Judy Ann-Ryan, Marian-Dingdong nag-collab para sa Angrydobo, DingdongPH

by PEP Troika
Feb 21, 2021
One of these days, tuturuan ni Judy Ann Santos (2nd from L) si Marian Rivera (R) na magluto ng Angrydobo. Magdedeliver naman si Ryan Agoncillo (L) para sa DingdongPH ni Dingdong Dantes.
PHOTO/S: Screen Grab from Marian Rivera on Facebook

NOEL FERRER

Alas kuwatro pa lang ng umaga nitong Pebrero 21, 2021, Linggo, ay gising na at nasa kusina na ng Angrydobo sa Taft Avenue, Manila si Chef Judy Ann Santos.

Nagluto si Juday kasama ang asawang alaga ko na si Ryan Agoncillo, na in charge naman sa online selling sa Angrydobo Sunday Market.

Tuwing 8:00-9:30 a.m. kada Linggo ay puwedeng bumili ng mga special na luto ng Teleserye Queen na YingYang Champorado (na may white at dark chocolate), Tokwa’t Baboy Arrozcaldo, Angrydobo Pancit, at Kaldedobo (Kaldereta at Adobo Combo).

Ang espesyal na nangyari ngayong umaga ay ang collab ng Angrydobo at ang riding service ni Dingdong Dantes na DINGDONGPh.

At nagkaroon pa ng moment ang dalawang well-loved couples sa ating industriya na sina Juday and Ryan at Marian and Dingdong, at nagkumustahan sa buhay nila ngayong pandemya na halos nakasentro sa pamilya at sa mga anak nila.

Magandang malaman na si Yohan pala ay inaanak ni Dingdong.

Continue reading below ↓

At looking forward na mag-bonding sina Luna at Zia, at magsama sina Lucho at Ziggy naman sa sports activities.

Nagtapos ang pagsasama ng dalawang power couples ng showbiz sa pagnanais ni Marian na matuto kay Juday sa pagluluto, at gagawin raw nila sa Angrydobo kitchen one of these days.

Kapag nangyari raw iyun, si Ryan naman ay sasama sa riders ni Dingdong sa pagde-deliver ng food orders.

Sobrang #GoodVibes at #RelationshipGoals ng pagsasanib puwersang ito sa showbiz talaga.

Sana, posible ring magsama sila pelikula na hangad din ng marami nilang tagahanga.

Ang saya nun kung sakali, di ba?

GORGY RULA

Nagsimula itong DingDong PH nang sinubukan ni Dingdong Dantes na mag-deliver ng mga bulaklak ng Flora Vida ni Marian Rivera.

Natigil lang sandali nang magsimula ang quarantine, pero ngayon ay lalong pinursige ng GMA Prime-Time King na mabuo itong DingDong PH para marami sa mga kababayan natin ang makapagtrabaho bilang rider.

Continue reading below ↓

Kaya subukan niyong buksan itong app na DingDong Ph, matatakam ka sa mga pagkaing inu-offer na idi-deliver sa inyong tahanan.

Lalo ka pang matatakam at ganahang kumain kung masuwerteng si Dingdong ang magde-deliver sa inyo.

Dagdag pa siguro kung si Ryan Agoncillo na ang mag-deliver ng Andrydobo nila ni Judy Ann Santos.

Nakakatuwa ang mag-asawang ito, napakasipag at magandang ehemplo ang ipinapakita sa kanilang mga anak.

Mabuhay sina Mr. & Mrs. Dantes at Mr. & Mrs. Agoncillo!

JERRY OLEA

Nagtambal sina Juday at Dingdong sa pelikulang Magkapatid (2002), at mula noon ay naging mabuting magkaibigan sila. At any rate, pararangalan si Dingdong sa dalawang kategorya ng 5th Film Ambassadors Night (FAN 2021), na sa Pebrero 28, Linggo ng 8:00 p.m., ang streaming sa FDCP (Film Development Council of the Philippines) Channel.

Bibigyang-pugay si Dingdong bilang artista at bilang Cinemadvocate.

Bilang artista, nagkamit si Dingdong ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards noong Setyembre 15, 2020 sa South Korea para sa teledramang Descendants of the Sun ng GMA Network.

Continue reading below ↓

Ang iba pang mga artistang honorees sa FAN 2021 ay sina Alden Richards, Arjo Atayde, Lovi Poe, Allen Dizon, Elijah Canlas, Louise Abuel, Ruby Ruiz, Isabel Sandoval, Cristine Reyes, Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino ,at Ronwaldo Martin.

Isa rin si Dingdong sa anim na Cinamadvocates, along with Angel Locsin, Congressman Toff de Venecia, NCCA Chairman Nick Lizaso, Lockdown Cinema, at Inter-Guild Alliance.

Paliwanag ni FDCP Chairperson Liza Diño sa virtual mediacon noong Pebrero 18, Huwebes ng hapon, kaugnay sa bagong segment na Cinemadvocates, “Ito po iyong sabi ko na, you know, as we celebrate our honorees, we also give recognition to those who really worked for us and championed the welfare of the Philippine film industry during the pandemic.

"May nire-recognize po tayo na anim na personalities na talagang naging model po ng pagtulong at talagang concern sa industry...

"For Dingdong Dantes po, alam niyo naman din po what he has done in the past year. I have been working with Dingdong to elevate the status of our stuntmen. Actually, mas doon nga po siya nag-comcentrate the first two years of my being part of the FDCP.

Continue reading below ↓

"Pero ngayon po, he put together AKTOR [Alliance of Filipino Actors]. And then, even itong kanyang business na Dingdong PH, he’s making sure na ang priority po niyang iha-hire ay mga film workers po natin.

"So, nakakatuwa po na meron tayong mga ganitong klaseng mga champions na iniisip po ang welfare ng ating mga kasamahan sa industriya."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
One of these days, tuturuan ni Judy Ann Santos (2nd from L) si Marian Rivera (R) na magluto ng Angrydobo. Magdedeliver naman si Ryan Agoncillo (L) para sa DingdongPH ni Dingdong Dantes.
PHOTO/S: Screen Grab from Marian Rivera on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results