Prima Donnas, magkakaroon ng Book Two? Aiko Melendez, willing bumalik bilang Kendra

by PEP Troika
5 days ago
Ngayong Biyernes ng hapon, February 19, ang huling episode ng GMA afternoon drama series na Prima Donnas. May inihanda raw sorpresa ang programa para sa mga masugid na tagasubaybay nito.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

GORGY RULA

Ngayong Pebrero 19, Biyernes ng hapon, ang finale episode ng Prima Donnas.

Naintriga kami kung sino ang sinasabi nilang pa-surprise bago ito magtapos.

Sa totoo lang, medyo bitin pa ang ilang cast ng Kapuso afternoon drama na ito dahil iba raw talaga ang bonding nilang lahat sa lock-in taping.

Kung pwede lang daw humirit ng isa pang cycle ng taping, pero hanggang dito na lang talaga ang ending nito, na tiyak na magugustuhan daw ng mga manonood.

Kahit sinasabi noon ni Aiko Melendez na ayaw na niyang magkontrabida pagkatapos ng Prima Donnas, okay lang sa kanya kung magkakaroon ng book two at pababalikin si Kendra Fajardo.

Ang haba ng emote ni Aiko sa kanyang Facebook account na ipinost ngayong Friday morning dahil ang dami raw nagpaparating sa kanya ng mensaheng sana ay may book two ito. Kaya baka rarampa uli si Aiko bilang si Kendra Fajardo, kung magkakaroon ng book two ang Prima Donnas.

Continue reading below ↓

Bahagi ng mahabang post ni Aiko sa FB: “Napakahirap maging kontrabida pero masarap sa pakiramdam, hindi maitatanggi na very seldom sa mga kontrabida na minamahal at lagi binabanggit Kendra!

“To all my fans club who just keep on tweeting and raving about Kendra and our show, thank you!

“Truly para sa inyo ang show na ‘to.

“As I always do whenever I end a show that I’m part of, I take a bow and offer it to the LORD.

“Not all can shine during a pandemic but the LORD never left us… Kendra Fajardo ‘Claveria’ wannabe is signing off… Pero wag din kayo pakakasiguro hahahaha!”

NOEL FERRER

Ibang klase ang kahingian ng teleserye kapag hapon. Talagang traditional drama—and Prima Donna joins the ranks of Daisy Siete of GMA-7 ba or Doble Kara of ABS-CBN?

I’m so looking forward dahil ang Midas touch dito, ang kaibigan nating director at best actress na si Gina Alajar ay magiging available na naman para umarte ulit nang buong husay, at may time na siyang makipag-lunch, merienda o dinner with us ng isa pang kaibigan na si Sandy Andolong.

Continue reading below ↓

Nakaka-miss ang samahang ito ng High School Scandal and Moral girls, at The Legends.

JERRY OLEA

Tweet ng GMA Drama ngayong Friday morning, “Dahil sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal para sa Prima Donnas, mayroon kaming hinandang BIG surprise para sa inyo! Abangan pagkatapos ng #PrimaDonnasTheGrandFinale.”

Abangan kung may reunion ang tatlong Donna na sina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo)!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong Biyernes ng hapon, February 19, ang huling episode ng GMA afternoon drama series na Prima Donnas. May inihanda raw sorpresa ang programa para sa mga masugid na tagasubaybay nito.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results