"Breakup vows" ng JoshLia sa "Paubaya," ginawan ng kuwelang memes ng netizens

by PEP Troika
Feb 16, 2021
Matapos ang trending "breakup vows" ng former reel-and-real-life sweethearts na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, handa na rin kaya silang magdeklara kung mayroon man silang bagong pag-ibig?
PHOTO/S: Paubaya music video / social media

JERRY OLEA

Oktubre 23, 2020 nag-premiere ang lyric video ng kantang "Paubaya" sa eponymous YouTube channel ni Moira de la Torre.

Naka-36.7M views na ang lyric video ng kanta, na last track ng Patawad album ni Moira.

Nitong Pebrero 14, 2021, Linggo ng hapon, nag-premiere sa YouTube channel ni Moira ang official music video ng "Paubaya."

Sa loob ng 48 oras, naka-11.9M views na ito.

julia barretto, joshua garcia in Paubaya MV

Continue reading below ↓

Tampok sa official music video ng "Paubaya" ang “breakup vows” nina Julia Barretto at Joshua Barretto sa harap ng altar, kung saan nag-sorry, nag-thank you, at nagpatawad sila sa isa’t isa.

MEMES ABOUT JOSHLIA'S "BREAKUP VOWS"

Sandamukal na memes ang inilunsad ng mga dialogue nilang “I’m sorry,” “natakot ako,” at “napagod ako.”

Sa isang meme, makikitang kunwa'y kapalitan ng linya ni Julia ay si Kris Aquino at mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby.

joshlia paubaya meme

Continue reading below ↓

Mayroon ding meme na kausap kunwari ni Joshua ang isang babaeng netizen.

joshlia paubaya meme

CELEBRITY REACTIONS

Ni-retweet ni Moira ang reaksiyon ng ilan pang celebrities kaugnay sa "Paubaya."

Nagustuhan ni Gary Valenciano ang konsepto ng pagpapatawad sa kuwento ng music video.

Ani Gary: “It’s perhaps the most heartfelt, authentic, and sincere music videos I’ve seen in a while. Congrats @moirarachelle4.

Continue reading below ↓

"How I wish people grasp the importance of what forgiveness is all about.”

Nalungkot naman daw si Gretchen Ho na tila fan ng tambalan ng dating reel-and-real-life sweethearts na sina Joshua at Julia, aka JoshLia.

"Ibang klase ka @moirarachelle4. Dinurog mo #JoshLia heart ko," saad ni Gretchen.

Pinuri naman ni DJ Cha-Cha ang talento sa pagkanta ni Moira.

Sabi ni DJ Cha-Cha: "Dear @moirarachelle4, napakahalimaw mo sa kantahan. Lunes na lunes, pinaiyak mo kaming lahat.

"Walang kakabog sayo pagdating sa hugot songs. Wala kang katulad.

"Kahit hindi brokenhearted, mawawasak sa 'Paubaya.'"

JoshLia stars in Paubaya music video

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Isa sa mga nakapukaw ng atensiyon ko ay comment na, "Iba rin ang mag-Closure at ma-Monetize pa!"

Good marketing move for all!

At ngayon, malaya nang mag-declare ng kani-kanyang pag-ibig sina Joshua at Julia.

Yun kaya, maka-11.9M views din in 48 hours?

GORGY RULA

Kapani-paniwala talagang nag-hit ang official music video ng "Paubaya." Dito nakikita ang creativity ng mga tao sa mga lumalabas na memes.

Ang mga lumalabas na tanong: may gagawin bang movie project o teleseryeng pagsasamahan sina Joshua at Julia?

Mauungkat na naman kaya ang kuwento kay Gerald Anderson? Hindi na kagulat-gulat kung meron na uling JoshLia tandem.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang trending "breakup vows" ng former reel-and-real-life sweethearts na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, handa na rin kaya silang magdeklara kung mayroon man silang bagong pag-ibig?
PHOTO/S: Paubaya music video / social media
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results