FDCP Chair Liza Diño, FAP President Vivian Velez nagkakasundo sa pagnanais na i-waive ang amusement tax sa mga sinehan

by PEP Troika
5 days ago
FDCP Chair Liza (kaliwa) positibo na ang komunikasyon kay FAP President Vivian Velez (kanan): "Tuwang-tuwa po ako. I’m very, very humbled during our last group meet. Kasi, siguro, dahil 2021, tapos, lahat kailangan talagang magtulungan, e."
PHOTO/S: @lizadino Instagram / PEP.ph

JERRY OLEA

Nagkakasundo na sina Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño at Film Academy of the Philippines (FAP) President Vivian Velez.

Dati nang naiulat ang pag-amin ni Vivian na "medyo nagkakabanggaan" sila ni Liza sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapatakbo ng huli sa FDCP.

Bilang FAP president, bahagi rin kasi si Vivian ng Board of Trustees (BOT) ng FDCP.

Pero ayon kay Liza, nakahanap sila ng "common ground" ni Vivian ngayon.

"We have our monthly Board of Trustees meeting, and that’s where we actually get the chance to talk," bungad ni Liza.

"Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na minsan, hindi talaga aligned yung...

"Hindi naman sa hindi kami nagkakasundo, pero she has reservations on some of the programs that we have.

"But we never stopped talking. And I think that’s super-important na the dialogue must continue, and kailangan na makarating kami sa common ground."

Continue reading below ↓

Positibo raw ang komunikasyon nila simula nitong Bagong Taon.

Patuloy ni Liza: "Kasi, at the end of the day, alam ko rin naman na ang gusto talaga niya ay makatulong sa industry.

"Magkaiba lang kami ng pinanggagalingan, at magkaiba kami ng paraan kung paano namin ia-approach ito.

"Tuwang-tuwa po ako. I’m very, very humbled during our last group meet. Kasi siguro, dahil 2021, tapos lahat kailangan talagang magtulungan, e."

Ibinahagi ito ni Liza sa virtual mediacon ng 5th Film Ambassadors Night (FAN 2021) nitong Pebrero 18, Huwebes ng hapon.

May live streaming ang FAN 2021 sa Pebrero 28, Linggo ng 8:00 p.m., sa FDCP Channel.

Kabilang sa 60 honorees and awardees sina Dingdong Dantes, Angel Locsin, Alden Richards, Arjo Atayde, Gloria Romero, at ang Inter-Guild Alliance (IGA)

PROPOSAL TO WAIVE AMUSEMENT TAX FOR FILMS

Kuwento pa ni Liza, si Vivian daw ang nag-bring up sa board meeting ng FDCP na sana ay i-waive muna ang amusement tax sa mga pelikulang ipinapalabas sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

Ito rin daw ang hiling ng mga miyembro ng Philippine Motion Pictures Producers Association.

"And andami niyang mga suggestions, and I feel that she’s recognizing how we can all work together," masayang balita ni Liza.

"Kasi, in-open niya sa buong council iyong mga proposals niya on how we can further help the industry.

"So, isa sa mga ihinatag niya sa amin ay nagkaroon siya ng pakikipag-usap sa PMPPA, at ang meeting niya sa PMPPA ay yung waiving of amusement taxes."

Tugma raw ang proposal ni Vivian sa plano ng ng FDCP.

"And of course, separately, kami [FDCP] last year, meron na kaming ni-set na meeting sa bawat isang Metro Manila mayor na ka-partner na namin, na gumawa ng sari-sarili nilang ordinansa for the waiving of amusement tax for at least three years para lang po ma-cushion iyong impact ng [pandemic].

"And we know that we have to do it first, na may buy-in kami ng kani-kanyang Metro Manila mayor.

Continue reading below ↓

"But when she shared this proposal sa board—because Metro Manila Development Authority is part of the board, at nandoon po sila sa meeting na iyon—specially, dito po sa aming BOT, mas nagkaroon kami ng way para idiretso na sa Metro Manila Council ang panukalang ito.

"So, ang ginagawa na ngayon ng FDCP is nagda-draft kami ng proposal to a resolution for our dear Metro Manila mayors, through the Metro Manila Council, to look into this possibility of supporting our producers—our film industry—for the next three years.

"And hindi po mangyayari ito kung walang ganitong klaseng pag-uusap."

UNITY AMONG STAKEHOLDERS

Masaya si Liza dahil nanaig daw ang pagkakaisa sa industry stakeholders ngayon.

"So, talagang ang take away ko po doon ay we’re always open. Basta, dapat hindi ka maaapektuhan personally.

"Kasi siyempre, kung ikaw, hinayaan mo yung personal na...

"Halimbawa, nagtampo ako, or masama yung loob ko, hindi magkakaroon ng pag-uusap.

Continue reading below ↓

"So, I’m just really happy na naging ganoon po iyong kinalabasan nitong aming mga meeting. I have a very, very optimistic view about what’s going to happen.

"We’re working talaga together as a group."

GORGY RULA

Isa raw kasi sa gusto ni Vivian Velez ay i-prioritize din sana ang taga-film industry sa vaccination kontra COVID-19.

Isa raw yun sa napag-usapan nila sa meeting ng Board of Trustees, at nagkakasundo sila riyan.

Pero ang isa pa nga sa concerns nila ay ang amusement tax sa mga pelikulang ipalalabas.

Inihayag ulit ito ni Liza nang mainterbyu namin siya sa DZRH noong Pebrero 17, Miyerkules ng gabi.

May pinu-propose daw sila sa Metro Manila Council na sana ay i-waive muna ang amusement tax sa mga sinehan sa loob ng tatlong taon.

Ito ay para makabawi raw kahit paano ang stakeholders sa movie industry na naapektuhan nang husto nitong pandemya.

Sana raw ay mabigyan ng aksyon ng mga alkalde sa Metro Manila.

Continue reading below ↓

Consistent din si Liza sa pagsasabing nagkakasundo sila ni Vivian sa usaping ito.

Sabi ni Liza sa DZRH, "Nakakatuwa kasi, again, when our goal is for the betterment of the industry, yung goal is talagang nakatulong, nawawala yung sari-sariling sentimiyento o meron kaming hindi pagkakaunawaan.

“So, very happy siya, very receptive siya, very supportive siya dun sa mga gagawing hakbang."

NOEL FERRER

Good luck sa mga programa ng FAP at FDCP!

Hihintayin natin ang pagpapasatupad ng kanilang mga plano para sa ating industriyang hard hit ng pandemya—na sana’y walang halong pamumulitika.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chair Liza (kaliwa) positibo na ang komunikasyon kay FAP President Vivian Velez (kanan): "Tuwang-tuwa po ako. I’m very, very humbled during our last group meet. Kasi, siguro, dahil 2021, tapos, lahat kailangan talagang magtulungan, e."
PHOTO/S: @lizadino Instagram / PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results