, Ruby Rodriguez, at Jhoana Marie Tan ang ilulunsad sa Netflix.

Continue reading below ↓

Ang latest, aarangkada na rin daw ang bagong installments ng I Can See You na maaaring mapapanood sa darating na summer.

Ilan sa magbibida sa mga bagong episodes ay sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, at meron din daw sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara. Posibleng pasok din ito sa Netflix.

JERRY OLEA

Siyempre, aabangan natin ang pelikula nina Bea at Alden.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 11, kinumpirma ni Bea na pagbibidahan nila ni Alden ang Filipino adaptation ng Korean film na A Moment To Remember.

Ang pakikipagtambal ni Alden kay Kathryn Bernardo sa Hello, Love, Goodbye ay nagtala ng pinakamalaking kita sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino (hindi adjusted sa inflation).

Tinagurian si Bea na Movie Queen of the New Generation, kaya excited tayo sa bawat pelikula niya.

Teka! Paano na iyong reunion movie ni Bea with John Lloyd Cruz na No Goodbyes?

May bali-balita ring gagawa sina Bea at Lloydie ng sitcom sa TV5, di ba?

Continue reading below ↓

Priority ni Bea ang movie with Alden?

NOEL FERRER

Ang Bea-Alden movie ay nasa ilalim ng produksiyon ng GMA Films, VIVA Films, at APT Entertainment.

Aabangan ito dahil ibang level ng aktingan ang susubukang pantayan ni Alden in Bea Alonzo, and with the guidance of a really good director, sana ay ito na ang definitive film na magpapalabas ng kanilang artistry.

Kaabang-abang ito talaga, lalo na kung iigpawan nito ang nakasanayan nang romcom na kahit pikit-mata ay kayang-kayang itawid nina Bea at Alden.

This movie should be a movie event na siyang magpapabalik ng mga tao sa pagpapanood ng pelikula sa mga sinehan.

Sana.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagtatambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo ang Filipino remake ng Korean film na A Moment To Remember, na pinagbidahan nina Jung Woo Sung at Son Ye Jin (Crash Landing on You).
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram / Nice Print Photo via @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results